"Good morning." Lubog na lubog na dimples ang nagpaliwanag sa nakakahilo kong umaga. Unti-unting luminaw ang paningin ko. Kumurap-kurap ako, medyo antok pa ako at mabigat pa ang mga mata ko. Unti-unting nag-sink in sa akin kung sino ang nakaupo sa tabi ko at nakatitig sa 'kin "Paulo?" Mabilis akong umupo. Nilibot ko ang paningin. Kumapit ako sa ulo ko nang medyo kumirot ito. Nagsalubong ang kilay ko. Bakit nandito ako? Ang alam ko nasa... nasa party ako ni Karmina! "Tubig oh." Inabutan niya ako ng tubig. Tinanggap ko ito kahit takang-taka pa ang buong isip ko. "Lasing na lasing ka kagabi, Wendy. Ihahatid dapat kita sa unit mo, pero rito ka nagpauwi." Parang kutsilyong bumara ang tubig sa lalamunan ko. Napaubo ako at nilapag na ang baso sa side table. Halos maluha na 'ko sa kakau

