“Bakit ganiyan ang hitsura mo?” tanong ko kay Mirella pagbalik niya ng room.
“Hinahanap ka sa akin ni Sir Fontanilla,” sagot niya sa akin. Medyo malakas ang pagsabi niya kaya may iilan kaming kaklase na napatingin.
Umayos naman ako ng upo nang makita kong hinihintay rin nila ang sasabihin ni Mirella kaya agad akong nagsalita. Baka kasi may isipin silang mali at iyon ang ikinakatakot ko.
“Baka may ipapagawa ulit sa akin. Hindi ba, nasabi ko sa iyo noong isang araw na nag-check ako ng mga papers?“ Ibinalik ko naman ang aking mga mata kay Mirella na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.
“Oo. Ayon din ang sinabi niya sa akin. Uutusan ka raw niya sana pero sinabi ko kasing may klase tayo at wala tayong vacant ngayon,” ani niya bago pumasok ang isang professor.
Nagsimula ang klase kaya natigil ang usapan namin. Kaya siguro ako hinahanap ni sir dahil papahirapan na naman niya ako. Hindi kasi kami nagkita kahapon dahil umuwi ako sa bahay. Family dinner kasi namin at dapat kompleto kami.
Every week ay may family dinner kami at nakagawian na talaga namin iyon dahil busy kami palagi. Nasa condo rin kasi ako dahil mas malapit dito sa university. Ayaw ko namang umuwi sa bahay dahil medyo matagal din ang byahe at aabutin pa ng traffic.
Wala namang nangyari sa amin ni sir. Sadyang ako lang talaga ang pinapahirapan niya palagi. Ngunit para makasiguro, pupunta ako mamaya sa hospital para magpa-inject. Ayaw ko kasing gumamit ng pills dahil baka malimutan kong inumin lalo pa at busy ako minsan.
Mabuti na lang at may pinsan akong Doctor. Sana lang ay hindi niya masabi sa mga magulang ko na magpapa-inject ako. Wala pa kasi akong naipapakilala sa kanila kaya alam kong magtataka sila at mapapagalitan ako kung sakali.
“Trip mo bang kumain ng pizza ngayon?“ tanong ko kay Mirella pagkatapos ng klase.
“Hindi. Takoyaki ang bet ko pero wala namang nagtitinda rito kaya pizza na lang,” wika niya.
Habang palabas kami sa room, nakita ko si sir na naglalakad. Sa gulat ko, napatigil pa ako sa paglalakad. Mabuti na lang at tinawag ako Mirella kaya natauhan ako.
“Hoy! Dalian mo! Baka magbago pa ang isip ko at ayain kitang mag-samgyup,” sigaw sa akin ni Mirella kaya napatingin ako sa kaniya.
“Samgyupsal? Unlimited ’yon, hindi ba?” tangkang tanong ko at sinabayan siyang maglakad.
“Oo,” simpleng sagot niya.
“Tara! Later na lang tayo kumain ng pizza or baka mag-bake na lang ako sa condo ko,” sabi ko at tiningnan si sir na ngayon ay papalapit na.
Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso at bahagyang inayos ang kaniyang suot na eyeglass habang ang isang kamay naman niya ay may hawak na libro.
“Good afternoon, sir!” bati ni Mirella.
“Good afternoon, Sir Fontanilla,” pabulong na sambit ko at nakita ko naman kung paano umangat ang kaniyang labi na nagpamula sa aking mga pisngi kaya inilihis ko ang aking mga mata at mas piniling tumingin saglit kay Mirella.
Tumigil bigla sa paglalakad si Mirella kaya tumigil din ako kaso nasa harap pala namin si sir.
What the—
“Hindi po ba ay hinahanap mo kanina si Xianel, sir? Ito po pala siya,” panimula ni Mirella at inakbayan ako.
Alanganin naman akong tumingin kay sir at pinandilatan siya ng mga mata pero tinaasan niya lamang ako ng kilay. Bago pa man makahalata si Mirella ay tumikhim na ako at inayos na ang pagtayo.
“Ano po iyon, sir?” magalang na tanong ko.
Pasimple kong tiningnan ang damit ni sir. Naka-long sleeves white polo siya ngayon at may necktie pa rin. Medyo masikip din sa kaniya ang polo na suot niya kaya medyo halata ang kaniyang muscles.
Hindi ko alam na nagmumukhang maliit sa kaniya ang uniform ng mga professor. Pansin ko rin na hindi niya suot ang blazer. Baka iniwan niya sa kaniyang office.
“Where are you going?” he asked.
Napatingin naman ako bigla sa kaniya nang marinig ko siyang magsalita pero ang mga mata niya ay nakatuon pa rin sa akin na para bang wala siyang balak alisin sa akin.
Napalunok naman ako at itinagilid ang aking ulo. “Lunch, sir. Magsa-samgyup po.”
“May klase ba kayo after ng lunch break niyo?“ tanong ulit niya sa akin.
Ibinuka ko ang aking bibig para sana magsalita pero naunahan ako ni Mirella kaya itinikom ko na lang kaagad.
“Mayroon, sir. Wala po kaming vacant,” sambit ni Mirella.
Nakita ko namang umigting ang panga niya at hindi ko alam kung para saan. Ngunit ilang saglit pa ay tumango siya sa amin. “Enjoy your lunch.”
“Thank you, sir! Happy lunch po!“ wika ni Mirella. Umalis naman kaagad si sir kaya ipinagpatuloy na rin namin ang paglalakad para magpunta sa parking long.
Tinanggal naman kaagad ni Mirella ang kamay niya sa aking mga balikat. Wala ni isang nagsalita sa amin hanggang makarating kami sa parking lot.
“Mabuti na lang walang traffic. Nakarating tayo kaagad,” sambit ni Mirella pagpasok namin sa restaurant.
Agad kaming nagbayad at nagsimulang mag-ihaw ng mga karne at iba’t-ibang klase ng seafood. Mahal din ang restaurant na ito ngunit masarap naman ang pagka-marinate nila kaya hindi na rin ako nanghihinayang.
Habang kumakain ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.
From: Sir
Prepare yourself later, Montenegro. Hindi kita nakita kahapon. Nagpunta pa ako sa condo mo. Mabuti na lang nalaman kinausap ko ang kaibigan ko to check the CCTV footage kasi baka nasira ko pa iyang pinto ng condo mo.
Napahinga naman ako nang malalim at sinubukang magtipa. Hindi naman talaga ako dapat magpapaliwanag pero kasi halatang nagbabanta siya sa akin. Ramdam ko rin ang kaba dahil hindi ko nasabi sa kaniya na umuwi ako sa bahay.
To: Sir
I apologize, sir. Umuwi kasi ako sa bahay dahil family dinner namin.
Itinuloy ko naman ang pagsubo at ibinaba ang cellphone ko. Kailangan kong bilisang kumin dahil may klase pa kami. Baka ma-traffic pa kami kapag ganito ako kabagal kumain.
“Busog na busog ako!“ sambit ni Mirella habang naglalakad kami papunta sa room namin.
Natawa na lang ako at inabot ang aking cellphone para tingnan ang message sa akin ni sir.
From: Sir
Prepare yourself.