"Do you really love your wife that much?" Dinig niyang tanong ni Elaine.
Nais niyang matawa. Harap-harapan pa talagang tinatanong. Pakakasalan ba siya ni Raven at ipaglalaban sa pamilya nito kung hindi?
"Yes, of course," mabilis na sagot ni Raven.
Elaine heaved a very deep sigh. "Wow. Phoebe was so lucky to have you."
Her husband chuckled at Elaine's remark. "Nah, it's the other way around. I am the one who's lucky to have her."
Hindi na muli pang nagsalita si Elaine hanggang sa naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at nakitang nasa loob na sila ng subdivision kung saan din nakatirik ang bahay nila. She stared at the big house where the their car stopped. This must be Elaine's house.
"I think we're here," anunsyo ni Raven.
"Yup. You want to get inside? I could offer you a drink in exchange for tonight," aya ng dalaga.
She saw her husband shook his head. "Hindi na. Uuwi na din kami para makapagpahinga na. Phoebe is already tired."
"Okay. Nextime nalang. Thank you for saving me, Rave," dinig niyang sabi ni Elaine.
"No problem, Elaine. You should go now para makapagpahinga ka na rin," tugon naman ng asawa niya.
Elaine went out of the car. Matamis pa itong ngumiti at kumaway sa asawa niya bago pumasok sa loob ng gate. Nilingon naman siya ni Raven. Ngumiti ito sa kanya nang makita siyang gising na.
"Gusto mo bang lumipat dito sa harap, love?" Untag nito.
Mabilis naman siyang umiling. "Hindi na. Malapit narin naman tayo," malamig niyang turan bago ibinaling ang tingin sa labas.
Hindi naman nangulit pa si Raven at pinausad na ang sasakyan. Minutes later, their car went inside their vicinity. Nang tumigil ang kotse ay nauna na siyang bumaba. Raven immediately followed her.
"Love, are you mad at me?" Malumanay nitong tanong.
"No." Tipid niyang tugon.
"You are mad," anito bago siya hinila at pinaharap sa lalaki.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "I am not mad at you. I am just upset about the topic that Elaine opened up. I envied how your parents treated her unlike how they treat me," pag-amin niya.
One thing that she likes in their relationship is their honesty on what they feel. May mga bagay man siyang inililihim kay Raven kapag tungkol sa pang-aaway ng ina nito sa kanya pero madalas ay nagsasabi talaga siya kung ano ang saloobin niya at ganun din naman ito sa kanya. Maybe that's why their relationship is strong despite the fact that Raven's parents were against their union.
Raven inhaled deeply before hugging her tightly. "I'm sorry," anito sa mababang boses.
Malungkot naman siyang napangiti bago yumakap pabalik sa lalaki. "It's not your fault though."
"Let me just make it up to you," pabulong nitong sambit at hinalik-halikan pa ang kanyang pisngi dahilan para itulak niya ito palayo.
"Pérvert!" Asik niya at binirahan ito ng alis.
Mabilis namang humabol si Raven sa kanya at inakbayan siya. "I'm just kidding to lighten up your mood."
"Ewan ko nga sayo. Lumayo ka nga sakin," aniya habang paakyat na sila sa kanilang silid.
Huling nagshower si Raven. Mataman naman niya itong hinintay habang nakaupo siya sa kama. Minutes later, her husband went out of the bathroom and went to bed next to her. Mahigpit siya nitong niyakap saka isiniksik ang mukha sa kanyang leeg.
"Are we really going to sleep now? Hindi na ba natin itutuloy yung ginawa natin kanina?" Tanong nito.
She chuckled because of the tickling sensation coming from his hot breath on her skin. "No. I'm already tired. Matulog na tayo."
Huminga naman ito ng malalim bago tumango. "Alright. Goodnight, love..."
"Goodnight," mahina niyang tugon.
Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata pero paulit-ulit na bumalik sa isipan niya ang pagyakap ni Elaine sa asawa niya. Marahan niyang iniusog ang kanyang ulo para silipin kung tulog na ba talaga ang asawa niya. Marahil napansin nitong nakatingin siya kaya naman dahan-dahan din itong nagmulat ng mata.
"What's wrong?"
Napalunok siya. She was hesitant to tell him pero hindi talaga siya mapakali. "Uhm... What do you think about Elaine, love? Maganda ba siya?" Nahihiya niyang tanong.
Napakurap-kurap naman ito bago tumango. "Yes, she's pretty. Why?"
"Hindi ba sumagi sa isip mo na maattract sa kanya?"
Tuluyan ng nangunot ang noo ni Raven bago umiling. "What kind of question is that love?"
"Just answer me..."
Huminga ito ng malalim bago ngumiti. "No. I was never attracted to her or even to any other woman I have seen since the day we dated. They may be pretty but you're the most gorgeous woman I have been attracted to."
Bahagya naman siyang napanguso bago nagsumiksik sa dibdib ni Raven pero hindi siya nito hinayaan at pilit na iniangat ang kanyang mukha habang may mapanuksong ngiti sa labi.
"Are you jealous of her?" Tanong nito sa mapaglarong boses.
"No," masungit niyang sagot.
Mahinang natawa si Raven dahilan para paluin niya ito sa dibdib. "What are you laughing at?"
Pilit itong nagseryoso kahit na natatawa parin. Mas lalo lang tuloy siyang napasimangot. Pakiramdam niya nangapal ang kanyang mukha. She wasn't like this before kaya hindi siya sanay.
"You're jealous," Raven kept on teasing her.
Mataray siyang umirap. "So what? Tingin mo ba nakakatawa to?"
Raven heaved a deep sigh before cupping her face using both of his hands. "It's not funny but it makes me happy. This is the first time I heard you got jealous."
"Feeling mo naman ikinagwapo mo yan?"
Malakas na humalakhak si Raven. His laughter was like a music to her ears. Hindi narin niya napigilan ang sarili na matawa.
"Gwapo naman talaga ako. Kaya nga patay na patay ka sakin eh—"
"Tumigil ka nga. Marami pang mas gwapo sayo no!" Paingos niyang sabi.
"Nah! That's a lie. Ako lang ang pinakagwapo sayo."
She wrinkled her nose as she pouted more. "Imagination mo lang yan. But seriously, what will you do if Elaine likes you?" Seryoso niyang tanong.
"That's impossible. Elaine is just an old friend," naiiling nitong bigkas.
Napalunok siya dahil kahit saang anggulo niya tingnan, hindi lang talaga pakikipagkaibigan ang pakay ni Elaine sa asawa niya. Someone in the corner of her mind is shouting that Elaine likes her husband.
"But what if there comes a time na magkagusto siya sayo? What will you do?"
"Listen, love... I only have my eyes on you. Hinding-hindi ako magkakagusto sa iba kahit kailan kahit pa magkagusto sila sakin. I don't care about them. You're the only one for me. If it's not you then I'd rather not fall inlove at all," puno ng emosyon nitong wika bago siya pinatakan ng madiin na halik sa noo.
Napapikit naman siya at marahang pinisil ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi. She just wishes that Raven will stand up to what he told her tonight. Wala sanang magbago sa pagitan nila sa pagdaan ng panahon at sana maging matatag pa sila sa pagsapit ng marami pang taon.
Lumipas ang ilang araw magmula ng magparescue si Elaine sa asawa niya. Hindi pa niya nakikita ulit ang babae na ipinagpasalamat niya. Kung maaari lang sana ay hindi sila magtagpo ng landas dalawa dahil hindi siya kumportable sa presensya nito.
Kasalukuyan siyang naglalakad papasok ng ospital para ihatid ang bagong lutong ulam para sa asawa niya. Akmang papasok siya sa opisina ni Raven nang bigla iyong bumukas at iniluwa si Elaine. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang babae.
"Elaine? What are you doing inside Raven's office?" Nagtataka niyang tanong.
Sa pagkakaalam niya, sa susunod pang araw ang duty nito sa ospital ayon sa asawa niya. Napakurap-kurap naman ito bago tipid na ngumiti.
"Oh, nandito ka pala Phoebe. I just dropped by para hatiran ng ulam si Raven bilang pasasalamat sa pagliligtas niya sakin. Nagluto kasi ako ng menudo at medyo naparami kaya naisipan ko na dalhan siya. I remember when we were young na mahilig si Raven sa menudo," kaswal nitong sagot.
Hindi niya mapigilan ang sarili na mapaangat ang isa niyang kilay sa narinig. She can't believe that both of them brought the same menu. "Raven loves pork asado and not menudo," malamig niyang turan.
Elaine blinked a couple of times bago natutop ang bibig. "Really? My gosh! Matagal na kasi yun kaya nakalimutan ko na. But I'm sure Raven will still eat it. Masarap akong magluto kaya alam kong magugustuhan niya iyon," puno ng kumpyansa nitong sambit bago bumaba ang tingin sa bitbit niyang lunch bag.
"Nagdala ka rin ng ulam?"
She glanced at her bag before nodding. "Yeah. My husband loves the food that I cook kaya dinadalhan ko siya regularly."
"Ganun ba? Well, siguro kapag nagsimula na akong magtrabaho dito pwede mo ng hindi dalhan ng ulam si Raven. Ako nalang ang magdadala sa kanya since magkasama naman kami sa trabaho at para hindi ka narin mapagod dahil alam ko namang nagpapahinga ka so you will get pregnant na diba?"
Nais niyang matawa kahit pa nagsimula ng kumulo ang kanyang dugo. She's not sure if Elaine is just too dumb to read between the lines to know what boundaries are or she's just trying to seduce her husband and play as his wife while seriously mocking her stand in Raven's life…