"Ano 'to?" Binagsak ko ang envelope at mga papel sa lamesa. Halos magdikit na ang kilay ko. Natuyo ang lalamunan ko, kasabay ng panginginig ng labi ko. Umiling-iling ako. "Hindi ko pipirmahan iyan. Hindi, daddy." "Wendy!" Tumalbog ang puso ko sa pagsigaw ni daddy. "Can't you see? Asher is a nice guy. He's the best you could ever have." Hiningal ako sa bilis ng takbo ng puso ko. He was trying to control me again. Ang tanda-tanda ko na, pero hindi pa rin talaga siya nagbago! "I'm sorry, Asher." Tinapik ni daddy ang balikat ni Asher. "Hindi pa lang gaanong nakakapag-isip-isip--" "Asher, pumayag ka sa ganito?" Halos mapunit na ang mukha ko. "Sa arrange marriage?!" "Wendy, hindi ako--" "Wendy," untag ni daddy. "Si Asher ang nakasama mo simula umpisa. Naging mag-partner kayo sa negos

