Alam mo hindi lahat ng lalaki katulad mo! Patuli-tuli din kapag may time!

3442 Words
12 Alam mo hindi lahat ng lalaki katulad mo! Patuli-tuli din kapag may time!     RIC’S POV     “Sabi ko naman sa’yo magaling ako eh. Wala ka lang bilib sa’kin.” Pinatest drive sa’kin ni captain ‘tong kotse ni Donya Frieda. Ang sarap ngang gamitin kasi ang gaan nya. Parang hindi nga sasakyan ‘to ng matanda. Parang bagay ‘to na para sa’kin. Masyado akong nag-iilusyon.     “Sige na. Ihahatid mo lang si Donya Frieda sa Company at pauwi then bukas ka na ulit babalik. Dapat lagi mong ifullbat yang cellphone mo para matawagan ka kahit anong oras.” Pagpapaalala ni captain sa’kin.     “Oo na nga. Pinag-aaralan ko na nga ‘tong telepono mo. May mga games pala dito.” Natuwa ako kasi makakapaglibang ako kahit wala akong load. Tsaka pwede din ‘tong hiramin ng mga kapatid. Napapangiti lang ako kasi di na ako makapaghintay makauwi. Namimiss ko na ang pamilya ko – at si Hynddie – teka si Hynddie nga. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba ng kotse.     “Hoy saan ka pupunta? Ric!!” sigaw ni captain pero hindi ko na sya pinansin.     “Hynddie!! Hynddie!!” sigaw ko bago sya pumasok ng gate. Tumigil naman sya at lumingon sa’kin.     “O Ric ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?” tanong nya sa’kin. Grabe ang gwapo pa rin nya talaga. Parang mas naging gwapo sya ngayon. Para lang akong tanga na napapangiti na lang habang nakatitig sa kanya.     “Driver ako ng MacLaren. Personal driver ni Donya Frieda. Alam mo medyo nakakatakot sya kasi di ako kinakausap. Pero okay na din yun kasi di nya ako papagalitan. Hindi ata nakikipag-usap yun sa mahirap eh.” Pagbibiro ko. “Kumusta ka naman? Ang ibig kong sabihin yung banda.” Napayuko pa ako habang nakahawak sa batok dahil nahihiya ako.     “Ayun, ayos lang ang Palmieri. Magsisimula na kaming magmall tour next week. Sana makapunta ka.” Paginvite nya sa’kin.     “Talaga? Pwede akong pumunta? Naku sana wala akong trabaho nun dito. Kasi si Feiffer naman mapapakiusapan ko na di ako papasok para mapanood kayo.” Medyo namroblema naman ako kung paano makakanood sa first mall tour nila.     “Sayang nga hindi ka na part ng Palmieri. Mas lalo kasing masaya kung ikaw ang nandun. Namimiss na din kasi kita – ” napatulala ako at pakiramdam ko napanganga pa ako sa sinabi nya, “ – ng buong Palmieri at ng resto.” Ngumiti sya na parang nahiya habang ako naman ay napatango.     “Naku miss ko na rin naman kayo lalo na ikaw.” Parang nagulat naman sya sa sinabi ko. “Kasi ikaw yung kaclose ko dun sa lahat. Ang bait mo kasi. Ang swerte ni Perci.” Tumawa na lang ako kahit medyo nakakahiya yung tawa ko.     “Hoy Ric ano ba? Maglilinis ka pa ng kotse!!!” sigaw ni captain sa’kin.     “Oo nandyan na!!” sagot ko. “Babalik na ako sa trabaho ha. Teka, dito ka na ba nakatira ngayon?” tanong ko.     “Isa ‘to sa bahay namin. May ichecheck lang sana akong mga gamit at magstay din for a couple of days. Hindi kasi ‘to alam ng mga kaibigan ko. Dito ako nagpupunta kapag gusto kong mapag-isa.” Parang malungkot sya at medyo nasaktan naman ako.     “Ah – ganun ba. Naku pasensya ka na pala sa’kin naistorbo pa kita. Mauuna na ako ha. Ikamusta mo na lang ako kay Perci. Sige.” Mabilis akong tumalikod at naglakad na pabalik.     “Wala na kami ni Perci!” pahabol nya. Napatigil ako at napabalik ng lakad tsaka humarap sa kanya.     “A – ano? Bakit? Ah eh hindi mo na kailangang sabihin pa. Sayang naman.” Hindi sayang kasi may chance na ako. Yun nga lang hindi mo alam na babae ako. “Magkakabalikan pa kayo nun for sure.” Sana hindi na para masolo na talaga kita forever. “Kung okay lang sa’yo na magkape kapag free ka at kapag wala akong trabaho.” Pumayag ka na please.     “Sure, itext mo lang ako.” Ngumiti sya at halos magtatalon na ako sa pagkatuwa. Pakiramdam ko alam nyang babae ako kung paano nya ako kausapin. Kaso ganito talaga sya makipagusap sa lahat. Nakakalungkot lang. “Umuusok na ang mukha ni Kael bumalik ka na din.” Tinapik nya ako sa balikat at para akong nakaramdam ng sigla.     “Sige. Bye! Text text na lang!!” malakas kong sabi. Ngumiti sya bago pumasok sa loob. “Woooooooooo!!!! Tara na captain!! Maglilinis na ako!! Lahat ba ng kotse dito lilinisin ko? Saan ba ako magsisimula?” Hindi na ako makapaghintay na magkape kami. Matititigan ko na sya ng matagal na kunyari ay nakikinig lang ako sa sinasabi nya. Woooooooo!!!     “Bakit ang saya mo? Crush mo yung lead singer ng Palmieri no?” siniko nya pa ako.     “Crush ka dyan. Pauso ka ha.” Lumayo ako sa kanya at sinimulan na ang paglilinis ng kotse.     “Hoy tandaan mo alam ng lahat na ako ang boyfriend mo. Kapag nalaman nilang nanlalalaki ka patay ka sa mga yun. Kapag tinigilan na nila ako wala ka ng suswelduhin sa’kin. Magbabayad ka na lang ng utang.” Sabi nya pero di ko na sya pinansin. Di ko hahayaang sirain nya ang maganda kong mood.     Hinawakan ako ni Hynddie!! Hinawakan nya ako. Okay lang siguro na di nya alam na babae ako para naaakbayan nya ako at nadidikitan kahit anong oras. Kaya lang sana alam nya baka sakaling maging kami. Sobra na akong baliw kasi tumatawa talaga ako ng malakas.     *SPLASH   “Baliw!” sinira ng lalaking ‘to ang pagdedaydream ko. Binasa nya ako ng tubig! Pasalamat sya maganda mood ko ngayon. Kinalog kalog ko na lang ang ulo ko na parang asong bagong ligo para magtalsikan ang tubig ng basa kong buhok. “Baliw na nga.”     *****************     KAEL’S POV     Bakit parang nagislow motion ang pagkilos nitong lalaking ‘to. Bawat kilos nya parang ang ganda sa paningin ko. Ano ka ba naman Kael? Lalaki yan, wag mong titigan. Tingnan mo naman sobrang payatot nyan para sa isang lalaki. Masyado syang maliit para sa edad nya. “Hoy Ric! Nagpatuli ka na ba?”     “Ikaw pala ang baliw dyan eh. Malamang oo! Nung elementary pa ako no! Alam mo hindi lahat ng lalaki katulad mo! Patuli-tuli din kapag may time.” Malakas nyang sigaw sa’kin.     “Aba’t lokong ‘to ah. Hoy tuli na ako!! German cut pa!! Nakita mo naman ah!! Maglinis ka na nga lang dyan!!!” malakas kong sigaw at nagbasa na lang ako ng newspaper. Naririnig-rinig kong kumakanta pa sya habang naglilinis. Di ko napapansin na napapatitig ako sa kanya.     “O bakit?” tanong nya sa’kin.     “Anong bakit?” gulat kong tanong.     “Nakaktatitig ka sa’kin. Ano na namang mali ko?” at pinatambok nya pa ang mga pisngi nya. Ugh! Bakit ang cute nitong lalaking ‘to? Sinabi ko bang cute? Ah oo kasi para syang aso. Tsaka bata pa yan. “Walang dahilan sa pagtitig?”     “Ano bang pagtitig ang sinasabi mo dyan? Dun ako nakatingin sa likuran mo!! Wag ka ngang feeling! Tsaka bakit ba dyan ka lang naglilinis!! Dun ka kaya sa kabila! Kumilos-kilos ka din hindi yung nandyan ka lang sa isang pwesto at yan na lang ng yan ang nililinis mo!!!!” Halos hingalin ako sa pagsasalita.     “Tss! Di daw tinitingnan. Kaya pala alam kung saan ako nakapwesto!!” Kinuha nya ang timba ng sabon at nagpunta sa may likuran. Nakanta pa rin sya. Naiinis ako kasi masyado syang masaya. Gusto ko syang buwisitin.     Tumayo ako at lumapit sa kotse at dinumihan ko ang unahan. “Hoy Ric ano ‘to? Bakit di mo chinecheck ang bawat sulok? Masyado pa ‘tong madumi!” mabilis naman syang lumapit at tiningnan.     Kumunot ang noo nya na parang nagtataka. Nakakatawa ang itsura nya. “San galing yan? Sigurado akong nilinis ko yan. Nakita mo pa nga ah.”     Di ko sya pinansin at nagpunta naman ako sa kabilang side at dumampot ako ng tuyong dahon tsaka ko inihagis sa side ng kotse. “Hoy ito pa oh!!”     “Ulet? Bakit hindi ba ‘to nalilinis?” Napipikon na sya at natatawa naman ako. Ayan, eh di tumigil na din sya sa pagngiti at pagkanta. Hindi naman bagay sa kanya. Para syang baliw.     Umikot ulit ako at bumalik sa unahan tsaka ko ulit nilagyan ng dahon. “Ric! – ”     “Ikaw pala ang nagdudumi nyan!! Wala ka talagang awa!!!” sigaw nya at ibinuhos nya sa’kin ang sabon. Kinuha nya ang hose at pinasiritan ang kotse. “Naku captain tatanggalin ko na ang lahat ng sabon. Tumabi na po kayo. Ay meron din po pala kayong sabon!” At pinasiritan din nya ako. “Ayan, wala ng madumi.” Nakasimangot lang sya at sinimulan ng tuyuin ang kotse.     Hinubad ko ang polo ko at napatingin sya. I know how hot I am na kahit kapwa ko lalaki napapatingin. “Mikael! Ano ba namang kalokohan yan? Bakit dito ka pa naliligo?! Mabuti na lang talaga at hindi ipinagpalit ni Rae Ynn ang pag-aaral para lang sa’yo!!” nagulat ako ng sumulpot si Donya Frieda sa likuran namin. “Ikaw naman bata, kunin mo ang mga gamit ko dun sa loob at isakay mo na sa kotse. Bilisan mo!!”     “Opo!” bago sya pumasok sa loob nakuha nya pa akong dilaan at asarin. May araw ka rin sa’kin. Humanda ka.   *******   RIC’S POV     “Gusto nyo pong magpatugtog ako? O kaya kumanta na lang po ako? Magaling po akong kumanta.” Sinubukan kong kausapin si Donya Frieda. Maganda din kasi yung nabubuo ang samahan ng boss at alalay. “I wanna make you smile, whenever you’re sad. Carry you around when your arithis – ”     “Hindi mo ba nakikita na nagbabasa ako? Magdrive ka na lang dyan! Ang panget naman ng boses ang lakas ng loob kumanta!” nanlaki na lang ang mata ko kasi nakasigaw na naman sya.     “So – sorry po. Pero masama po ang nagbabasa habang nasa gumagalaw na sasakyan. Nakakasira po yun ng mata.” Sabi ko ulit sa kanya pero di pa rin nya ako pinansin. Hindi na din naman ako nangulit dahil ayokong masisante. Dumating kami sa company nila at napanganga na lang ako sa laki. Yung nasa gitnang building ang pinaka-office nila. Tapos napapaligiran sila ng iba pang buildings pero puro pahaba. Lahat ng makasalubong namin tumatango sa kanya at bumabati kaya ako din naman eh bumabati at tumatango.     “Hawakan mo ngang mabuti yang mga damit na yan!! Kakatungo mo baka sumayad pa yan sa sahig!!” Pagmamataray nya ulit. Iniisip ko kung marunong ba syang ngumiti. Pumasok kami sa elevator at sa tuktok ata kami pupunta. Napakapit ako at parang gusto kong masuka. “Araw-araw ganito ang mangyayari sa’yo. Dalawa lang, it’s either masanay ka o magresign ka na.” Malamig nyang sabi. Hindi nya ba alam na mahirap maghanap ng mapagkakatiwalaang driver. Tss!     “Good morning Donya Frieda. Natapos na po ang mga bagong designs. Hindi pa rin po nagpapadala ng new designs ni Ms. Rae Ynn. Ang mga tela po from Europe nandito na rin. Ginagawa na po sa production ang new sets of clothes. Kailangan na lang pong ipaapprove yung designs para sa fashion show.” Nagsasalita yung babae habang naglalakad kami at inaabot nya ang ibang papel at pinapakita kay Donya Frienda yung mga pictures. Hindi ba pwedeng tumigil muna sila?     “Iabot mo yang dala mo dun sa display room at bumalik ka dito.” Utos nya sa’kin. “Ipakita nyo sa’kin ang designs. Tawagan nyo si Rae Ynn!! Hindi pa sya nagte-take over napakairesponsable na nya!!” Pumasok sila sa loob.     “Ah nasaan po yung – ” at sumara na ang pintuan, “ – display room.” Naku nasaan kaya yung Display Room. Baka hindi na ako makabalik ah. Naghanap ako ng matatanong pero parang iniiwasan nila ako. “Excuse me ma’am, saan po ba yung Display room?”     “Bawal ka dun. Magagalit si Donya Frieda.” At tinalikuran na nya ako.     “Pinapapunta po kasi ako dun ni Donya Frieda. Pero sige po, sasabihin ko na lang na sinabi nyo yan. Maraming salamat.” Ngumiti ako at nagpatuloy na sa paghahanap.     “Nandun sa dulo yung display room.” Pagtataray nung babae.     Siguro kailangan mataray ka bago ka matanggap dito sa kumpanya nila. Ayoko na palang magtrabaho dito, sigurado tatanda ako agad.     Nahanap ko naman ang display room at kusang bumukas ang pintuan. Automatic ata. Tapos may isa pa ulit pintuan. “Hello, tao po. Nandito na po yung pinapadala ni Donya Frieda.” Pumasok ako sa loob.     “Hindi ko na nga alam ang gagawin ko!! Walang designs na ipinapadala! Hindi ko pa naayos ang displays para sa front shop!! Mababaliw na ako. Alam mo namang dragonesa si Donya Frieda. Hindi naman natin kasalanan! Kasalanan ‘to ng apo nyang brattinela!” Nakita ko ang isang bading na palakad-lakad habang may kausap sa cellphone nya kaya naman nagintay ako. Natatakot akong iwanan ‘tong mga damit ng basta lang. Sigurado mahal ‘to at kapag nawala ‘to kulang pa ang buhay ko kapalit.     Umikot muna ako at nakita kong may mga damit na nakahanay at may ilang manekin. Ibinaba ko ang dala kong mga dami at tiningnan ang papel sa mesa. Mga drawing ng iba’t ibang damit. Ang gaganda ng damit. Nakita ko na may blankong papel pa at lapis sa mesa kaya naman kinuha ko at umupo muna ako. Sinimulan kong madrawing ng damit na gusto kong isuot kaso di ko magawa kasi nga puro panlalaki lang ang sinusuot ko. Nakapagdrawing ako ng dalawang damit ng ganung kabilis. Ang ganda, sana magkaroon ako ng ganung damit. Pakiramdam ko nagdrawing na ako ng ganito dati pero di masyadong malinaw. Di ko na lang masyadong inisip. Iniwan ko na lang ang drawing ko at tumayo na ako. Hindi pa rin tapos pakikipagusap nung bading sa telepono kaya tiningnan ko muna ang mga damit. Tela palang mamahalin na. Kaso parang di naman bagay na magkakapareha ‘tong magkakasama. Pagpapalitin ko nga. Di naman siguro nila mamamalayan. Isusuot ko na rin sa manekin ang isa. Simpleng damit lang at sombrero tsaka may kasamang kwintas.     “Sino ka?” nagulat ako ng may magsalita.     “Magandang umaga po. Ako po ang – ” lumapit sya sa’kin.     “Ikaw ang new designer? Hindi ko inaasahang lalaki ang kukunin nila.” Tiningnan nya ako. “Ngayon ka na ba daw magsisimula?”     “Naku hindi po. Driver po ako ni Donya Frieda. Nandito lang po ako para dalhin ‘tong mga damit. Alam nyo na daw po ‘to. Sige po aalis na ako.” Papalabas na ako ulit at lumingon sandali habang nakatingin sa’kin yung bading. Naku patay! Baka mapagalitan pa ako kasi nakialam ako! Hindi ko pa mandin nabura ang finger prints ko dun. Makukulong na ako.     “Napakatagal mo!! Hindi ka ba marunong sumunod sa utos! Ang sabi ko dalhin mo lang at bumalik ka na!!” Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magsalita dahil nakasigaw na sya. “Sumunod ka! Iikot tayo sa production at may ipapabuhat din ako sa’yo.”     “Donya Frieda?” pagtawag ko sa kanya.     “ANO?!” nakasigaw na naman sya.     “Pwede po ba wag kayong palaging nakasigaw. Hindi po yan maganda sa puso. Gusto nyo po ba mamamatay kayo agad? Sigaw kayo ng sigaw kahit di naman dapat sumigaw. Kapag po kayo inatake sa puso papahirapan nyo pa akong buhatin kayo.” Napatingin sa’kin lahat ng tao dun at naglalakihan ang mga mata nila at gulat na gulat.     “Doctor ka ba?” Humahakbang sya papalit sa’kin. Umiling ako. “Private nurse ba kita?” umiling ulit ako. “Ano ka ba dito? Driver di ba?” tumango ako. “PWES WAG KANG UMASTA NA PARANG ALAM MO ANG LAHAT!! ALAM KO ANG IKOT NG BITUKA NG MGA KATULAD MO!!” at sumigaw sya ulit.     “Driver nga ako pero ginagawa din akong alalay.” Bulong ko. “Donya Frieda!” tawag ko ulit.     “Grabe sya no? Kapal ng mukhang makipagusap ng ganun sa owner ng company. Halatang walang pinagaralan.” Narinig kong bulungan ng mga nandun.     “Akala nyo ba hindi ko naririnig? Anong klase kayong empleyado? Hindi nyo man lang sabihin sa may ari ng kumpanya na hindi bagay ang scarf sa suot nyang bistida. Mas maganda kung yung scarf na yun at ilalagay nya sa waist na parang belt. Sasabihin nyo maganda kahit hindi! Nasaan ang puso nyo? Mas gusto nyo pa syang pagtawanan sa labas!” sabi ko sa mga nakatingin sa’min. Pakiramdam ko may mainit na espiritu sa likuran ko.     “Wala talaga syang alam. Hindi na sya natakot.” Bulungan ulit nila.     “Ano nga ulit pangalan mo?” sabi ni Donya Frieda mula sa likuran ko kaya naman humarap ako.     “Ric Matras po.” Mahina kong sagot.     “You’re fired.” Sabi nya sabay talikod.     Nagtawanan naman ang mga nandun. “Buti nga sa kanya.”     “Mas okay na yung matanggal sa trabaho ng nagiging totoo kaysa sa mga katulad nyo!!” tumalikod ako at papunta na sa elevator ng makasalubong ko yung bading na nasa display room kanina.     “Ikaw nga!” hinawakan nya ako sa braso. “Donya Frieda! Meron na tayong new designs!!”     “Bakit nandito ka pa? Sinabi ko nang tanggal ka na!! Hindi pa ba yun malinaw!!” sigaw nya ulit. Feeling ko normal na nya yun na pagsasalita.     “Aalis na po ako.” Hinigit ko ang kamay ko sa pagkakahawak nung bading.     “Ay, tanggal na ba sya? Kasi po nagsketch po sya ng new style at pumatok po sa client. Inarrange din po nya ang isang set at maganda. Sasabihin ko sana na bigyan nyo sya ng bonus.” Parang nagulat si Donya Frieda sa sinabi nitong bading na ‘to. Patay na talaga ako. Tapos na lalo ang buhay ko. Dapat tumakbo na lang ako palabas eh. Ayan ngayon eeskortan pa ako ng mga pulis palabas.     “Ginawa mo yun?” tumango ako at hihingi sana ng paumanhin pero nagsalita na naman sya agad. “Sa susunod wag kang gagalaw ng mga gamit dito. Kung ano lang ang inuutos sa’yo yun lang ang gagawin mo!!”     “Sa susunod po?” tanong ko.     “Oo. Sige, pinapatawad na kita.” Mataray nya pa ring sabi. Natuwa naman ako sa sinabi nya. “At bibilhin ko ang designs mo. Idadagdag ko sa sweldo mo.” Tuwang-tuwa naman yung bading para sa’kin at nagpapacute pa. Di nya lang alam pareho kami ng type. “Mista, gusto kong magsabi ka ng toto.” Biglang kinabahan ang bading at nawala ang ngiti sa mukha nya. “Hindi ba bagay ang scarf sa dress ko?” nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya. Naku lord, kakasalba ko lang sa trabaho ko pero ngayon baka ipakaladkad na ako palabas.     “Ah – Donya Frieda, sa totoo lang po hindi sya bagay. Hindi naman po sa nilalait ko kayo pero sana po necklace na lang ang nilagay nyo. Hindi po ganun kabagay yang scarf. Pwede po sya parang nakapatong lang sa shoulder o kaya at gawing belt. Pero kung saan po kayo comfortable yun po ang mahalaga. Yun naman po talaga ang ibig sabihin ng fashion.” Kinakabahan si Mista habang nagpapaliwanag. Pinagpapawisan sya kahit malamig naman dito.     Hindi sumagot si Donya Frieda. Tumawag sya sa cellphone nya. “You’re fired.” At ibinaba na nya ang phone. “Let’s go!” nakakatakot talaga sya. Lahat ng salita nya batas! Buti na lang ako hindi natatakot na mawalan ng trabaho. Sila kasi takot sila kasi mukhang mahirap makapasok dito. Karamihan mga plastic. Bago pa ako magpaapekto sa bulungan nila mas mabuting isipin ko na lang si Hynddie.     Iniisip ko na si Hynddie ng biglang nagtext si captain.     Wag kang gagawa ng kalokohan. Magkita ulit tayo mamaya.     Hindi ko na lang sya pinansin. Bakit ba kapag napapangiti ako bigla naman nya akong bubuwisitin? Tss! Kapal ng mukha.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD