Matapos niyang manggaling sa orphanage, agad niyang minaniobra ang gamit niyang sasakyan pauwi sa bahay nila ni Raven. Habang binabaybay niya ang kalsada pabalik, nakatanggap siya ng mensahe mula sa asawa niya. "Meet me at South Sea dock, love..." Ilang sandali pa niyang tinitigan ang mensahe na galing sa kanyang asawa bago niya tinalunton ang daan papunta sa sinasabi nitong pantalan. Pagkarating niya sa lugar ay agad siyang sinalubong ng isa sa mga tauhan doon at magiliw na inalalayan paakyat sa isang yate. Tahimik naman siyang sumunod hanggang sa makarating siya sa loob. "Hanggang dito nalang po ako, Ma'am. 8 hope you will enjoy your trip," nakangiting sambit ng lalaking naghatid sa kanya bago siya tinalikuran. Dahan-dahan naman siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa itaas na

