"Mauna na 'ko sa 'yo, bro." Tinapik ni Paulo ang balikat ni Adam. "Uy teka si Alistare pala 'to," ani Asher na mukhang hindi rin agad siya nakilala. "Uy, 'sup mister Asher." Lumundag ang puso ko nang lumipat ang tingin ni Paulo sa mga mata ko. "What's up, miss Wendy." Malamig pa sa yelo ang boses niya. "Mauna na 'ko sa inyo, may aasikasuhin pa ako." "Bro, sandali lang." Hinawakan ni Adam ang palapulsuhan ni Paulo. "Sa'n ka pupunta? Hindi mo naman alam code ng unit ko." He laughed. "Ano bang code o kaya akin na iyong susi, mauna na 'ko." Ngumisi si Adam at umiling-iling. "Sabay na tayo." "Ah... alis na kami Adam," sabat ko, dahil nakakailang lang naman ang mga inaakto nila. "Grabe! Wala man lang kamustahan diyan kahit sandali," reklamo ni Adam. "Di ka na ma-reach, Wendy." "Uy gr

