“Lance,” tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang humihithit ng sigarilyo sa balcony ng hotel. Wala pa rin itong suot na damit kaya malaya kong nakikita ang matipuno niyang katawan. Hindi siya tumingin sa akin pero ramdam kong hinihintay niya ang sasabihin ko. Mali rin kasi ako kagabi dahil bigla kong inilayo ang sarili ko sa mga taong malapit sa akin at maiintindihan ko kung galit man siya sa biglaan kong ginawa. “Pasensya na kagabi. Alam kong mali ang ginawa ko dahil hindi ako nagpaalam o nagsabi man lang kung saan ako pupunta,” panimula ko pero hindi siya nagsalita. Nagsimula ring malukot ang aking mukha dahil sa amoy ng sigarilyo. Hindi ko kasi inaakalang matapang ito sa pang-amoy ko. Ito rin ang first time na makita ko siyang naninigarilyo. Pagbuga niya ng usok ay tumingin siya sa

