Chapter 58

1999 Words

Unti-unting lumabo ang paningin ko, nangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko lubusang naisip na ginawa niya pala iyon. Ang napakagandang lalake sa harapan ko na nawalan ng alaala, nanatiling mahal ako. Mahal niya talaga ako at hindi na iyon ma-deny ng puso't isip ko. Pumatak ang luha sa pisnge ko. "Iyon ang pinakamasakit na pagtalikod na ginawa ko, Wendy. Noong nakita kitang masaya kasama si Asher, naisip kong baka nga talaga kailangan na kitang palayain. Masyado kitang nasaktan sa mga nangyari; hindi na ako ang pahinga mo, dahil pagod na lang ang nabibigay ko sa 'yo. Alam mo kung ano iyong pinakamahirap tanggapin sa pagbitaw? Ako iyong may amnesia, pero parang ako pa 'tong hirap makalimot." "Paulo... hindi ako masaya, oo tumatawa ako, pero may kulang. Sorry... nahirapan din ako. Nat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD