"Miss Wendy, good news po, after one month, tumaas na ulit iyong sales natin," ani Lea na kakapasok lang sa office ko. Ngumiti ako. "That's good to hear. Pero hindi pa rin tayo dapat makapante, gaya ng sabi ni Asher, we should always work harder than yesterday." One month na ang lumipas matapos sumulpot si Asher sa harapan ko sa isang coffee shop, at masasabi kong thankful talaga ako na nagpakilala siya sa 'kin. Hindi lang iyon, binahagi niya pa ang galing niya sa management na sobrang nakatulong talaga para tumaas ulit ang sales namin. "Kaya nga po miss Wendy. Ang laking tulong ng mga ideas at words of wisdom ni sir Asher. Buti siya po ang nakuha ninyong manager." She giggled. "Mabait din po siya." Ngumiti ako, pero napailing-iling ako kay Lea. Sobrang halata naman sa ngiti at sa mga

