“Mag-date ba tayo ngayon?” natatawang tanong sa akin ni Leyton nang makapasok siya sa aking office. “Salubong kilay mo, eh. Halatang may problema.” Sinamaan ko agad siya ng tingin kaya itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa ere. “Chill! Nagtatanong lang naman ako.” “Magda-date pa rin tayo mamayang lunch time.” Inayos ko ang mga document na tapos ko ng basahin at pirmahan. “Bakit ang aga mo ngayon? Mamayang lunch pa dapat.” “Wala akong ginagawa masyado sa office ko kaya nagpunta na ako kaagad dito.” Umupo naman siya sa sofa at itinaas ang kaniyang mga paa sa round table. “May meeting ka ba ngayon?” Umiling naman ako at sumipsip sa aking kape. “Wala naman. Wala akong meeting ngayong week. Puro paperworks lang.” “Eh, bakit salubong kilay mo kanina kung wala ka naman pa lang meetings

