Hindi ako makatulog. Kahit na pagod na pagod ako sa ilang ulit naming pagliwaliw ni Paulo, hindi pa rin ako makatulog lalo't katabi ko siya sa kama ko. Nakahiga ang ulo ko sa balikat niya, habang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ko. Nakatitig kami pareho sa kisame; ang ingay pa rin ng puso kong walang tigil sa pagkalabog. "Wendy..." Binasag niya ang katahimikan. "Hmmm?" "Tayo na diba?" Tumango ako; pinalobo ko ang pisnge ko. "Edi pwede ko ng ipaalam sa buong mundo ang pagmamahal ko sa 'yo?" Napatingin ako sa kanya. "Wag muna, Paulo." Napalunok ako. "Bakit?" "Tumetyempo pa 'ko. Gusto kong ipaalam muna kay daddy, bago pa malaman ng lahat. Saglit na lang, Paulo. Kumukuha lang ako ng lakas ng loob." I shrugged. "Mahigpit ang daddy ko, siguro alam mo naman iyon." "Okay, per

