Chapter 64

1923 Words

Nakatitig lang ako sa kisame, inaabangan ang antok ko na dumapo sa diwa ko. Nag-ring ang phone ko at agad ko iyong kinuha. Kulang na lang mapunit ang labi ko nang makita ang pangalan ng tumatawag. Alistare calling. Naghintay pa ako ng ilang segundo, bago iyon sinagot. Tinapat ko ang cellphone sa tainga ko. Pinalobo ko ang pisnge ko nang maalala ang teenager days ko noong katawagan ko pa lang si Paulo gabi-gabi. "Hi Wendy." Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi niya marinig ang pagngiti ko. Ewan ko, pero parang mas naging malalim at gwapo ang boses niya sa call. "Uy Paulo. N-napatawag ka?" Maski ang tawa niya, mas masarap pang pakinggan kaysa sa mga sikat na kanta. "Wala lang. Kamusta buong araw mo?" Pinalobo ko ang pisnge ko para hindi gaanong mapunit ang labi ko sa pagngiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD