Chapter 24

1058 Words

“Ramen tayo sa Baguio,” aya sa akin ni Lance nang malaman niyang nag-day off ako. “Lance, nag-day off ako para magpahinga,” bagot na sambit ko nang isara niya ang pinto ng condo ko. Nasa iisang building kami at same floor din ang condo namin. Ibinigay ko sa kaniya ang passcode dahil kinukulit niya ako. Hanep, doorbell nang doorbell! Akala mo, bata kung manggulo! “May ramen naman dito sa Manila kaya bakit sa Baguio pa?“ naiinis na tanong ko sa kaniya. Umupo naman siya sa bakanteng sofa na nasa aking harapan at tinaasan ako ng kilay habang nakangiti. “Para feel na feel natin! Sa Batangas nga sana tayo magra-ramen kaso mas malamig sa Baguio.” “Puwede naman tayong mag-ramen dito tapos taasan mo iyang air conditioner,” naguguluhan kong tanong sa kaniya kaya inirapan niya ako. “Iba pa rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD