Ang tunay na lalaki – magaling maglaba –

3277 Words
3   Ang tunay na lalaki – magaling maglaba –   RIC’S POV       “O anak bakit nandito ka pa? Hindi ka ba male-late sa trabaho?” tanong ni tatay. Isang karpintero si tatay. Kapag may mga nagpapagawa kinukuha sya lalo na kapag mga nagpapagawa ng bahay. Yun nga lang hindi permanente ang trabaho nya. Kapag walang nagpapagawa, wala din syang kinikita.     “Day off ko po ngayon, tay. Sumweldo na din naman po ako kahapon.” Naghilamos ako ang nagsipilyo. “Nasan po ang nanay?” tanong ko habang nagpupunas ng mukha.     “Nandun sa palengke, namimili ng paninda. Mahina ang kita kahapon dahil sa lakas ng ulan. Mabuti nga’t mainit ang panahon ngayon.” Nag-aayos si tatay ng mga gamit nya paggagawa.     “Sasalubungin ko na lang po si nanay, baka maraming dala yun.” Napatingin ako sa sapatos ni tatay. “Naku tay, paano naman kayo makakapagtrabaho ng ayos kung ganyan ang sapatos nyo?” Lumapit ako kay tatay at yumakap. “Di bale po ibibili ko po kayo ng sapatos.”     Humarap si tatay sa’kin at hinawakan ako sa kamay. “Anak, yang sarili mo ang ibili mo ng gamit.”     “Binibigyan naman ako ni Feiffer ng mga gamit, tay. Ayos na po yun.” Isinuot ko ang sombrero ni tatay. “Kumain na po kayo? Nakita nyo ba yung itlog na dala ko kagabi?”     “Oo anak, kumain na ako. Hala sige, ako’y aalis na. Salubungin mo na ang nanay mo at baka may dalahin yun.” Yumakap si tatay sa’kin tsaka lumabas ng bahay.     “Ingat ka po tatay!!” sabi ko habang kumakaway.     Nagsuklay lang ako at tumingin sa salamin tsaka ako lumabas para salubungin si nanay. Malapit lang naman ang palengke dito sa’min.     Papalapit na ako sa may kanto ng makita ko si nanay. “Wala nga akong pera dito bakit ba ang kukulit nyo. Kung nagbabayad kayo ng utang eh di nakakapamili ako ng ayos!!” narinig kong sabi ni nanay sa mga nag-iinuman sa kanto.     Nagmadali akong tumakbo papalapit sa kanya. “Nay, anong nangyayari dito?”     “Ito naman pala si Ric eh. Ric, bigyan mo nga kami ng panginom. Ubos na kasi oh.” Ipinakita ni Bruno sa’kin ang bote ng alak na wala ng laman.     Humarang ako sa harapan ni nanay. Itinapak ko ang paa ko sa mesa nila. “Hoy kayo ha, tigil-tigilan nyo ang pangongotong sa mga tao dito. Pare-pareho lang tayong mahihirap!! Naturingang ang lalaki ng mga katawan nyo hindi nyo naman ginagamit!! Subukan nyo kayang banatin yan!!” tiningnan ko sila isa-isa tsaka tumalikod. “Tara na nga nanay.”     May humawak sa balikat ko at iniharap ako sa kanya. “T*ran*ado ka pala eh! Naliliitan ka ba sa katawan namin ha?!!!!” sigaw nya sa harapan ko. Alam ko kasi naghilamos na ako, pero parang shower ang mga tumalsik sa mukha ko, nakakadiri.     Pinunasan ko ang mukha ko ng tshirt ko tsaka ko sya tiningnan. “Bingi ka ba? Sinabi ko bang naliliitan ako sa mga katawan nyo? Sabi ko nga ang lalaki ng katawan nyo yun nga lang hindi nyo naman ginagamit!!” Hinawakan ako ni nanay at inaawat. “Okay lang ako nanay.”     “Eh kung gamitin ko sa’yo ‘tong katawan na ‘to at gulupihin kita?” Inambaan nya na ako ng suntok ng bilg akong sumigaw.     “Ayon, ayos may pulis.” Sabay turo sa likuran nya. “Pulis!! Pulis!!!!!” nakarinig kaming lahat ng isang sirena. “Pulis dito!! May nanggugulo dito!!”     “Bruno, parak nga ata. Umalis na tayo.” Sabi ng mga kasama ni Bruno.     Papaalis na si Bruno pero hinawakan ko sya sa braso. “Hoy teka, intayin mo yung pulis!! Matapang ka dib ba?”     “May araw ka rin sa’kin!!” inalis nya ang kamay ko at nanakbo sila ng mabilis.     “Mamang pulis!! Tumatakas sila!! Mamang pu – lis!!!” sigaw ko habang pinapanood silang mabilis na nananakbo sa eskinita. “Tara na nanay, uwi na tayo.” Kinuha ko ang mga dala ni nanay.     “Ah – eh nasaan ang mga pulis?” tanong nya habang nakatingin sa likuran ko.     “Hindi ko alam. Nakita ko lang yung ambulansya. Testing lang naman yun, eh dahil mga lasing na sila ayun napraning. Tara na po.” Mukhang hindi pa rin naintindihan ni nanay ang sinabi ko kasi blanko pa rin yung mukha nya. “Wag na po kayong magisip, maiistress lang po kayo.”     “O sige.” Biglang napaisip si nanay. “Bakit ka nga pala nandito? Wala ka bang trabaho?” tanong nya habang naglalakad kami.     “Nagpaday off po ako. Nakita ko po kasi paguwi ko kagabi tambak na yung labahin sa bahay. Eh alam ko naman pong busy kayo ni tatay kaya ako na lang po ang gagawa nun. Tsaka tutulungan ko din po kayong magtinda ng ihaw mamayang hapon pagkatapos kong maglaba.” Nakangiti kong sabi kay nanay.     “Napakabait naman talaga ng anak ko.” Nakangiti si nanay pero ramdam ko na hindi nya lang masabi sa’kin na naaawa sya. “Ang gwapo pa.”     “Alam ko na po yan!” sagot ko.     Nakarating kami sa bahay at inilapag ko sa kusina ang mga paninda ni nanay. “Ako’y magpapahinga lang sandali tsaka ko yan babalikan.”     “Sige po. Magpahinga po kayo ng mahaba. Wag po kayong mag-alala.” Sabi ko sa kanya at nagsangag na ako ng kanin pang almusal.     Ilang sandali pa biglang may nagsalita sa may pintuan. “Iniisip ko kung bakit hindi ka pumasok, nagluluto ka pala dito.” Lumingon ako at nakita ko si Feiffer. “Wala ba sila tatay at nanay?”     “Anong hindi pumasok? Baliw ka na ba talaga? Tingnan mo kaya yang cellphone mo! Nagreply ka pa nga!” sagot ko sa kanya at itinuloy ko lang ang pagluluto.     “Oo nga no!” Lumapit sya sa’kin at umupo sa harap ng mesa. “Sya pakain na lang, naabala ako eh.”     “Sus, pumunta ka lang talaga dito kasi wala kang kasabay magalmusal.” Pang-aasar ko sa kanya. “Sinangag at pritong itlog lang ang meron kami.”     “Anong lang? Paborito ko nga ‘to eh.” Naghugas sya ng kamay at umupo sa tabihan ko. “Kain na tayo.”     “Wag mo naman akong ubusan. Di ka naman kasama sa dami ng niluto ko.” Pagrereklamo ko sa kanya. “Gusto mo ba ng kape?”     “Mabuti pa nga.” Sagot nya habang kumakain.     Pinagtimpla ko sya ng kape at sabay kaming kumain. Nagkamay pa sya habang ako naman ay nakataas ang paa. “Ganadong-ganado ka ah, itlog lang naman yan.” Ngumiti lang sya at tuloy pa rin sa pagkain. Bigla akong may naisip. “Hindi libre yang kinain mo ha.” Ngumiti ako. “Dahil nandito ka na lang din naman, tulungan mo akong maglaba.”     Bigla syang nasamid at diretso inom ng kape. “’tol naman, alam mo namang ayoko sa lahat eh maglaba. Tsaka di ba wala naman kayong washing machine?”     Tinitigan ko sya ng seryoso. “Ang tunay na lalaki – magaling maglaba – ng walang washing machine!” Hindi ako kumukurap. “Tunay ka bang lalaki?”     “Oo naman!” maiksi nyang sagot.     “Kung tunay kang lalaki lalabhan mo lahat ng damit namin!!” seryoso ko pa ring sabi ng bigla nya akong binatukan. “Aray naman!!”     “Siraulo ka pala. Hindi sukatan ng p*********i ang paglalaba!! Wag mo nga akong utuin!!” niligpit nya ang pinagkainan namin at hinugasan sa lababo.     “Sinusubukan ko lang naman lumusot.” Tumayo ako sa tabihan nya. “Pero ang totoo ‘tol, ang tunay na lalaki, nagpapabale.”     “Hoy Ric Matras tigilan mo ako!!” sagot nya.     “Pero kasi – ”     “HOY ANIA!!! ANIA!!!” napalingon kami ni Feiffer sa nasigaw sa harap ng bahay namin. Lumabas naman agad si nanay. “Ano na? Puro ka na lang pangako!! Nasaan na yung bayad mo.”     “Nay, ano pong meron?” tanong ko kay nanay.     “Yung utang ng nanay mo hindi pa nya babayaran!!” sigaw ni Aling Karo sa’kin.     “Ah – kayo na po pala si nanay? Di ko bet.” sagot ko sa kanya. “Magkano ba ang utang ni nanay?”     “1,500!!”     “Kapag ho ba nabayaran namin kayo titigil na kayo sa pageeskandalo?” tanong ko.     “Aba’y malamang. Nakakapaginit lang naman ng ulo ang pangako ng nanay mo na napako na!!” sigaw ni Aling Karo.     “Relax!” tumingin ako kay Feiffer at nagpacute pa. “’tol, alam mo na yan.”     “Bakit ako?” gulat nyang tanong.     Lumapit ako sa kanya at pinilit ko syang akbayan kahit mas matangka sya sa’kin. “Ibawas mo na lang sa susunod kong sweldo. Sige na, hindi ka ba naaawa kay nanay?” Hindi sya nagsalita at parang wala syang narinig. “Ah ganyan ang gusto mo? Bayaran mo ang kinain mo. 1,000 yung inubos mong sinangag!! 300 ang itlog at 200 ang kape! Hala, bayad na!!!! Bayad na!!!”     “Aba! Starbucks ang kape mo? Nakakatakot palang kumain dito!!” sagot nya habang dumudukot ng pera sa wallet nya.     Hinigit ko agad ang 1,500. “Salamat!” at mabilis kong iniabot kay Aling Karo. “O ayan na ho! Siguro naman makakatulog na kayo mamayang gabi!”     “Syempre naman. Ah – kung kailangan nyo ulit ng pera – kumatok lang kayo.” Mahinahon nyang sabi.     “Sana ganyan din ang ginawa nyo sa paniningil. May libreng bunganga sa inyo eh. Kung gusto nyo sisigaw din kami ng ‘Aling Karo – karo ng patay! Pautang naman ho!!!!’ Wag na lang.” Hinawakan ko si nanay. “Pumasok na tayo sa loob, nay.”     “Pasensya ka na anak ha.” Nakasimangot si nanay. “Yung ginamit ko kasi para dun sa ekskarsyon ni Maril eh sa kanya ko hiniram.”     “Hayaan nyo na nanay. Nabayaran na naman. Salamat dito sa utol kong tunay na lalaki.” Inakbayan ko ulit si Feiffer.     “Ano ba kayo nanay, tayo-tayo pa ba ang magkakahiyaan? ‘tong si Ric nga wagas sa kapal ng mukha eh.” Tiningnan ko sya. “Biro lang po.”     “Anak, pinakain mo ba ‘tong si Feiffer?” tanong ni nanay sa’kin.     “Naku opo. Pinabayaran nya nga po sa’kin ng 1,500.” Sagot ni Feiffer kay nanay.     “Ano? Anak!! Hindi tama yan!!” ayan napagalitan pa nga.     “Sumbungero!!!” Sinikmuraan ko si Feiffer. “Nay, ibabawas naman nya yun sa sweldo ko no!! Matikal din naman yang lalaking yan!!”     “Ay nakakatuwa naman talaga itong kaibigan mo anak. Kahit na yumaman na sya at hindi na dito nakatira sa Brgy. Rosia ay naaalala ka pa ring puntahan ng madalas.” Kinamayan ni nanay si Feiffer. “Maraming salamat hijo, pagpasensyahan mo na ‘tong anak ko ha. At salamat na rin sa pagtatago ng – alam mo na.”     “Naku wala po iyun nanay. Alam nyo namang parang nanay ko na rin po kayo.” Biglang nalungkot si Feiffer. Alam kong naalala nya ang mommy nya.     “Nay, tutulungan ako ni Feiffer maglaba!! Sobrang bait nya no!! Isa syang tunay na lalaki!!” Iniba ko ang usapan para hindi na malungkot ang kaibigan ko.     “Totoo ba yun? Baka naman tinatakot ka lang nitong si Ric?” Kinurot ako ni nanay pero mahina lang. “Wag mong abusuhin ang kabaitan ni Feiffer. Yan na nga lang ang lalaking nagtityaga sa’yo ay pahihirapan mo. Magtigil ka. Ikaw na ang maglaba at ako na lang ang magbabanlaw.”     “Sige, sya na anak nyo.” Nakasimangot kong sabi. “Dami-dami kayang lalaking nalapit sa’kin. Lahat nga ng kasama ko lalaki.”     “Practice mo na yan, anak. Para kapag nag-asawa ka na marunong ka nang maglaba.” Pagbibiro ni nanay bago pumasok ulit sa kwarto.     “Magaasawa po ako ng mayaman! Yung may washing machine at yung may tagapaglaba!!!” sigaw ko habang nagdadabog papunta sa labahan sa likod-bahay.     “Kung may papatol sa’yo!” Nakita kong hawak na ni Feiffer ang batsa.     “O anong ginagawa mo? Akala ko ba ayaw mong maglaba?” Pinaghiwa-hiwalay ko na ang mga damit na de color sa mga puti.     “Sabi mo nga, ang tunay na lalaki marunong maglaba. Pero turuan mo ako ha.” Itinupi nya ang long sleeves nya at umupo sa bangkito.     “Hephep! Hubarin mo yang polo mo baka mabasa.” Utos ko sa kanya.     “Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka talaga sa’kin!” pang-aasar nya kaya naman binato ko sya ng tabo sa ulo.     “Ulul ka!! Isuot mo ‘tong tshirt ko! Pati ‘tong shorts ko din!! Babalik ka pa sa shop tapos mababasa ka.” Iniabot ko sa kanya ang mga damit na kinuha ko sa sampayan. Nakangiti sya at pinapakita pa sa’kin ang mga muscles nya. “Ambisyoso!! Hoy mas gwapo pa ako sa’yo!!” Ibinato ko ang shorts sa mukha nya. “Itigil mo na yan at magpalit ka na!! Nakakadiri ka!!”     “Ang yabang mo! Daming babaeng nahihimatay makita lang abs ko.” Sabi nya habang nagbibihis.     “Babaeng aso ang sabihin mo.” Ibinabad ko na ang mga puti. “Sa’kin na ang puti. Sa’yo na yang de color.”     Umupo sya sa tapat ko at nilagyan ng sabon ang batsang may tubig. “Kapag ‘to naghawa-hawa hindi ko na kasalanan ha!”     “Kung sasadyain mo lang din naman wag ka nang tumulong.” Pinapanood ko syang maglaba, madali naman syang matuto yun nga lang mukhang galit na galit sya sa pagbabrush ng mga damit. Napupunit na yung iba. “Naku wag ka na ngang magbrush. Magbanlaw ka na lang!!”     “Naku sorry. Kay tatay pa ‘to?” Itinaas nya ang hawak nya. “Teka, panty ba ‘to o brief?” nakita kong hawak nya ang underwear ko. “Uy, may pangalan pa sa garter.” Bigla syang tumawa. “Sa’yo pala ‘to eh.”     Namula ang mukha ko at inagaw ko ang panty-brief sa kanya. “Ang bastos mo talaga!!”     “Malay ko bang sa’yo yan. Talaga palang brief ang isinusuot mo no?” pang-aasar nya. “Bakit may pangalan? May magiinteres pa ba dyan?”     Binato ko sya ng bula sa mukha. “Parang nakakalimutan mong puro lalaki ang kapatid ko tapos isama mo pa si tatay. Nilalagyan yan ni nanay ng pangalan para hindi kami magkapalit-palit!!! Baluga ka!! Panty-brief yan no!!” Binasa ko sya ng tubig dahil sa inis ko. “Umalis ka na nga!! Umalis ka na dali!!” hinigit ko sya patayo at ipinasok ko sa bahay. “Magbihis ka na at umalis!! Manager ka di ba? Dapat nandun ka sa shop mo!!”     “Ayoko dun!! Nandun si Gwyn eh. Di umaalis!!” Parang bata sya maginarte sa’kin. “Dito muna ako.” Umiling ako at itinataboy ko sya paalis. “Magluluto na lang ako ng tanghalian.” Napatingin sya sa lababo. “O kaya tutulugan ko si nanay sa paghahanda ng tinda nya.”     “Bahala ka!! Basta wag mo akong guguluhin dito, Mr. m******s!!!” bumalik na ako sa likod.     “Kung ikaw lang din naman, di na uy!!” sagot nya habang nang-aasar pa rin. “Anong size yun, Ric?”     “Feiffer Gilpin!! Balasubas ka talaga!!!” malakas kong sigaw.     “Bakit? Paano kung gusto kitang regaluhan ng ganun? Ito, akala mo kasi kamanyak-manyak ka!! Gising-gising din minsan. Wag kang feeling!! Di tayo talo!!” sagot nya sa’kin habang naghuhugas ng bigas.     Kung hindi nya lang talaga ako pinautang hindi ko na yan hahayaan dito sa bahay. Madalas kasi yang ganyan kapag hindi ako pumapasok. Minsan nga kapag tinanghali ako ng gising sya pa ang pupunta dito para sunduin ako.     Magkalaro kami nung mga bata palang kami. Lampa yan nung maliliit pa kami. Palaging pinagtitripan ng mga bata sa kanto. Ako lang ang nagtatanggol sa kanya. Pero ngayon sya na ang natulong sa’kin.     Nasa high school kami nung malaman nyang babae ako. Nagbibihis kasi ako sa kwarto ng bigla syang pumasok. Gulat na gulat sya, mabuti na nga lang nakasando-bra na ako nun. Hindi sya agad nakagalaw. Hindi ko din alam kung anong sasabihin. Mabuti na lang dumating sila tatay at pinaintindi sa kanya. Matalino naman ‘tong utol ko. Kung lampa man sya noon, magaling naman sya sa school.     Naalala ko pa nung nalaman nyang babae ako, hindi sya tumigil sa pagiyak. Hindi nya pala matanggap na babae pa ang nagtatanggol sa kanya sa mga lalaking gumugulpi sa kanya kaya sya umiiyak. Kaya simula nung araw na yun nagpalakas na sya. Kasabwat ko na rin sya sa pagtatago ng lihim ko at mas lalo kaming naging close.     Nakakalungkot lang nung nag-ibang bansa yung nanay nya, umalis na sila dito. Bago kami gumraduate ng high school nung umalis sila. Gumanda ang buhay nila, at dahil matalino din sya nakatapos sya ng pag-aaral habang ako naiwan dito. Pero kahit minsan hindi nya ako nakalimutan. Sya pa nga ang nagbigay ng trabaho sa’kin sa shop nila. Yun nga lang, dun ko nalaman na kaya sya galit sa nanay nya ay dahil nag-asawa na pala yun ng foreigner sa ibang bansa kaya hindi na umuwi. Pero hindi na sya nagrebelde. Napunta yan dito at umiiyak sa’kin habang nandun kami sa bubong. Sya ang nag-iisa kong tunay na kaibigan. Para na talaga kaming magkapatid. Siguro ganyan sya kasi solong anak sya. Sinisisi nya nga ang mommy nya kung bakit naging lampa sya nung bata sya. Bine-baby daw kasi sya kaya di daw nabanat ang mga buto nya. Tapos iiwan din naman pala sya. Ay, naku, mas nakakaawa pa ‘to kung minsan.     “Bakit ka nangiti dyan mag-isa?” biglang sumulpot ang mukha nya sa harapan ko.     “Pakialam mo ba? Tsaka bakit ka ba nandito sa labas?” itinulak ko sya at napansin kong nakabihis na sya. “Aalis ka na?”     “May customer daw na nagwawala sa shop. I need to go and check. Don’t worry, nakapagsaing na ako. Ginawa ko nga palang adobo yung baboy dun sa mesa. Pakisabi na lang kay nanay na umalis na ako. Tulog pa kasi sya.” Pagpapaalam nya.     “Sige! Salamat ha!” sigaw ko sa kanya habang palabas sya. “Ikamusta mo ako kay Gwyn!”     “P*kyu!!” inis nyang sabi sa’kin habang tumawa naman ako ng malakas. Lokohin mo na sya sa lahat ng babae pero wag kay Gwyn, napipikon sya. Hindi ko nga alam kung bakit ih.     Hirap maging mahirap. Mahirap ka na nga, ang hihirap pa ng mga ginagawa mo. Buti na lang may mga taong nagpapasaya sa mahirap kong buhay. “Kuya Ric!!!!!!!” tulad nitong dalawa kong mga kapatid.     “O awas na kayo? Wag maingay, natutulog si nanay. Sige na kumain na kayo dyan.”     “Wow, ang sarap ng tanghalian natin.” Sabi ng pangalawa kong kapatid na si Tomas. First year high school na sya habang grade 4 naman ang bunso kong kapatid na si Maril.     Kapos man kami sa salapi, mayaman naman kami sa ngiti.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD