“Xianel,” tawag sa akin ni ate nang makita niya ako. Agad naman akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi. “Wala ka bang nararamdamang side effects?” Umiling naman ako at ngumiti kay ate. “Wala naman, ate.” Sumulyap ako kay daddy at mommy na ngayon ay nakikipag-usap sa mga kapatid niya. Reunion kasi namin ngayon at sakto ring wala kaming klase. Dapat nga ay magkikita kami ni sir ngayon sa kaniyang condo pero tumanggi ako dahil may reunion ngayon. Every year kasi ang reunion namin at hindi naman puwedeng lumiban ako. “Mabuti naman. Next month, pumunta ka na ulit sa office ko para magpa-inject ulit. Huwag mong kalimutan, Xia, ha?” bulong ni ate kaya tumango ako at ibinaling ulit ang aking mga mata sa kaniya. Never akong binigo ni ate. Sa isang buwan, hindi niya iyon ikinalat sa kung sin

