Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ng muli si Raven sa loob ng silid nila. Bakas ang yamot sa mukha nito na kanyang ipinagtaka. "May problema ba love?" Malumanay niyang tanong. Nag-angat ng tingin si Raven saka tipid na ngumiti bago umiling. "Nothing." "Sino ba kasi yung tumawag at parang badtrip ka?" Usisa niya. Napakurap-kurap ito bago muling umiling. "Wala. Don't mind it. Why don't you take a bath first. I will make you a good morning snack," malambing nitong suhestyon saka siya pinatakan ng halik sa tungki ng matangos niyang ilong. "Ayaw mo bang sumabay?" Pilya niyang tanong. Raven just smiled as he shook his head for the third time. "Nah, let's do it some other time." Bahagya mang nadismaya ay hindi niya iyon pinahalata sa asawa. Baka may niluluto itong pakulo para sa anib

