"Nagseselos si Paulo kay Asher; pansin na pansin ko iyon," sambit ni Emily. Pagkatapos mag-relax sa harapan ng bonfire, pareho kaming hindi makatulog, kaya nagkayayaan kaming maglakad-lakad na muna sa seashore. Wala ng mga tao. Madilim, pero bilog na bilog ang buwan na nagbibigay liwanag sa paligid. May mga poste rin ng ilaw. Payapa ang lugar, pero hindi ang utak ko. "Wag ka ngang malisyosa riyan." She laughed. "Sis hanggang ngayon ba in denial ka pa rin?" "Narinig mo ba iyong sinabi ni Paulo kanina? May gusto siyang babae." "Oo nga at ikaw iyon, obviously." Hindi ako umimik. Patuloy ang mabagal naming paglakad sa malambot na buhangin, dinadama ang salubong ng malamig na hangin. "Akala ko ba mag-uusap na kayo nang maayos?" I shrugged. "Akala ko rin." "Ano ba, sis?" Hinampas niya

