“Mom,” I greeted when I saw her in the living room.
Mom glanced at me and smiled. “Xia.”
I kissed her cheek. “Where’s dad?” Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin siya pero hindi ko makita.
“Work, sweetheart,” she replied.
“Tumawag kasi siya sa akin kanina at sinabing umuwi raw muna ako,” paliwanag ko kay mommy.
“Alam mo naman ang dad mo, paranoid. Kung tutuusin ay ayos lang kahit huwag ka na munang umuwi dahil alam kong may klase ka pa bukas,” sambit ni mommy at itinigil ang pagdo-drawing sa papel.
She’s a designer habang si dad naman ay nagha-handle ng mga business. Minsan nga ay pinipilit na ni daddy si mommy na itigil na ang pagtatrabaho pero makulit si mommy.
I can’t blame her, that’s her passion, and diyan naman siya masaya kaya bakit ko kakampihan si dad? If my mom wants to work, I’ll let her. At saka bata pa naman si mommy, eh! 42 years old pa lamang siya.
“Hayaan mo na, mom. Mas mabuti rin kasing may kasama ka rito. May mga bodyguards ka naman pero still kailangan mo ng kasama,” sagot ko.
“Hay! Ewan ko talaga sa inyong dalawa! Umakyat ka na nga sa kuwarto mo nang makatulog ka na. Tatapusin ko lang ito,” utos naman sa akin ni mommy.
“Nakapag-dinner ka na ba, mom?” tanong ko at nag-inat. Kumain naman na ako kanina dahil dumaan ako saglit sa isang restaurant bago pumunta rito.
“Yes. How about you? Puwede kong ipa-request kay manang kung hindi ka pa kumain,” wika ni mommy.
Umiling naman ako kahit hindi niya ako nakikita. Busy siya sa pagguhit ng designs for her next event kasi. “Tapos na, mom. Akyat na po ako sa kuwarto.”
“Alright. Good night, sweetheart,” sambit ni mommy bago ko ulit halikan ang kaniyang ulo.
Habang naglalakad papunta sa kuwarto ko ay napahinga ako nang malalim. Hindi kami nagkita kanina ni sir dahil biglaan ang pagtawag ni daddy.
Sigurado akong pagbabantaan na naman niya ako bukas lalo pa at nasabi ko ang schedule ko this week. Mahaba ang vacant namin bukas at natatakot akong hindi niya ako tantanan ulit kahit ilang beses pa akong magmakaawang tumigil na.
Pagpasok sa loob ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang pinsan ko para magpa-schedule ng DMPA injection bukas.
“Xia? Bakit ka napatawag?” tanong niya nang sagutin niya ang tawag kom
“Puwede ba akong magpa-inject ng DMPA sa iyo bukas, ate? Huwag mo po sanang sasabihin sa kung sino lalo na sa mga magulang ko,” saad ko at ini-lock ang pinto ng aking kuwarto.
“What? Why? As far as I remember, wala ka namang boyfriend dahil wala kang ipinapakilala. I can’t inject you DMPA right away lalo na at bata ka pa,” paliwanag niya. “Hindi ko rin ma-ire-recommend ang pills kasi may side effects din iyon.”
Totoo naman kasing bata pa ako. 19 years old pa lang pero kasi gusto kong makasiguro na hindi ako mabubuntis lalo pa at wala pa naman sa plano ko dahil bata pa ako.
Hindi man sigurado na gagawin namin iyon ni sir pero mas mabuti kasing makasiguro at agapan bago pa ako magsisi.
“Hindi ba talaga puwede, ate?” pag-uulit ko, nagbabaka-sakaling magbago ang isip ni ate.
Dinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya at ang pagiging tahimik niya na para bang nag-iisip kung papayag ba siya o hindi.
“Please, ate. Ayaw ko kasi talaga pills at implant,” bulong ko.
Kapag implant, may possibility rin na matanggal lalo na kapag sa ute.rus nila ilagay. Kapag naman sa braso tapos sobrang hilo ang nararamdaman, baka mas pipiliin ko na lang din tanggalin.
Kapag DMPA kasi, may mga effects din naman kagaya ng pagdoble ng timbang, pagkahilo at paiba-ibang period cycle ko. Halos same lang din naman sa pills pero mas effective ang DMPA. Every three months iyon at dapat sa last week ng pangatlong month, nakapagpa-inject na dapat ulit ako dahil one week bago tumalab ang DMPA.
“Hindi talaga puwede, Xia. Ang maibibigay ko lang na advice ay cond.om,” sagot ni ate.
“Ate, paano kapag pasimpleng tinanggal iyan? Hindi ko naman malalaman ang pinagkaiba dahil wala naman akong alam sa pakiramdam,” rason ko at naglakad patungo sa aking kama para mahiga na.
Unti-unti ring nalulukot ang posibilidad na baka may mangyari sa amin tapos sa loob niya ilalagay.
“Fine! Just make sure na sundin mo ang sasabihin ko at huwag na huwag mong kalimutang bumalik sa akin one week before mag-expired ang DMPA, okay?” sambit ni ate.
Tumango naman ako at unti-unting ngumit. “Opo, ate.”
“Bibigyan din kita ng card para riyan. Teka, kailan ba ang period mo? Mas maganda kapag may period ka para alam kong hindi ka buntis. Puwede naman kitang bigyan ng pregnancy test pero mas maganda pa rin kapag may dalaw ka,” paliwanag niya.
“Ang alam ko, ate, baka ngayon or bukas. Nararamdam ko na kasi dahil kadalasan sumasakit ang dib.dib ko kapag malapit na ako o kaya may period cramps ako,” sagot ko naman.
Nitong mga nakaraang araw kasi, napapadalas ang pagsakit puson ko. Minsan naman sa gabi ay sumasakit ang dib.dib ko. Ganito ako kapag malapit na magkaroon kaya minsan ay iniiwasan ko ang mga bawal sa akin na pagkain lalo na ang soft drinks, malamig o matamis na pagkain, langka o suka.
Hindi lang kasi puson ang sumasakit sa akin, pati mismong lagusan, likod, ulo, iyong butas ko na parang hinihila pababa ang ute.rus ko, nasususka, nahihilo at nilalamig. Minsan pa nga ay sumasabay pa ang pagsakit ng paa ko kaya mas gugustuhin ko na lang itulog kapag hindi ko na talaga kaya.
“Kapag may period ka na bukas, dumiretso ka kaagad sa office ko, ha? Bibigyan din kita ng pills para kung sakaling nagkaroon ka ng intercourse tapos sa loob inilagay, inumin mo dapat iyon within 72 hours para walang mabuo,” paliwanag niya sa akin kaya naman tumango-tango ako.
“Salamat, ate,” huling sambit ko nang magpaalam siyang matutulog na.
Napahinga naman ako nang malalim at tinignan ang message ni sir na umabot na ng tatlo.
From: Sir
Xianel, where the fck are you?
From: Sir
I called my friend to check the CCTV footage. Hindi ka pumunta rito. Umuwi ka ba sa inyo?
From: Sir
Marami kang vacant bukas. Pumunta ka sa office ko.