"Kung gano'n si Alistare na sikat na vlogger at si Paulo na isang engineer sa librong sinulat mo ay iisa lang. Tama ba, Wendy?" Sunod-sunod na liwanag ang tumama sa mga mata ko. Katabi ko si Paulo sa mahabang sofa, habang kaharap namin si Alex. Kasalukuyan kaming naka-ere sa Alex's talk show; isa sa mga sikat na talk show sa Pilipinas. "Opo, tama po kayo." Lumunok ako. Naghiyawan ang mga audience. Pilit akong ngumiti lalo't nasa harapan kami ng maraming camera. Sanay ako sa photoshoots, pero hindi talaga ako sanay sa mga live interviews. Nagkatinginan kami ni Paulo. Ngumiti siya sa 'kin. Binalik ko ang tingin sa mga tao. Nahagilap ko sa audience ang malalim na titig sa 'kin ni Asher. Hindi siya sumang-ayon na isama ko si Paulo sa interview, pero wala na rin siyang nagawa. Gusto niya

