Ang hirap kasi sa tao, susuot-suot ng fit, sa bilbil naman kumakapit

4034 Words
2   Ang hirap kasi sa tao, susuot-suot ng fit, sa bilbil naman kumakapit       RIC’S POV     Nagmamadali na akong makaalis. Nagsasara na ako ng shop ngayon. “O Ric, bakit nandito ka pa?” Tanong ni Mang Nesto sa’kin.     “Isasara ko pa po kasi ‘tong shop. Tsaka may tambak pa po dun sa tapat. Hindi po nila inayos.” Naiinis kong sagot sa kanya.     “Hala sige, umalis ka na at ako na ang bahala dyan. Ang aga mo na ngang pumasok kanina, sige na’t baka mahuli ka pa.” Inagaw ni Mang Nesto ang mop sa’kin. Biglang may bumusinang kotse sa labas. “O ayan na si Feiffer, sige na.”     “Naku salamat po. Pasensya na din po hindi ko kayo matutulungan ha.” Kinuha ko ang gamit ko at nagmadali akong lumabas.     “Sabi ko na nga ba nandito ka pa eh.” Bungad ni Feiffer sa’kin.     “Paano mo naman nalaman?” tanong ko.     “Kasi ikaw lang naman ang mahilig mag-OT!” sagot nya sa’kin. “Sumakay ka na, ihahatid na kita sa Tregoe. Nakita ko na sila Hynddie na papunta dun. Itinanong ka nga nya sa’kin.”     Sumakay ako sa kotse nya. “Bilisan mo na lang magdrive. Baka matanggal ako sa banda kapag di ako nakarating. May warning na pa mandin ako sa kanila.” Hinubad ko ang tshirt ko.     “Oy oy anong ginagawa mo?!!!” pagpigil ni Feiffer sa’kin.     “Nagbibihis!! Bulag ka ba?!!” may sando naman ako sa loob. Nagpalit lang ako ng tshirt. May color coding kasi kami kada-araw kaya kailangan kong magpalit.     “Naman! Sana nagbibigay ka ng warning no!!” Nakita kong nakatingin sa kabilang bintana si Feiffer kaya naman binatukan ko sya.     “Ang arte mo!! Hindi naman ako nakahubad no!! Magdrive ka na nga!!” Nagseatbelt ako at umalis na kami.     Mabuti na lang at hindi traffic at mabilis kaming dumating sa Tregoe Bar and Restaurant. Dito kami natugtog ng banda ko.  Pagka-out sa Sotelo, dito ako dumidiretso. Mga ilang tugtog lang naman kami tapos uwian na.     “Nandito na tayo – ” hindi ko na sya pinatapos magsalita at bumaba na ako kaagad.     “Salamat ‘tol!! The best ka talaga!!” sigaw ko sa kanya habang nagmamadaling pumasok sa loob.     Pagdating ko sa backstage mukhang nagpapanic na ang lahat. “O eto na pala si Ric!” sabi ni Hynddie, ang lead singer namin.     “Bakit parang balisa kayo?” tanong ko sa kanila habang isinusuot ang pare-pareho naming blazer.     “May bigatin daw dito sa bar ngayong gabi. Hindi ko pa alam kung sino, pero nagsabi ni Miguens na galingan daw natin ang performance.” Sabi ng drummer namin na si Sylvester.     “Woah. Cool pala. Alam ko namang kaya natin yan. Tayo pa ba?” Pagpapalakas ko sa loob nila habang itinotono ang gitara ko.     “Walang papalpak ha. Set 4, 5,6 tayo tonight.” Sabi ni Suby, ang may hawak ng keyboard sa’min. “Tandaan mo, Ric, walang papalpak.”     “Oo na nga. Ako na lang lagi ang nakikita mo. Ako lang ba ang nagkakamali?” sagot ko sa kanya. Masama ang tingin nya sa’kin pero hindi ko na sya pinansin.     “Ladies and gentlemen, Suby, Sylvester, Ric and Hynddie!! The Palmieri!!!” Isa-isa kaming lumabas habang tinatawag kami ni Miguens – ang manager ng bar.     Hindi na naman kami nagaksaya pa ng oras. Bumanat kami ng una naming tugtog, ‘For The First Time by The Script’     She's all laid up in bed with a broken heart, While I'm drinking jack all alone in my local bar, And we don't know how, How we got into this mad situation, Only doing things out of frustration   Trying to make it work but man these times are hard,   She needs me now but I can't seem to find the time, I've got a new job now on the unemployment line, And we don't know how, How we got into this mess Is it a God's test? Someone help us 'cause we're doing our best,   Trying to make it work but man these times are hard   Pagpasok palang ng kanta ni Hynddie nagtilian na ang mga babae. Paano naman kasi kaboses nya talaga ang lead singer ng The Script.     But we're gonna start by Drinking old cheap bottles of wine, Sit talking up all night,     Kung ipipikit mo nga ang mga mata mo parang mismong The Script ang live na kumakanta dito. Kaya hindi rin ako nagtatakang maraming babae ang dumadayo dito. Kami naman nagsesecond voice din. Minsan si Sylvester ang kumakanta, but mostly si Hynddie talaga.     Saying things we haven't for a while A while, yeah, We're smiling but we're close to tears, Even after all these years, We just now got the feeling that we're meeting for the first time   [x3:] Oooooo   She's in line at the DOLE* With her head held high (high) While I just lost my job but Didn't lose my pride   But we both know how, How we're gonna make it work when it hurts, When you pick yourself up, You get kicked to the dirt,   Trying to make it work but, Man, these times are hard,   But we're gonna start by Drinking old cheap bottles of wine, [Clean version:] Sit talking up all night, [Explicit version:] s**t talking up all night, Doing things we haven't for a while, A while yeah, We're smiling but we're close to tears, Even after all these years, We just now got the feeling that we're meeting for the first time.   Ooooo     Nakapasok lang naman ako sa bandang ‘to dahil na din kay Feiffer. Ang totoo all guys talaga ang preferred nila, pero tulad nga ng sabi ni Feiffer, hindi naman nila alam na babae ako kaya sinubukan ko na din at sinwerte naman. Dagdag raket din ‘to.     Yeah... Drinking old cheap bottles of wine, Shit talking up all night, Saying things we haven't for a while, We're smiling but we're close to tears, Even after all these years, We just now got the feeling that we're meeting for the first time   Ooooo,.. yeah, for the first time Ooooo,.. oh, for the first time, Yeah for the first time, (Just now got the feeling that we're meeting for the first time)   [x4] Oh these times are hard, Yeah, they're making us crazy Don't give up on me baby   Pero ang totoo, crush ko talaga ‘tong si Hynddie kaya ko gustong sumali sa banda nila. Kunsintidor ‘tong utol ko eh. Mas lalo pa akong pinalapit. As if naman papansinin ako nun. Isipin nya pa bakla ako. Isa pa may jowa na sya ngayon. Wala sa bokabularyo ko ang manulot ng jowa ng may jowa.     “Good evening everyone!!” sigaw ni Hynddie pagkatapos ng una naming song. “Full packed tayo ngayon ah. Okay lang ba kayo?”     Nagsigawan ang mga babae. Ngiti palang naman kasi ni Hynddie pamatay na. Naku, ang abs nyan all in one, appetizer, main dish at dessert na. Busog na busog ka talaga.     Naku ano ba ‘tong sinasabi ko.     Nakita kong may iniabot ang isang waiter kay Hynddie. “Wow, birthday pala ng isang guest natin. Happy birthday Lailey Joyce York.”     Kapag merong may birthday, automatic na yun, isang bagsak ng happy birthday na mabilis para sa kanya.     Nagpalakpakan naman ang mga tao. “Happy birthday!!!” sabay-sabay naming sabi.     Umakyat sa stage ang may birthday at nakipagpicture taking pa sa banda namin at kinamayan kami isa-isa.     “Our next song is for our birthday girl.” Sabi ni Sylvester. “Heels Over Head! Hit it!!!” at sinimulan na ulit namin ang pagtugtog.     I got your runaway smile in my piggy bank, baby Gonna cash it right in for a new Mercedes You were worth the hundred thousand miles But you couldn't stay awhile   I got your little brown shirt in my bottom drawer, baby And your little white socks in the top drawer You were always leaving your s**t around And gone without a sound   Yeah, I'm the first to fall and the last to know Where'd you go?     Cool lang kumanta ‘tong si Sylvester. Ganyan ang mga hilig nyang kanta, magkabaligtad sila minsan ni Hynddie.     Now I'm heels over head, I'm hangin' upside down Thinkin' how you left me for dead, California bound   I got a first class ticket to a night all alone And a front row seat, up, right by the phone 'Cause you're always on my mind And I'm running out of time   I've got your hair on my pillow and your smell in my sheets And it makes me think about you with the sand in your feet Is it all you thought it'd be? You mean everything to me   But I'm the first to fall and the last to know Where'd you go?     Madaming humahanga sa kanya kasi nagda-drums sya habang kumakanta.     Now I'm heels over head, I'm hangin' upsidedown Thinkin' how you left me for dead, California bound And when you hit the coast, I hope you think of me And how I'm stuck here with the ghost of what we used to be   You're burnin' bridges, baby Burnin' bridges, makin' wishes Yeah, you're burnin' bridges, baby Burnin' bridges, makin' wishes   You're burnin' bridges, baby Burnin' bridges, makin' wishes Yeah, you're burnin' bridges, baby Burnin' bridges, makin' wishes   You're a chance taker, heart breaker Got me wrapped around your finger Chance taker, heart breaker Got me wrapped around your finger   Nageexhibition pa yan minsan. Kaya maraming naaaliw. Ako nga lang ata ang walang ginagawa dito sa bandang ‘to. Buti nga hindi pa ako napapalitan.     I got your runaway smile in my piggy bank, baby Gonna cash it right in for a new Mercedes If I drive a hundred thousand miles Would you let me stay a while?   Now I'm heels over head, I'm hangin' upside down Thinkin' how you left me for dead, California bound And when you hit the coast, I hope you think of me And how I'm stuck here with the ghost of what we used to be     Isa lang naman ang hindi ko gusto sa mga kabanda ko – si Suby. Hindi ko alam kung bakla ba sya at nararamdaman nyang babae ako kasi sobrang init ng dugo nya sa’kin lagi. Kasi di ba nararamdaman daw ng kapwa ang kapwa nya. Hahaha. Bading ‘to feeling ko.     Now I'm heels over head, I'm hangin' upside down Thinkin' how you left me for dead, California bound And when you hit the coast, maybe you'll finally see And then you'll turn it all around and you'll come back to me     “Thank you very much!” sigaw ni Sylvester pagkatapos ng kanta.     As usual palakpakan ang lahat at sigawan ang mga babae. “And now we are up to our last song for tonight.” Sabi ni Hynddie.     “Uhhhhhhhh!!!” sabi ng audience.     Lumapit si Miguens kay Hynddie at may iniabot na papel. “Wag na kayong malungkot, marami pa namang ibang araw.” Sabi nya sa audience. “Anyway, we have special guest for tonight in the house. Let us give a round of applause to the international model Mikael Slovis!!!!!” nagpalakpakan ang mga tao at mas tumili ang mga babae. Parang narinig ko na yung pangalan na yun pero hindi ko matandaan kung saan. Ang hirap naman ng mahina ang memory, hindi matandain. “Guys, merong request.” Sabi ni Hynddie sa’min.     “Sige lang dude. Kahit wag na nating kantahin ang last song. Ano bang request?” cool na tanong ni Sylvester.     Lumapit sa’min si Hynddie. “Hindi ano dude, kundi sino.”     Nagkatinginan kaming lahat. Mabilis inagaw ni Sylvester ang papel at halatang nagulat sya.     “Bakit? Ano bang meron dyan at parang gulat na gulat kayo?” tanong ko sa kanila sabay higit ng papel. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. “Hindi!” at napatingin ako sa kanilang lahat. “Wag kayong pumayag. Hindi yan pwede di ba?”     “Don’t worry, alam naming hindi mo kaya. Gagawan namin ng paraan.” Sabi ni Hynddi at hinawakan nya ako sa balikat. “Relax, Ric.”     Tumango lang ako. Paano ba naman ako makakapagrelax? Hindi ako kumakanta dito. Hindi naman sa hindi ako marunong kumanta kundi dahil baka mahalata ang boses ko.     “Pasensya na sa ating guest pero hindi kumakanta si Ric. Hindi sya marunong kumanta kaya kami na lang ni Sylvester ang kakanta.” Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin yun ni Hynddie. “Ready guys?” bulong nya sa’min.     “Wait!!!” sigaw ng isang lalaki mula sa audience. Mabilis naman hinanap ng mata namin kung sinong sumigaw. “Ako ang nagrequest ng simpleng bagay na yan, hindi nyo pa ako mapagbigyan?” Naglalakad sya papalapit sa’min. “Eh ano kung hindi sya marunong kumanta? At hindi naman kayo magsasali ng member kung hindi sya marunong kumanta kahit paano. Wag nyong hayaang masira ang pangalan nyo at pangalan ng Resto Bar na ‘to dahil lang sa isang request na hindi nyo napagbigyan.”     Nakakainis naman ‘tong lalaking ‘to. Akala nya nabili na nya ‘tong buong lugar kung makaasta. “Sir – ” hindi pa namin sya makita dahil nasisilaw kami sa spotlight.     “Ric, no!!” sabi ni Miguens sa’kin. “Pagbigyan nyo na. Chance nyo na ‘to para madiscover pati na rin ‘tong Trogoe. Kaya mo yan Ric. Tatanggalin kita kapag hindi ka sumunod!!” utos ni Miguens.     “Pero – ” hindi na nya ako inintay matapos magsalita. Tumingin ako kay Hynddie. “Paano na?”     “Gawin mo na lang. Sasaluhin ka namin kapag hindi mo kaya. Second voice kami kapag nawawala ka na.” Sabi ni Hynddie sa’kin.     “Kaya mo yan, Ric.” Sabi ni Sylvester.     Wow ha, wala na kaming nagawa. Kung hindi ako kakanta, matatanggal ako at baka kung ano pang ipagawa nitong customer na ‘to sa Trogoe Bar and Restaurant.     “Ano? Wala talaga?” sabi ng lalaki ng bigla syang lumitaw sa harapan namin.     “IKAW?!!!!!” gulat kong sigaw sa kanya. Sya lang naman ang mayabang lalaking antipatiko na nanlait sa’kin kanina. Nakangiti lang sya na parang nang-aasar.     “Pipitsuging banda para sa pipitsuging bar and resto. What a waste of time!!” bigla syang tumalikod.     Kinuha ko ang mic. “Maraming salamat sa pagpunta nyo ditong lahat ngayong gabi. Alam nating lahat na hindi talaga ako kumakanta.” Humarap ang antipatikong lalaki. “Pero dahil may buwisita tayo ditong isang hindi kagalang-galang na katawang lupa – ” hinawakan ako ni Hynddie sa balikat, alam kong pag-awat yun, “ – na dumayo lang para laitin ang grupo namin, pagbibigyan kita. Sa lalaking takot sa dumi, para sa’yo ‘to. Makinig ka!!!”     “Daming satsat!! Tumula ka na lang!!!” sigaw nya. Umupo sya sa harapan namin at halatang naghihintay ng isang pagkakamali para magkaroon sya ng pagkakataong manlait.     Sumenyas ako sa mga kabanda ko. Kinakabahan ako sa totoo lang, pero gusto ko ring ipahiya ang lalaking ‘to pagkatapos kong kumanta.     Nagsimula na akong tumugtog. Medyo may pagkamahaba ang instrumental nitong nagawa ko dahil sa kaba. Ito yung napili kong kanta kasi ito lang yung kinakanta namin sa practice.     “Naku hanggang instrumental lang yan.” Malakas nyang sabi sa mga tao sa likuran nya.     When I look into your eyes It's like watching the night sky Or a beautiful sunrise Well, there's so much they hold And just like them old stars I see that you've come so far To be right where you are How old is your soul?     Kinakabahan pa rin ako kaya pumikit ako nang biglang nagtilian ang mga babae.     “Go Ric!!!!!” sigaw ng isa.     Kitang-kita sa mukha ng antipatikong lalaki na di nya inaasahan na mangyayari ‘to.     Well, I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up   And when you're needing your space To do some navigating I'll be here patiently waiting To see what you find     Nawala ang kaba ko ng makita ko kung paano ngumiti ang mga tao sa unahan. Ginaya ko lang ang style nila Hynddie kapag kumakanta, may pagkindat at pagturo sa audience.   'Cause even the stars they burn Some even fall to the earth We've got a lot to learn God knows we're worth it No, I won't give up     Mukhang effective naman. “Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!” Sa lakas ng sigaw nila mukhang nagaya ko ang style nila Sylverster at Hynddie sa babae.     Sumenyas naman si Hynddie. Ibigsabihin baback up sila ni Sylvester.     I don't wanna be someone who walks away so easily I'm here to stay and make the difference that I can make Our differences they do a lot to teach us how to use The tools and gifts we got, yeah, we got a lot at stake And in the end, you're still my friend at least we did intend For us to work we didn't break, we didn't burn We had to learn how to bend without the world caving in I had to learn what I've got, and what I'm not, and who I am     Mas lalong lumakas ang sigawan sa bar na parang gigiba na sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao. Kung may isa mang hindi masaya sa nangyayari ay ang lalaking antipatikong nasa harapan namin na naiwang nakanganga pa sa pagkatulala.     I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up, still looking up.   Well, I won't give up on us (no I'm not giving up) God knows I'm tough enough (I am tough, I am loved) We've got a lot to learn (we're alive, we are loved) God knows we're worth it (and we're worth it)     Hindi ko alam kung maganda ba ang magagawa nitong pagkanta na ‘to sa grupo namin o makakasama ‘to sa’kin.   I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up     “I love you, Ric!!!” sigaw ng isang babae.     “I love you too.” Sabay kindat.     “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!” malakas na sigaw ng mga kababaihan dun. Yung sigaw nila mas malakas pa sa sigaw kanina nung kumanta sila Sylvester at Hynddie.     “Ang hot mo Ric!!!” sigaw ng isang boses lalaki at napatingin ako sa may tabihan namin at nakita ko lang naman ang loko kong kaibigan. Alam kong sya yung sumigaw.     “P*kyu!” pabulong kong sinabi sa kanya at alam kong naintindihan nya dahil napatawa sya.     “That’s all for tonight! Good night everyone!! Enjoy!!” pagpaalam ni Hynddie.     Bumaba kami at dumiretso sa back stage. “Ric, hindi namin alam na magaling ka din pala! Bakit hindi ka kumanta dati?” sabi ni Hynddie sabay akbay sa’kin. Mmmmm ang bango.     “Nakakaselos ha – mas marami ka pang fans ngayon kaysa sa’min.” Sabi ni Sylvester.     “Hindi naman.” Nahihiya kong sabi habang napapakamot sa batok ko. “Ginaya ko lang naman yung style nyo at umepekto naman.”     “Hindi mo na nga kailangang saluhin kasi kayang-kaya mo naman!” sabi ni Hynddie.     “Parang kumanta lang hangang-hanga na kaagad kayo.” Singit ni Suby sabay daan sa gitna namin.     “Dude, magpraktis ka na ding kumanta! Para sa susunod ikaw naman ang magpeperform.” Pang-aasar ni Sylvester. “Ayos ‘to, tatlo na tayong kumakanta.”     “O paano, aalis na ako. Kita-kits na lang ulit.” Nakipag-goodbye shakehands na sya sa bawat isa sa’min.     “Lalabas muna ako dun.” Sabi ko sa kanila at sabay-sabay silang tumingin sa’kin.     “Kung gusto mong dumugin ka nila, sige lang.” At tinapik nila ako sa balikat – maliban kay Suby, syempre.     Sumilip ako sa labas at nakaabang ang mga babae. Usually kasi dito ako lumabas after ng performance. Yun eh noong panahong hindi pa ako kumakanta. “Ah – oo nga.” Humarap ako sa kanila. “Sige, mauna na kayo. Liligpitin ko na lang siguro muna ang mga gamit dito.”     “Alright.” Sagot nila.     Naiwan ako dito sa back stage. Tinext ko ang magaling kong kaibigan, sinabi kong wag magpakalasing at magpapahatid pa ako sa bahay.     “So ipinagyayabang mo na yung boses mong boses ipis?” narinig kong may nagsalita sa likuran ko kaya naman tiningnan ko agad kung sino sya.     “Kung makapagsalita ka naman parang may pinagkaiba tayo.” Sabi ko sa kanya.     “What do you mean?”     “Kung ako boses ipis ikaw mukha ka namang naipit na ipis.” Sabay turo sa suot nya. “Ang hirap kasi sa tao, susuot-suot ng fit, sa bilibil naman kumakapit!” bigla nyang tiningnan ang suot nya.     “Wala akong bilbil!! Abs yan!!! Abs!!!” tinuturo pa nya ang tyan nya.     “Talaga?” tinitigan ko ang tyan nya. “In fairness sa dinadami-dami ng abs na nakita ko, ngayon lang ako nakakita ng abs sa tagiliran!”     Bigla syang namula – namula sa galit. Mukha pa mandin sya yung tipo ng taong hindi nakakatikim ng panlalait. “Ang lakas din naman ng loob mong laitin ako!! Alam mo bang hindi ako nakakalimot!!!” At heto na naman sya sa pananakot epek.     “Malamang! Wala ka namang amnestiya!!” sagot ko sa kanya habang nililigpit ang mga kalat dito.     “Anong amnestiya?” seryoso sya sa pagtatanong kaya naman tinitigan ko sya ng masama.     “Amnestiya, yung walang maalala. Yung nakakalimot!! Bobo!!” sagot ko sa kanya.     “Ikaw pala ang bobo!! Amnesya yun hindi amenstiya!!” sigaw nya sa’kin.     “Ayun nga ang sabi ko. Amnestiya. Sige sabihin mo ng mabilis!!” utos ko sa kanya.     “Amnestiya.”     “Mas mabilis pa at ulit-ulitin mo!”     “Amnestiya. Amnestiya. Amnestiya. Amnestia. Amnesia.”     “See. Tama ako!! Bobo mo lang kasi!! Gumamit ka naman ng utak!! Sayang yang smallest size outfit mo!!” papatalikod na ako sa kanya ng bigla nya akong higitin.     Nabigla ako at tumama ako sa dibdib nya. Napalunok ako at hindi agad nakapagsalita. “Isa pang panlalait, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo.”     Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya kaya hindi ko napigilang sumigaw. “Ahhhhh! r**e!! r**e!! Ra – ”     “Anong r**e ang pinagsasabi mo? Hindi pa ako nababaliw para pumatol sa lalaki!!” Paliwanag nya.     Kinahaban naman ako dun. Malay ko ba kung anong sinasabi nya. Mabilis akong kumilos at tinuhod ko sya sa weakest part nya.     Naialis nya ang kamay nya sa bibig ko at diretso hawak dun sa – alam nyo. “Si – sinong la – la – ki ang ga – gawa nyan sa kapwa la – la – ki.” Hirap na hirap nyang sabi habang nakaluhod.     “Ako.”     “Ric!!!!!” sigaw ng humahangos kong kaibigan. “Anong nangyari?”     Ngumiti ako. “Wala. Tara na.” Inakbayan ko sya at hinigit palabas.     “Sigurado ka? Naparada kasi ako dyan sa exit tapos parang narinig kitang sumigaw.” Sabi nya sa’kin.     “Ah, nakakita kasi akong ipis. Malakas ba yung sigaw ko?” pagpapalusot ko sa kanya habang nakangiti ng malaki.     “Oo. Pero mas malakas yung sigaw ko kanina.” Pang-aasar nya. “Hanep ‘tol mas gwapo ka pa sa’kin ah.”     “Matagal ko na yang sinasabi sa’yo, buti naman at tanggap mo na.” Sagot ko sa kanya.     Nagkulitan kami na parang mga bata habang papauwi. Hindi ko pa rin mapigilang matawa sa itsura nung – ano nga ulit pangalan nun – Mikmik? Ah basta – dapat iwasan ko na sya at sana hindi na magtagpo ang mga landas namin. Dahil hindi ko na alam kung makakaligtas pa ako sa susunod.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD