“Our parents decided to publicize our sudden engagement after a week. Ilang beses din naming pinag-usapan ni Lance kung ano ang plano namin to stop everything. Mabuti na lamang at pumayag siya sa setup namin, makipag-date sa iba. Hindi ko nga alam kung labag ba sa kalooban niya pero sinabi ko naman na palalabasin lang naman na may mga dini-date kami kahit na ang totoo ay wala. Gusto kasi naming itigil nila ang kalokohang ginagawa nila pero hindi ko alam kung bakit umiinit ang ulo ko nang makita ko si Lance na masayang nakikipag-usap sa babaeng ka-date kuno niya. “Kung nakakamatay lang ang titig mo, baka kanina pa sila nakahandusay,” sambit naman ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ako umimik at mas piniling itikom ang aking bibig dahil bakit ako magsasalita kung wala naman akong maganda

