Bra! Hindi ka pa ba nakakakita nyan?

2490 Words
11 Bra! Hindi ka pa ba nakakakita nyan?       RIC’S POV   Ang sarap ng tulog ko. Ang lamig at ang lambot ng higaan – parang nakakapanibago ang kwarto ko – teka – ano ‘to? Nakayakap ako?   O//O   Dito nga pala ako kina captain natulog kagabi. Naku naman, bakit ba ako nakayakap sa kanya?   Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko at tsaka tumayo. Nakakakaba naman. Bigla na lang akong napatitig sa kanya. Malaki pala talaga ang katawan nya. Naka-tshirt lang sya at nakaboxer – bakit parang umiinit ang mukha ko. Mabuti pa wag ko na lang syang titigan.     Tumalikod ako at naisip kong magbihis na lang ulit ng makalimutan kong masakit pala ang paa ko kaya muntik na akong matumba. Napaupo ako sa kama kaya naman nagising si captain. “O, hindi ka ba natulog? Masakit ba ang paa mo? Gusto mo dalhin na natin yan sa ospital?”     “Kakagising ko lang din. Tsaka hindi na naman ganun kasakit yung paa ko.” Pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa kusina. “Anong gusto mong almusal? Magluluto ako.”     Humiga sya ulit at nagtakip ng unan sa mukha. “Ang aga mo namang gumising. Inaantok pa ako.” Bigla ulit syang napaupo. “Nagluluto ka?”     Tumango ako habang kumukuha ng itlog, hotdog at bacon sa ref nya. “Oo naman. Ayos lang ba na sinangag at binatig na itlog?”     “Usually kasi cereals lang ang kinakain ko every morning. Magluto ka na lang ng para sa’yo.” Humiga sya ulit kaya hindi ko na sya kinulit.     Nagsangag na lang ako at nagtorta ng itlog. Ang sarap naman magluto dito kasi ang daming pagkain. May mga prutas din sa lamesa. Para akong baliw, mabuti na lang tulog pa sya. Nagtimpla din ako ng kape tsaka ko naghain. Gigisingin ko na sana si captain pero bumangon na sya. “Kakain na.”     Nagbukas sya ng ref at kumuha ng orange juice tsaka cereals. Umupo sya sa harapan ko at napatingin sa mga niluto ko. “Hindi mo naman inubos ang pang isang linggo kong pagkain no?”     “O eh akala ko ba hindi ka naman kumakain nito? Bubulukin mo  lang ba yan dyan sa ref mo? Dapat nga magpasalamat ka pa sa’kin kasi kakainin ko lahat ‘to. Hindi mo na kailangang itapon pa.” Sinimulan ko ng kumain. “Mmmm!! Ang sarap naman talaga nito. Siguro mahal ‘tong hotdog at bacon na ‘to.” Uminom din ako ng kape. “Wow! Sobrang sarap naman ng kape mo!! Pwede ba akong maguwi?”     “Ang kapal mo naman! Mas gusto ko pa yang mabulok kaysa ipakain ko sa’yo!!” naglagay sya ng cereals sa mangkok at di ko na sya pinansin. Maya-maya pa itinabi nya ang mangkok at kumuha ng plato at nakikain na rin sa kinakain ko.     “O akala ko ba ayaw mo?” tanong ko sa kanya habang may laman ang bibig ko.     “Bahay ko ‘to!! Kusina ko ‘to at higit sa lahat bahay ko ‘to!!!” Kumain na lang sya at hindi na nagsalita.     “Ako na ang magliligpit nito, maligo ka na.” Sabi ko sa kanya.     “Mabuti pa nga! Baka mahuli pa tayo sa pagdating ni Donya Frieda. Pinakaayaw pa mandin nun eh yung nahuhuli.” Tumayo sya ng biglang tumunog ang doorbell. “Ikaw na ang magbukas, baka yung newspaper lang yun. Ihahanda ko lang ang isusuot ko.”     “Ok ok captain!!” tumayo ako pero syempre mabagal ang lakad ko. Hindi na naman ganun kasakit pero di ko pa rin mailakad ng ayos. Tuluy-tuloy naman ang pagtunog ng doorbell. “Sandali lang! Nandyan na nga!!” Sobra naman ‘tong taga-dala ng dyaryo! Kung makapagdoorbell akala mo may ari ng bahay! Pagkahawak ko sa pintuan binuksan ko agad. “Makikigamit po ba kayo ng banyo kung makapindot kayo ng – ” nagulat ako ng biglang lumiwanag sa harapan ko dahil sa mga kamera. Sobrang daming tao sa labas.     “Totoo bang naglilive in na kayo ni Mikael Slovis?”     “Anong masasabi mo sa kumakalat nyong scandal sa internet?”     “Totohanan na ba ang mayroon kayo ni Mikael?”     “Ginagawa mo lang daw ‘to dahil sa pera?”     Sunud-sunod ang mga tanong nila sa’kin at hindi ko na alam ang gagawin. “Ric! Ric bakit ang tagal mo?” biglang sumulpot si captain kaya naman kinuhanan ulit nila kami ng picture. “Bakit nakatunganga ka pa dyan? Isara mo yang pinto!!!” Mabilis syang lumapit at isinara ang pinto. “Siraulo ka ba talaga? Nakatayo ka lang dun at ineenjoy ang media? Anong mga sinabi mo sa kanila?”     “Ano – hindi ko matandaan kasi sabay-sabay silang magsalita!” bumalik kami sa loob. “Ano bang meron? Baka malaman ng magulang ko ‘tong kalokohan ko. Naku magagalit sa’kin sigurado sila tatay at nanay baka hindi na nila ako mapatawad.” Halos maiyak na ako. Kalmado lang naman si captain habang may kinakausap sya sa phone.     “What? What scandal? You have to do something! May nagseset up nito for sure! You know I am doing this para itaboy yung stalkers ko!! Gawan mo ng paraan! No!! It’s not true!” Lumapit sya sa computer nya at binuksan yun. “Ito na nga tinitingnan ko na.” Nakisilip naman ako dahil sobrang seryoso sya. “Ilayo mo nga yang mukha mo! Ulo mo na lang ang nakikita ko!” itinulak nya ang ulo ko na medyo may kalakasan. “Hindi ikaw! Pwede ba wag madumi yang utak mo! Binigyan ko lang syang trabaho! Dude shut up! Alam mong ang pangarap ko noon until now hindi nagbabago!!” nakisilip ako sa pinapanood nya. “Holy cr*p!!”     Nakinood ako sa video. “Naku captain kamukha natin yung bida!!” sabi ko kay captain habang nakahawak sa balikat nya. “Te –teka tayo ba yan?” gulat kong sabi. Kaming dalawa ni captain ang nasa video. Iniupo nya ako sa kama at nakahubad pa sya. Nakatayo sya sa harapan ko tapos bigla syang umupo sa harapan ko at maya-maya pa para na akong nanigas at sumigaw ng malakas. “Ayan ba yung kagabi?”     Binasa nya ang mga nakasulat.   Ano ba yan? Napakalaswa naman ng dalawang yan!   Hindi na nahiya, iniupload pa talaga ang kabastusan nila.   Naku mukhang first time ni totoy.   Hindi man lang nagsara ng bintana.   Hindi pa ata tagpos yang batang yan.     “Sinong kumuha nyan? Sinadya mo ba yan?!!” sigaw ko kay captain. “Alam mong pumayag ako sa gusto mo pero hindi parte nito yung mga ganyang kalaswaan!! Wala kang isang salita!!! Paano mo ako naisipang gawan ng ganyang kalaswaan!!” sigaw ko sa kanya ng malakas habang sinusuntok sya.     “Tumigil ka nga!! Baliw ka ba? Hindi naman natin yan ginawa!! Para kang t*nga dyan!! Hindi ako bading at hindi ko yan gagawin kahit kailan! Mandiri ka nga!” tumayo sya at nagbihis.     “Oo nga no. Hindi pa nga nangyayari. Pasensya naman.” Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.     *FLASHBACK*   Ilang oras pagdating namin sa apartment nya kagabi     “Mauna ka nang magshower. Magliligpit lang ako dito.” Sabi ni captain sa’kin.     Pumasok naman ako sa loob at naligo tsaka nagbihis. Sinigurado kong hindi sya makakapasok sa loob. Mabilis lang naman ako sa pagligo dahil hindi ako sanay. Malay ko ba kung may kamera dun. Oo na, praning na kung praning pero alam nyo naman kung bakit. “O ikaw naman.”     Pumasok sya sa loob. Inayos ko ang ilan kong gamit para isang bitbitan na lang pagalis bukas nang mapansin kong maraming tambak na hugasin sa lababo nya. “Tss! Mga lalaki talaga, tamad.” Bulong ko. Hinugasan ko ang mga plato. Ilalagay ko na sya sa lagayan ng bigla akong nadulas dahil sa isang damit sa sahig kaya bumagsak ang ilang plato at nasugatan ang paa ko. Para rin akong nabalian. “Anong nangyari?” mabilis lumabas si captain na nakaboxers lang at topless.     “Kasi ano – kasi naman ang tamad mo. Nagmagandang loob na nga lang ako napasama pa!” sigaw ko sa kanya.     “Bakit mo naman binasag ang plato ko? Nakikialam ka pa kasi!! Sandali wag kang gagalaw. Aalisin ko lang ‘tong mga bubog.” Nilinis nya ang mga bubog tsaka nya ako tinulungang tumayo. “Dun sa kama ka umupo.” Iniupo nya ako sa kama dala-dala ang first aid kit nya. “Aalisin ko ang bubog at lilinisin ko ha.” Tumango lang ako at umupo sya sa harapan ko. Hinawakan nya ang paa ko at kinuha nya ang bubog sa sugat ko. Halos manigas ako sa sakit pero di ko pinapansin. “Ayan, natanggal ko na.” Bigla nyang binuhusan ng alcohol ang sugat ko.     “Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!” malakas kong sigaw sabay tingala at hawak ng mahigpit sa kobre kama sa sobrang sakit. “Tigilan mo na!! Wag na!!” sigaw ko.     “Ano ka ba? Hindi ko pa nga hinahawakan eh. Hinugot ko palang!” sagot ni captain sa’kin. “Wag kang maarte! Kasalanan mo naman. Makasigaw ka dyan parang first time mo.” Hinawakan nya ang paa ko. “Ayan ha hawak ko na.” At bigla nyang inikot.     “AHhhhhhhhhhhhhhh!” napahiga ako sa kama sa sobrang sakit. “Tama na. Nanghihina na ako. Wala na akong lakas!” mahina kong sabi.     “Okay na yan. Di naman malalim makasigaw ka parang babae.” Nagbihis na sya at humiga na. “Dyan ka sa kabila. Wag mong tuluan ng laway ang unan ko ha!” pinatay na nya ang ilaw at natulog na kami.     *END OF FLASHBACK*     Yun talaga ang nangyari. Wala talagang kahit anong madumi sa ginawa namin. Panget lang talaga ang anggulo ng kumuha ng video. “Kausapin mo kung sinong nagkalat nyan. Ipatanggal mo! Mayaman kayo di ba?” utos ko sa kanya.     “Ginagawan ko na nga ng paraan di ba?” may kinakausap na sya ulit sa phone. “Hello, yes. Pwede bang pakialis ng media dito sa labas!” lumayo sya sa’kin nang biglang tumunog ang cellphone ko.     Pinalitan nga ni captain ang phone ko. Yung pinaglumaan nya ibinigay sa’kin. Sinungaling na yun, ang sabi sa’kin bibilhan daw ako ng bago. Teka – sinabi ba nya yun? Ang sabi nya ata papalitan nya. Tss! Magrereklamo pa ba ako? Syempre hindi na. Nandito na rin ang simcard ko.     Sinagot ko ang tawag. “Hello, o bakit?”     “NASAAN KA BA?!! ANO SA TINGIN MO ANG GINAWA MO?” sigaw ni Feiffer sa kabilang linya.     “Bakit ka nasigaw?” tanong ko.     “Kasi naman nakakatawa yung kumakalat mong video. Natatawa ako kasi alam ko namang hindi talaga mangyayari yung ganun. Nabasa mo ba yung mga comments? Grabe tol sobrang sakit ng tyan ko kakatawa!!!” sabi nya.     “TUMIGIL KA NGA!! PROBLEMA NA NGA GINAGATUNGAN MO PA!!” sigaw ko. “Siguraduhin mo na lang na hindi malalaman nila nanay at tatay yung tungkol dun kundi lagot ako.”     “Teka – hindi ka umuwi?” bigla syang tumigil sa pagtawa. “Totoong may nangyari sa inyo? Alam na ba nya?”     “HOY FEIFFER TIGILAN MO NGA AKO!! Nakakadiri ka mag-isip! Maaga kasi ang pasok ko ngayon kaya dito ako natulog pero di yun tulad ng iniisip mo okay?!! Puntahan mo na lang sila nanay! Bilisan mo na! Balitaan mo na lang ako. Bye!”     “Okay na. Napigilan na ang pagkalat. Nagawan na ng paraan sa ngayon. Mabuti pa maligo ka na dahil pupunta na tayo sa airport. Aabangan na natin si Donya Frieda. Pero alista ka dahil siguradong hindi tayo tatantanan ng press. Siguradong may press dun dahil alam ng lahat ang paguwi nya.” Sabi nya habang nagsusuot ng tie.     “Bakit? Sino ba sya?” tanong ko sa kanya. Pumasok ako sa banyo at naligo.     “Tss! Sya ang may ari ng buong MacLaren Industry. Yung pinakamahal na brand ng clothes, shoes, bags, perfumes, cosmetics from Europe at iba pang part ng mundo. Mag bubukas na din sila ng bagong branch dito sa bansa kaya sya uuwi.” Mahaba nyang paliwanag.     “Wow! Sobrang mayaman pala sya. Baka naman kapag nagkamali ako eh ipatapon nya ako sa balon o kaya ipakain sa mga pating.” Takot kong sabi habang nagbibihis.     “Kaya dapat wag kang magkakamali.” Bigla syang kumatok. “Buksan mo nga sandali. Kukunin ko lang yung wallet ko. Naiwan dyan sa sink.”     Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ko ang lababo. “Sandali na lang. Nagbibihis na lang naman ako.”     “Yun naman pala eh. Buksan mo na kasi!” kumakatok pa rin sya.     “Papalabas na nga!!” nagmadali tuloy ako ng bihis tsaka ako lumabas. “Atat nito eh!” Lumabas ako at pumasok naman sya. Inilagay ko ang marumi kong damit sa bag.     “Ric?” tawag nya.     “O ano na naman? Nandun naman yung wallet mo ah.” Hindi ako humarap sa kanya dahil busy pa ako sa pagliligpit.     “Oo, nakita ko na nga. Pero di ko din inaasahang makita ‘to. Ano ‘to?” tanong nya kaya naman humarap ako.     Hindi ako agad nakagalaw nang makita kong hawak nya ang sports bra ko. Tumawa ako na parang timang. “Bra! Hindi ka pa ba nakakakita nyan?”     “Alam ko kung ano ‘to. Bakit mayroon ka nito?” seryoso nyang tanong.     “A – ano? Paano ako magkakaroon nyan eh ikaw ang may hawak!! Baliw ka na ba talaga?!!” umiwas na lang ako ng tingin.     “Oo nga no.” Bigla syang nagisip. “Pero wala naman ‘to kanina.”     “Nakita ko na yan pagpasok ko. Baka naman naiwan yan ng babae mo na natulog dito! Mapagbintang ka!! Nakakasakit ka na ng damdamin!!” tumalikod ako at binitbit ko ang bag ko.     “Pero sobrang liit naman nito. Hindi ako mahilig babaeng maliliit ang hinaharap!” Nilapit nya sa mukha nya kaya naman mabilis akong lumapit. “O bakit mo inagaw?”     “Kasi ang laswa mo naman! Bakit inaamoy mo pa? Mabuti pa itatapon ko na lang ‘to paglabas natin!! Tara na nga! Baka mahuli pa ako! Patay ka sa’kin!” nauna akong maglakad tsaka ako tumigil. “Teka, yung mga nasa labas, paano kung nandyan pa sila?”     “Wala na yung mga yun. Kaya okay na lumabas.” Sagot nya.     Pagbukas ko ng pintuan wala na ngang mga tao dun. Umalis kami sa pad nya at dumiretso sa kotse. Mabilis ko namang itinago sa bag ko ang bra na nakita nya kanina. Sobrang kabado ako dun. Buti na lang may pagkagunggong din ‘tong si captain.     Naku naman Ric, muntik ka na dun! Dapat mas mag-ingat ka na sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD