"Iyan ang una kong tinabi. Dinikit ko sa bago nating ref. Palagi ko kasing naaalala ang kwento mo sa 'kin tungkol sa sticky note na iyan. Mahal na mahal mo kamo ako kaya sinulat mo iyan. At ako naman, sabi mo sinulat ko ang paborito mong pagkain para alam ko agad kung anong lulutuin kapag galit ka. Tumatak iyon sa utak ko, kaya madalas napapangiti ako kapag nakikita ko ang sticky notes na iyan." Lumandas ang mainit na luha sa pisnge ko, agad ko itong pinunasan, bago ko hinarap si Paulo. Nanginig ang labi kong pilit ko nginiti. Hindi ako nakapagsalita. Ang laki ng batong bumara sa lalamunan ko. "Bakit ang lungkot... teka sorry may nasabi ba--" "Talagang inalagaan mo lahat ng gamit natin, Paulo?" Nanginig maski ang boses ko. Kumirot ang puso ko. Ang tagal kong pinilit na kalimutan si Pa

