Halos malaglag ang panga ko nang buksan ko ang f*******: at unang bumungad sa feed ko ay ang pictures nina Paulo at Cassandra. Nanginig ang mga daliri kong nakakapit sa cellphone. Ayoko sanang magbigay ng malisya, pero may isang larawan na sobrang dikit ang katawan nila, habang nakahalik si Paulo sa pisnge ni Cassandra; f**k! Nanginig maski ang mga labi ko. Tinitigan kong maigi ang picture; imposible... imposibleng bagong kuha lang ito. Baka naman galing lang ito sa vlog noong ng jowa challenge sila. Binara ng mga comments ang lalamunan kong tuyong-tuyo. Omg! Bagong kuha lang ba 'to? Akala ko ba si Wendy ang gusto ni Alistare! Smells fishyyyy. Ayon sa source ko, bagong kuha lang daw ang mga pics. Kahapon lang ata? Hinimas ko ang hita ko. Kahapon? Maghapon akong nasa kompanya noong mg

