Madami pa kaming napag-usapan ni Mirella. Kumain na rin siya ng lunch dito sa aking office nang naabutan kami ni Leyton na kasalukuyang nag-uusap. Ipinakilala ko rin sila sa isa’t-isa pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi sila makatingin nang diretso at parang naiilang sila parehas. “Alis na ako, Xianel. Salamat ulit at pasensya na sa nangyari noon,” sambit niya kaya napangiti naman ako. “Pasensya na rin noon kung itinago ko iyon,” wika ko pero umiling naman siya. “Naiintindihan ko rin naman ang side mo, Xianel. Kaya huwag kang mag-alala,” aniya at hinalikan ang aking pisngi. “Alis na muna ako. May aasikasuhin din kasi ako sa business namin.” “Ingat ka. Chat ka na lang sa akin kung may problema o sasabihin ka,” paalala ko sa kaniya. “Naman! O siya, ingat ka rin, ha?“ wika niya

