Chapter 8: Feeling Relevant

1566 Words
Mariin siyang napapikit para pakalmahin ang kanyang sarili. She doesn't wanna burst out her frustration towards her as long as she can control it. Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti siyang nagmulat ng mata kasabay ng paghugot niya ng hangin. "Look Elaine, bringing food to Raven isn't your responsibility. Nandito ka para magtrabaho diba? Then do your job as a doctor as I will do my thing as his wife including cooking and bringing him food." Mas lalo pa siyang nainis ng makita niyang napasimangot ito. "Are you mad? Nagmamagandang loob lang naman ako. Akala ko ba hindi ka selosa? Wala naman akong nakikitang mali kung dadalhan ko ng ulam si Raven. We are friends, Phoebe. We already knew each other even before he knows you." Sarkastiko naman siyang natawa. "That's the point. The two of you were just friends. Di ka ba marunong umintindi? You are just his friend kaya hindi mo na siya kailangang ipagluto at dalhan ng pagkain." Napangisi naman ito. "There you go. Nagseselos ka nga. Are you threatened with my presence? Natatakot ka bang mabaling ang pagtingin ni Raven sakin?" Mapanghamon nitong tanong. "Why would I? Kahit na ano pang pagpapapasin ang gagawin mo, that won't change the fact that I am his wife and you are just his so—called friend," may diin niyang bigkas. Elaine was about to answer her but her expression immediately changed upon staring into the opposite direction. Napalingon naman siya sa kanyang likuran at nakitang papalapit na ang asawa niya. Even before she could react, nauna na si Elaine na sumalubong kay Raven. Kita niya ang gulat sa mukha ni Raven nang makita nito ang babae. Naiyukom naman niya ang kanyang kamao habang nakatitig sa dalawa. "What brought you here, Elaine?" Gulat na tanong ng asawa niya. "I came here to brought you food and since it's already lunch now, pwede nating pagsaluhan yun," masigla nitong turan. She shook her head. Saan kaya kumukuha ng kakapalan ng mukha ang babaeng to? Raven's eyes roamed around and landed towards her. Mabilis naman itong naglakad papunta sa gawi niya at basta nalang iniwanan si Elaine sa kinatatayuan nito. "Love, you're here," anito saka marahang pumalibot sa kanyang bewang ang isa nitong braso bago siya pinatakan ng magaan na halik sa noo. Napangiti naman siya. In her peripheral vision, she saw Elaine rolled her eyes at them. Hindi na niya ito pinansin pa at nag-angat na ng tingin kay Raven. "I came here to bring you food. Hindi ko aakalaing may nauna na palang nagdala sayo ng pagkain," aniya bago sumulyap kay Elaine. Raven blinked a couple of times bago napatitig sa dala niyang pagkain. "Then let's eat what you have for me then." "Then what about the food that I brought you Rave? Hindi mo ba iyon kakainin? Ako ang nagluto nun para sayo." Bigla nitong singit. Humugot ng hangin si Raven bago hinarap si Elaine. "I appreciated your effort of bringing me food Elaine but I want to eat the food that my wife prepares for me. I hope this will be the last time that you will cook and bring food for me. Hindi mo iyon responsibilidad. I hope you understand and got my point," diretsahang wika ng asawa niya. Kita niya ang panlulumo ni Elaine. Alam niyang napahiya ito sa sinabi ng asawa niya pero hindi din naman niya pinigilan si Raven. Mas mabuti na iyong maging klaro dito kung ano ito sa buhay ng asawa niya. "O—okay... I understand. I'm sorry if you misunderstood my actions, Rave, Phoebe. Gusto ko lang naman talagang magpasalamat sa pagliligtas mo sakin Raven," anito sa mababang tono. "I told you wala yun. You are an old friend, Elaine," tugon ng asawa niya. Napatango-tango naman si Elaine bago pilit na ngumiti. "S—sige. Alis na ako. Enjoy your lunch," anito bago sila tinalikuran. Pinanood nila ang bulto ni Elaine hanggang sa mawala na ito sa paningin nila. Marahang humarap si Raven sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Let's go inside." Ngumiti naman siya at tumango bago nagpatianod sa lalaki papasok sa opisina nito. She prepared their lunch while Raven was staring at her every move. Tinaasan niya ito ng kilay dahilan para mapangiti ang lalaki. "What?" She mouthed. "Are you still jealous of her?" Bigla nitong tanong. Bahagya siyang natawa bago umiling. "No. Not anymore. I just realize that I'm better than her," she confidently uttered. Napangiti naman ito bago siya marahang hinila dahilan para bumagsak siya sa kandungan ng lalaki. "That's my woman," tila proud pa nitong sambit dahilan para matawa siya. Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian, nilisan na niya ang opisina ni Raven dahil marami pa itong aasikasuhing pasyente. Habang naglalakad siya sa hallway ay nakasalubong niya si Mr. Jules Casimero na ama ni Julie, isa ring babaeng doktor na kaibigan ng asawa niya. Magiliw na ngumiti sa kanya ang ginoo kaya nginitian din niya ito pabalik. Hindi niya maipaliwanag subalit unang kita niya palang sa lalaki ay magaan na agad ang loob niya dito. Pakiramdam niya matagal na silang magkakilala. Sobrang taliwas din ng ugali nito sa pagiging maldita ni Julie. "Magandang tanghali po Tito Jules," bati niya sa lalaki nang tumapat siya dito. "Hello, Phoebe, how are you?" Tugon nito. Tipid siyang ngumiti bago sumagot. "Ayos lang naman po. Kayo po kumusta?" "I'm good too. I heard you stopped working already?" "Ah, nagpapahinga lang po dahil yun ang payo ng doktor. Babalik din naman po ako agad after sometime." Napatango-tango naman ito. Dahil magkaibigan silang dalawa, naikwento na niya sa ginoo ang naging problema niya sa pagbubuntis. "That's good to hear then. I hope the two of you could finally have a baby. Isa ako sa magiging napakasaya kapag nangyari iyon Phoebe," nakangiti nitong turan. "Sana nga po eh." Marahan nitong tinapik ang kanyang balikat. "Don't worry too much. Darating din iyan. By the way, kumain ka na ba?" Mabilis naman siyang napatango. "Yes po. I brought Raven a lunch at nagsabay na kami." "Ganun ba. Yayayain pa naman sana kitang kumain but since you have already eaten, sabayan mo nalang akong magkape." Walang pag-aalinlangan siyang pumayag sa alok nito. Pagdating nila sa cafe ay parehong espresso ang inorder nila. Funny to think that both of them have the same favorite when it comes to coffee. "If there will be a time that your parents will show up at your door one of these days, what will you do, Phoebe?" Biglang tanong ni Tito Jules. Napakurap-kurap naman siya. She wasn't expecting that question. Gayunpaman ay game niya paring sinagot ang tanong nito. "Honestly, I would be glad, Tito. I'm dying to know who my parents are kahit na imposible ko na silang makita. Magtatampo ako dahil iniwan nila ako sa orphanage but that would just be my initial reaction. Mas lalamang parin ang pangungulila ko sa kanila," pagtatapat niya. Mataman naman siya nitong tinitigan." You really grew up into a very good woman, Phoebe. Your parents must be so proud of you if they only knew." Malungkot siyang napangiti. Sana nga dumating ang araw na makilala niya ang magulang niya. Isa na siguro iyon sa napakalaking regalo na matatanggap niya kung sakali. Ilang sandali pa silang nanatili sa loob ng cafe bago niya napagpasyahang umuwi na. Sa labas palang siya ng bahay, nakita na niya ang isa sa sasakyang ginagamit ng ina ni Raven. Ibig sabihin ay narito sa pamamahay nila ngayon ang kanyang biyenan. Humugot siya ng hangin bago nagtuloy sa loob. Upon reaching the salas, her hunch was right. Naroon nga si Donya Adela at prenteng nakaupo sa sofa. Nang makita siya nito ay agad na tumikwas ang isa nitong kilay. "Magandang tanghali, Mom," bati niya sa mababang tono. Tumikhim naman ito bago iminuwestra ang upuan sa harapan nito. "Sit down. May pag-uusapan tayo." Agad na kumabog ang kanyang dibdib sa sinabi nito. She's so serious that made her conscious and curious at the same time. "A—ano pong pag-uusapan natin, Mom?" Mahina niyang tanong. "Elaine called me awhile ago while crying. Inaway mo daw siya doon sa ospital at pinagsalitaan ng hindi maganda," masungit nitong wika. Mabilis na kumunot ang kanyang noo. "P—po? Hindi ko po siya inaway, Mom—" . "So are you implying that Elaine is lying? I know her more than I know you Phoebe. Mabait na bata iyang si Elaine at mahinhin. Hindi yan iiyak kung wala kang ginawa!" Putol nito sa sasabihin niya sana sa may kataasang boses. Hindi narin niya napigilan pa ang sarili na sagutin si Donya Adela. "Hindi ko naman po siya inaway. Pinagsabihan ko lang siya dahil sumusobra na siya sa ginagawa niya. Pakiramdam ko konti nalang po sasapawan na niya ako sa pagiging asawa ko kay Raven." "You're just being ridiculous! Nagmamagandang loob lang yung tao, Phoebe. You're the one who's giving malice to what she was doing!" "No, Mom. Babae ako at alam ko at marunong akong makiramdam! She wanted to be relevant in my husband's life at dahil paborito niyo siya at kilala mo ang pamilya nila, hindi niyo nakikita yun. Or maybe you also wanted this to happen. You wanted Elaine to steal my husband away from me dahil hindi mo ako gusto para sa anak mo—" Hindi na niya natapos pa ang iba pa sana niyang sasabihin nang dumapo ang mabigat nitong kamay sa kanyang pisngi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD