“Bakit gusto mong ibenta ang condo mo?” tanong sa akin ni Lance. “Balak kong bumili ng bago,” simpleng sagot ko saka kinain iyong binigay niyang lasagna. “Niluto mo ito?” Tumingin ako sa kaniya habang ngumunguya. “Yeah,” wika niya at uminom ng kaniyang coffee. “Masarap! Hindi siya gaanong matamis, maalat o maasim. Eksakto lang,” sambit ko kaya lumitaw ang ngiti sa kaniyang labi. “Medyo napadami pa nga iyong gatas na nailagay ko but thanks,” natatawa niyang sambit. Tinulungan niya akong ibenta ang condo ko dahil ayaw ko ng tumira roon dahil pakiramdam ko ay hindi ako safe. Palaging nagpupunta si Gabriel doon kapag doon ko naiisipang matulog. Paulit-ulit naman akong bumibigay kapag hinahalikan niya ako at iyon ang ayaw ko. Matagal ko na ngang gustong tapusin dahil hindi ko naman na siy

