"Wendy, liligawan kita. Handa akong manligaw hanggang sa bumalik ka na sa 'kin, hanggang sa bumalik ka na sa mga bisig ko. Sinabi mong mahal mo ako at gusto mong simulan ulit natin sa umpisa, kaya hindi kita titigilan hanggang sa maging akin ka hanggang dulo." Dalawang araw na ang lumipas nang sabihin iyon ni Paulo. Nakabalik na kami't lahat sa Manila, pero hanggang ngayon nakatatak pa rin sa utak ko ang mga sinabi niya. "Wendy!" Pumitik si Asher sa harapan ng mukha ko. "Nakikinig ka ba?" "Ha? Ah... a-ano ulit iyon?" Tumawa siya at umiling-iling. "Ano iyan jetlag? Kanina ka pa sabog sa board meeting natin. What have you been thinking?" "Wala naman. Kulang pa rin ata ako sa tulog. Alam mo na, from island to work. Baka nabigla lang iyong diwa ko," palusot ko. He laughed. "I told yo

