"Flowers for you, my CEO," ani Asher. Umagang-umaga siya ang bumungad sa harapan ko. "Anong mayroon?" Tinanggap ko iyong bulaklak at nilapag sa side table. Pumasok siya sa kwarto ko at sinarado ang pinto. Umupo siya sa kama, habang nakangiti sa 'kin. "Appreciation." He shrugged. "And to congratulate you as well. You did really well. Successful ang photoshoot kahit na medyo nahirapan ka." Ngumiti ako. Sa wakas nga ay natapos na rin ang three days photoshoot namin. Last day na namin ngayong araw at bukas na ang balik namin sa Manila. Relaxation lang ang schedule namin ngayon, pero hindi ko alam kung paano magre-relax. Sa mga araw na lumipas, naging mailap ako kay Paulo. Iniwasan ko ang mga lugar kung saan pwede niya 'kong makita. As much as possible nga, nakakulong lang ako sa kwarto

