"Paulo wala lang iyon. Walang malisya sa 'kin iyon." Napalunok ako. "Walang malisya? Hinalikan ka niya sa pisnge, Wendy. Nililigawan ka rin niya diba? Dapat ba 'kong matakot sa kanya? May pag-asa ba siya sa 'yo?" "Paulo, wala. Bakit ka matatakot sa kanya? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na ikaw ang mahal ko." Hinimas ko ang hita ko. Tumagos ang pangamba ng mga mata niya sa puso ko. Nagbara ang lalamunan kong tuyong-tuyo na. "Mahal mo 'ko, pero nagpapahalik ka sa iba? Una sa kamay, Wendy. Pagkatapos sa pisnge, saan naman ang sunod? Sa labi?" Sunod-sunod na bato ang dumagan sa dibdib ko. Nanginig ang labi ko. "Tingin mo ba hahayaan kong gawin niya iyon?" Uminit ang mga mata ko. Suminghap siya. "Hinahayaan mo nga siyang halikan ka sa kamay at pisnge--" "Paulo, nabigla rin ako sa gina

