Nagising ako sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana, tumama ito sa mukha ko. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong wala ako sa sarili kong kwarto. Umupo ako at nilibot ang paningin, kumapit ako sa ulo kong kumirot. Sa bahay ni Paulo... ang tanging naaalala ko lang ay um-attend ako ng party sa bahay ni Paulo. Namilog ang mga mata ko. Tinignan ko ang mga suot ko na mukhang hindi naman nagalaw. Huminga ako nang malalim. Unti-unti kong napagtanto ang hitsura ng paligid ko. Ang master's bedroom; ang kwarto namin ni Paulo na noon ay wala pang gaanong laman. Ngayon ay may table, cabinet, drawer, at kung ano-ano pang mga gamit na ang nandito. Tumayo ako at hinanap ang phone ko. Natigil ako sa harapan ng side table nang makita ang isang frame; picture namin ni Paulo noong wala pa siyang a

