"Miss Wendy, that story happened three years ago, right? We're wondering, after so many years, are you still in pain?" I gulped. Napapalunok na lang ako sa nerbyos, dahil nasa harapan ako ng maraming tao at maraming camera. Papikit-pikit din ako dahil sa ilaw na sunod-sunod na tumatama sa mga mata ko. It's been three years. Hindi ko inakalang magiging record breaking ang librong ginawa ko sa sobrang pighati; Road to Lust, ang kwento namin ni Paulo na nagbigay pangalan sa akin at sa akda ko. "Sometimes," I whispered kahit na alam kong dinig pa rin ito lalo na't may mike sa harapan ko. I was standing in a little stage. Mayroon akong pres conference para sa librong naging best seller ng taon. Wala dapat akong planong pumayag sa alok nilang ganito, pero pinilit ako ni Asher; malaking tulo

