“Mas malamig pala rito sa Kapangan kaysa sa Baguio,” bulong ko habang yakap-yakap ang aking sarili. Kasalukuyan kaming nandito sa Lubo Lake para mag-camping. Ewan ko nga kay Gabriel kung bakit bigla niyang naisip magpunta rito pero hindi naman ako nagsisisi dahil sa ganda ng tanawin. Hindi ko sigurado kung ilang araw kami rito dahil mabilis namang magbago ang isip ni Gabriel. Nakadepende yata sa mood niya kung ilang araw kaming mamamalagi rito. Kapangan ay isa sa part ng Benguet. Mas mataas ito kaysa sa Baguio. Hindi ko lang alam kung alin ang mas malamig kapag Atok, Benguet na ang isasali at iba pang parte ng Benguet. “Kung ano-anong pinagbibili mo,” sambit ko sa kaniya nang makita ko siyang nangangalkal ng mga pagkain sa aming bag. Bag, pagkain na sobrang dami, mga appliances na may

