Chapter 3

4900 Words
KIRA’S POV: LUMIPAS ang mga araw at dumating na nga ang kinakatakutan namin ni Marco na mangyari. Ang pagbagsak ng sales ng club dahil sa pagkawala ng kanyang ama! Mabuti na lang at unti-unti nang lumalaban si Ma'am Wena mula sa pagkamatay ni sir. Maraming kaibigan at kakilalang big-time si sir Griffin. Pero nang mawala na ito, hindi na sila dumadalaw sa club. Unti-unti na ring nag-alisan ang mga stripper namin sa club dahil wala ng big-time na dumadalaw doon. Kaya lalong bumagsak ang sales dahil wala nang aabangan ang mga tao sa club namin. “Kira, can we talk?” Napalingon ako sa likuran na magsalita si Ma'am Wena. Kakauwi ko pa lang mula sa club at pasado alastres na rin ng madaling araw. Tila hinihintay ako nitong dumating na nandidito sa sala sa gan'tong oras. “Ano po iyon, ma'am?” sagot ko na ngumiti dito at beso dito. Hinawakan naman ako nito sa kamay na iginiya sa sofa. Naupo ako katabi ito na marahang pinipisil-pisil ang kamay ko at bakas ang halo-halong emosyon sa kanyang mga mata. “Kumusta sa club?” tanong nito. Napahinga ako ng malalim na lumamlam ang mga matang nakatitig dito. “Gan'on pa rin, ma'am. Mahina ulit tayo ngayong gabi. Nag-hiring na nga kami ng strippers e. Baka sakali manumbalik ang mga regular costumers natin sa club. Pero sa ngayon, mahina pa rin.” Sagot ko ditong kitang nalungkot sa nalaman. “Anong gagawin ko nito? Hindi pwedeng magsara ang club. Doon na lang tayo kumikita. Iyon na lang ang naiwan sa atin ng sir Griffin mo. Kapag nagtuloy-tuloy ito, tiyak na magsasara ang club at mawawalan tayo ng kabuhayan,” nag-aalalang saad nito na nangilid ang luha. “Ma'am, hwag kayong mag-alala. Gumagawa na kami ni Marco ng paraan para maibangon ulit ang club. Kailangan lang natin ng bagong gimik para bumalik ulit ang mga costumers natin sa club.” Pagpapalakas loob ko dito na tumango. Napalapat ito ng labi na kita ang panlulumo sa kanyang mga mata. “Kung bakit kasi iniwan tayo ng gan'to kaaga ng sir Griffin mo. Ni hindi ako marunong mag-manage ng club natin. Paano na tayo ngayong wala na siya?” wika nito na napayukong napahagulhol. Mapait akong napangiti na pinasandal ito sa dibdib ko at hinagod-hagod sa likuran. Hinayaan ko lang itong umiyak nang umiyak hanggang mailabas niya lahat ng bigat sa kanyang dibdib. “Makakaya natin ito, ma'am. Nandidito kami ni Marco na nakaalalay sa'yo. Kasama mo kami sa pagbangon mo,” wika ko ditong tumango-tango. “Salamat, Kira. Kahit wala na ang sir Griffin mo na siyang nagdala sa'yo dito sa bahay ay hindi mo pa rin kami iniiwan ng anak ko.” Saad nitong ikinangiti kong marahang pinahid ang kanyang luha. “Pamilya ko na po kayo, ma'am. Hinding-hindi ko po kayo iiwan lalo na ngayon na kailangan niyo ako.” Sagot ko ditong napangiting niyakap ako. “Pamilya ka na rin namin, Kira. Kaya magmula ngayon, hwag mo na akong tawaging ma'am. Masanay ka nang tawagin akong. . . mommy,” anito na ikinatulo ng luha kong mas niyakap ito. “Salamat po, ma'am– I mean. . . M-mommy. Salamat po dahil sa inyo, nagkaroon ako ng pangalawang ina. Mahal na mahal ko po kayo, M-mommy.” Sagot kong patuloy sa pagtulo ng luha. Hinahagod-hagod naman ako nito sa likuran na mas niyakap pa ako. “Mahal na mahal ka rin namin, Kira a-anak.” HABANG wala pa kaming mga bagong hired na strippers dito sa club, nagpresinta ako na subukan ang trabahong ito. Waitress lang talaga ang trabaho ko dito. Pero dahil pabagsak na nang pabagsak ang club namin, kailangan ko ring tulungan sina Marco at mommy Wena. Si mommy na rin ang nagma-manage ng club. Noong una ay ayaw nila akong payagang sumayaw dito sa club. Pero nagpumilit ako. Kahit hindi ako sanay sumayaw sa harapan ng maraming tao, ginawa ko para matulungan silang ibangon ang club. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya Clifton. Kahit pinambayad utang ako ng sarili kong ina sa kanila noong bata pa lang ako, tinanggap nila ako sa pamilya at hindi itinuring na iba sa kanila. Kaya ngayong kailangan nila ng tulong ko, malugod ko silang tutulungan. Ilang araw din akong nagpa-practice dito sa club kung paano sumayaw ng nakakaakit. Hindi naman kilala ng mga tao ang mukha ko. Dahil bukod sa hindi ako nagpapa-table, may suot-suot din akong maskara na natatabingan ang mga mata ko para hindi kita ang buong mukha ko. Sa paglipas ng mga araw na nagtatrabaho ako bilang pinakabagong star ng club, unti-unting nagdadagsaan na ang mga costumers namin. Unti-unting nabubuhay ang sales at sigla ng club na halos mapuno gabi-gabi ng mga costumers. Hanggang isang araw, nagulat ako na may isang matandang lumapit sa akin dito sa harapan ng university namin ni Marco na tila kanina niya pa ako inaabangan! “Kira, ikaw na nga ba iyan, hija?” naluluhang tanong nito na matiim na nakamata sa akin. Naipilig ko ang ulo na mapatitig dito. Pamilyar kasi siya sa paningin ko. Pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. “Ako nga po si Kira, ma'am. Sino ho sila?” magalang kong sagot. “Kira, let's go. Marami pa tayong kailangang tapusin,” pagtawag sa akin ni Marco na nakasakay ng ducati nito. Alanganin akong ngumiti sa matanda na matiim na nakatitig sa akin at tila ang dami-dami nitong gustong sabihin. “Ma'am, pasensiya na po kayo ha? Mauna na po ako,” pamamaalam ko dito. “Sandali lang, hija. Importante ang sasabihin ko. Hindi mo ba ako nakikilala?” pagpigil nito sa akin na humarang pa sa daraanan ko. Nangunotnoo akong napatitig dito na kitang tila kilalang kilala niya ako. Pero kahit pilit ko siyang inaalala, hindi ko na matandaan kung sino ito at saan siya nakita. “Pasensiya na po pero– hindi ko po kasi kayo kilala, ma'am.” Paumanhin ko. Maya pa'y natigilan ito na tila may nakitang multo sa di kalayuan. Nagsuot ito ng balabal nito na kita ang takot sa kanyang mga mata! “Ma'am, bakit ho?” nag-aalalang tanong ko dito na akmang aalis na. “Hija, sa susunod na lang tayo mag-uusap ha? Pero. . . pwede ko bang makuha ang cellphone number mo, hija?” pakiusap nito. Hindi ko alam kung bakit naibigay ko sa kanya ang calling card ko na kaagad niyang inabot at ngumiti sa akin. “Alis na ako, Kira. Mag-iingat ka palagi. Tatawagan kita, apo.” Nagmamadaling pamamaalam nito. Naipilig ko ang ulo na napangusong napasunod ng tingin ditong nakipagsiksikan na sa mga tao na tila may tinatakasan. “Kira?” muling pagtawag ni Marco sa akin na ikinalingon ko dito na nagtatanong ang mga mata. Napakamot ako sa ulo na lumapit na ditong iniabot sa akin ang helmet. “Sino ‘yon?” tanong nito na inalalayan akong makaangkas sa kanya. “Hindi ko alam. Pero. . . kilala niya ako, Marco. Ewan ko pero parang takot na takot siya kanina. May importante raw siyang sasabihin e. Pero biglang nagbago ang isip at magmamadaling nagpaalam na. Sa susunod na lang daw niya sasabihin. Kaya ibinigay ko ang calling card ko,” sagot ko dito na pinasilab na ang motor. “Baka naman nangti-trip lang, Kira. Pabayaan mo na.” Anito na ikinatango kong sumubsob sa balikat nito at napakapit sa baywang nito. Sa mga sumunod na araw. Dama kong tila may mga matang nakasubaybay sa bawat galaw ko. Sa university, sa labas ng trabaho at maging sa labas ng bahay. Tila may nagmamatyag sa akin sa bawat galaw ko. Hindi ko alam pero. . . malakas ang kutob ko na may nagmamatyag sa akin na hindi ko nakikita. Habang naghahanda ako papasok ng club, may tumawag sa aking new number na ikinakunot ng noo ko. “Hello?” alanganin kong sagot na nangunotnoo. “Hello po, ma'am. Is this ms Kira De Silva?” ani ng babae sa kabilang linya. Napalunok ako na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. “Yes, speaking.” Kabadong sagot ko. “Ma'am, sa Saint Joseph hospital po ito. Ipapaalam lang po naming nandidito ang lola niyo at malubha ang lagay. Nabundol po kasi ang lola niyo at dito dinala ng mga tumulong sa kanya,” pagbibigay alam nitong ikinakunot ng noo ko. “Lola ko? Naku, ms. Nagkakamali po kayo. Wala akong lola. Baka ibang Kira De Silva po ang apo niya,” sagot ko dito. “Pero, ma'am. Number niyo ho ito. At Kira De Silva po ang pangalan niyo. Pakitignan na lang ho ang lola niyo dito sa hospital, ma'am. Malubha po ang lagay niya. Ang sabi niya. . . marami daw siyang kailangang sabihin sa'yo na mahahalaga. Tungkol daw po. . . sa ama niyo.” Saad nitong ikinanigas ko na natuod sa kinatatayuan! Nagmamadali akong lumabas ng silid matapos magbihis. Sinalubong naman ako ni Marco dito sa sala na nangunotnoo na makitang nagmamadali ako. “May problema ba, Kira?” nag-aalalang tanong nito. Napalapat ako ng labi na hindi mapakali. Nag-aalala ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan! Sumapo ito sa magkabilaang pisngi ko na iniharap ako sa kanya. “Anong problema, Kira?” anito na matiim na nakatitig sa mga mata ko. “M-may tumawag sa akin, Marco. May mahalaga daw siyang sasabihin tungkol kay daddy. Hindi ko alam pero– ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kailangan ko siyang mapuntahan bago pa mahuli ang lahat,” natatarantang sagot ko dito na nangunotnoo. “Sino daw?” “Lola ko daw–teka, Marco, ‘yong matanda noong nakaraan. Baka siya iyon!” bulalas ko na namimilog ang mga matang damang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan! “Matanda? Sinong matanda? Baka naman nangti-trip lang iyan, Kira. Maraming loko-loko sa paligid ngayon, ano ka ba?” pagalit nito na ikinailing ko. “Iba ito, Marco. ‘Yong hospital ang tumawag sa akin at malubha daw ang lagay ni lola. Kung gusto mo, samahan mo na lang ako. Hindi ako mapakali lalo na't tungkol kay daddy ang mahalagang sasabihin niya,” sagot ko ditong napahinga ng malalim. “Sige na nga. Kaysa naman mag-isa kang pupunta doon,” sumusukong pagsang-ayon nito na ikinangiti ko. “Salamat–” “Where are you going, Kira, Marco? Hindi ba dapat sa club tayo ngayon?” ani mommy na ikinalingon namin ni Marco ditong pababa ng hagdanan. Hinintay namin itong makapit na palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Marco. “Uhm, Mom. Sa hospital po kasi kami pupunta ni Marco. Sasaglit lang ho kami doon, Mommy. Pagkatapos ng sadya namin doon ay didiretso na kami sa club,” sagot ko na ikinasalubong ng mga kilay nitong napatitig sa akin. “Bakit? Anong meron sa hospital? Sinong nahospital?” magkasunod nitong tanong. “Uhm, lola ko po, Mommy.” Sagot ko. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito. “Lola? May lola ka? Kailan pa?” nagtatakang tanong nito. “Mom, mamaya ka na mag-usisa. Naghahabol kami ng oras ni Kira.” Ani Marco dito. “Hindi, I'll come with you. Kailangan ko ring makilala kung sino itong lola ni Kira. Mahirap nang lokohin niya ang kinakapatid mo,” anito na ikinatango na lamang namin ni Marco at hinayaan na itong sumama sa amin sa hospital. PAGDATING namin sa hospital, sinalubong kami ng isang nurse na mukhang kanina pa kami inaabangan. “Kayo po ba si ma'am Kira?” magalang tanong nito. Tipid akong ngumiti na tumango ditong yumuko pa sa akin. “This way po, ma'am. Hinihintay na po kayo ng pasyente,” saad nito na naglahad ng kamay. Sumunod kami nila mommy at Marco dito na iginiya kami sa emergency room. Hinawi nito ang kurtina na ikinatigil ko na makita ang isang matandang nakaratay sa kama at puno ng gasgas ang katawan maging mukha nito. Maraming aparatus ang nakakabit dito na kitang nahihirapang huminga. Nangilid ang luha nito na makita ako. Hindi ko alam pero, biglang bumigat ang dibdib ko at namuo ang luhang mapatitig dito. Siya iyon. Iyong matanda noong nakaraan na hinarang ako na may sasabihin daw na mahalaga. Pero hindi natuloy at hindi na ulit kami nagkita. Nanginginig ang kamay nito na hirap na hirap niyang itinaas na tila inaabot ako. Nagmamadali akong lumapit dito na naupo sa gilid ng kama at ginagap ang kamay nitong dinala sa pisngi ko. Tumulo ang luha niya na nakamata sa akin na tila ang dami-dami niyang gustong sabihin. “K-kira apo,” nanginginig nitong sambit. “Ako nga po, kumusta ho kayo? Anong nangyari sa inyo, ma'am?” naluluhang tanong ko dito na napailing. “Ako ang nanay Lourdes mo sa mansion noon. Hindi mo na ba ako matandaan?” nahihirapang tanong nito. Naipilig ko ang ulo na nakamata dito at unti-unting naalala kung saan ko nga ba siya nakita! Sa mansion namin! Ang isa sa mga katulong doon! “N-nanay Lourdes?” nanginginig kong sambit na ikinahikbi nitong tumango. Napahagulhol ako na hindi ko na napigilang niyakap itong napahagulhol na niyakap din ako pabalik! Bakit nga ba hindi ko siya namukhaan!? Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga malapit sa akin noon. Nagkaiyakan pa kami noon nang maghiwalay na kami ni mommy at kinuha na ako ni daddy Griffin. Ilang minuto kaming nagkaiyakan bago ako kumalas dito na marahang pinahid ang kanyang luha at mariing hinagkan siya sa noo na napangiti. “Ano pong nangyari sa inyo, Nay? Bakit kayo naaksidente?” magkasunod kong tanong. Napasulyap pa ito sa mga kasama ko na tila nag-aalangang magsalita. “W-wena? Ikaw ba iyan, hija?” tanong nito na nakamata kay mommy. Napalunok ako na natigilan na nilingon si mommy Wena na lumapit sa amin at ginagap nito ang isang kamay ni nanay na nagmano. “Hindi ko po inaasahang makikita ko pa kayo, Nay Lourdes. Ano pong nangyari sa inyo?” magalang saad ni mommy na tila matagal na silang magkakilala ni nanay. “Hwag niyo na akong alalahanin. Masaya akong makitang magkasundo kayo ni Kira, anak. Hwag mo sanang pababayaan ang apo ko. Alam mo naman. . . kung sino talaga siya sa'yo, hindi ba?” mahinang saad nito na ikinahikbi ni mommy na tumango-tango. “Alam ko po, Nay. Hwag ho kayong mag-alala. Inaalagaan ko po siya. Noong una ay galit ako sa kanya at hindi siya tanggap sa bahay. Pero kalauna'y. . . kusa siyang nakapasok sa puso ko. Kusa ko siyang tinanggap at minahal. Siguro dahil. . . dahil hindi na siya iba sa akin,” sagot ni mommy Wena na tila may ibang laman ang sinasabi nito. Napatango-tango naman si nanay na ngumiting bumaling sa akin. Kitang hirap na hirap na ito pero pilit lumalaban. “H-hija, I have something important to tell you,” nanghihinang saad ni nanay Lourdes na ikinatango-tango kong inilapit ang mukha dito. “I'm listening, nanay. Ano po iyon?” sagot ko. Kitang hirap na hirap na itong huminga na anumang oras ay lalagutan na siya ng hininga. Tahimik namang umiiyak si mommy Wena at Marco sa likuran ko na nakamata sa amin ni nanay. “N-nalaman kong ang iyong ama. . . ang iyong ama ay hindi n-nagpakamatay. He was k-killed, Kira. A-ang tagal-tagal na kitang hinahanap. Para ipaalam sa'yo ang katotohanan sa pagkamatay ng ama mo.” Anas nito na hinihingal. Nanigas ako sa kinauupuan na natulala at sunod-sunod na tumulo ang luha. Hindi ako makaapuhap ng maisasagot sa narinig ko mula dito. Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ko na inaalala ang pagkamatay ng yumao kong ama. “H-hindi totoong ang daddy mo ang tumangay sa mga perang nanakaw sa kumpanya. It's not him, Kira. Dinig na dinig ko silang dalawa noon ng mommy mo na nagtatalo. N-nalaman ng daddy mo na ang mommy mo ang nagnanakaw sa kumpanya. Ipapaalam na dapat iyon ng ama mo sa lahat. Pero. . . pero–” Napahagulhol ito na hindi matuloy-tuloy ang sasabihin. “Pero ano po, nay? Sabihin niyo sa akin ang alam niyo. Sisiguraduhin kong magbabayad ang may pakana ng lahat ng ito,” saad ko ditong napailing na malamlam ang mga matang tumitig sa akin. “Ang m-mommy mo, hija.” Hirap nitong saad. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa narinig at tila tumigil ang mundo ko sa kanyang sinaad! “A-ano?” tanging usal ko na nakatulala dito. “Ang mommy Brianna mo, Kira. Itinulak niya ang daddy mo sa balcony ng silid nila. Sinundan niya ang daddy mo na akmang tatawagan ang secretary niya para ipaalam sana sa mga investors ang totoo. Pero bago pa siya nakapagsalita, itinulak na siya ng mommy mo kaya nahulog ang daddy mo. Ang mommy mo ang may pakana ng pagkasira ng imahe ng iyong ama. Siya rin. . . ang pumatay sa sir Griffin mo.” Pagtatapat nitong ikinatigil naming tatlo nila mommy Wena at Marco sa narinig! “P-po?” nanginginig kong sambit. “A-ano pong sinasabi niyo, Nay? B-bakit pati ang daddy ko nadamay dito?” naguguluhang tanong ni Marco dito na napailing. “K-kasalanan ko, hijo. Nahanap ko si Kira at ang daddy mo ang nakausap ko. Nagtapat ako sa kanya ng sikreto ni madame Brianna. Magtatapat na dapat si sir Griffin kay Kira. Pero nalaman ko na lamang. . . na naaksidente siya. H-hindi nagkataon ang lahat. Dahil hanggang ngayon ay sinusundan ako ng mga tauhan ni madame para maitumba ako at hindi malaman ni Kira ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang ama,” saad nito na ikinahagulhol namin. Napayakap sa akin si mommy Wena na dinamayan ako habang nagwawala naman na sa galit si Marco sa mga nalaman! Ginagap nito ang kamay ko na kita ang paghahabol hininga nito. Napapahid ako ng luha na inilapit ang mukha ditong tila may nais pang iparating. “L-linisin mo ang pangalan ng daddy mo, Kira. M-masaya akong mamahinga dahil nasabi ko na ang dapat mong malaman. M-makakasama ko na sa kabilang buhay ang pinakamamahal kong a-anak. Mahal na mahal kita, Kira apo ko. H-hwag kang magpapalinlang sa kanya. Dahil hindi mo siya. . . totoong ina.” Matapos bitawan ang mga katagang iyon ay tuluyan na itong napapikit kasunod ng pagtunog ng monitor na ikinahagulhol kong niyakap ito. “H-hindi siya ang mommy ko? Kung gano'n. . . sino ang ina ako?” usal ko na mag-sink-in sa utak ko ang huling sinaad nito. Hinagod-hagod naman ni mommy Wena ang likuran ko na panay ang halik sa ulo ko. “Hwag mo na munang alalahanin ‘yan, anak. Ang dami nating dapat unahin sa mga nalaman. Posibleng ang pumatay sa ama mo at asawa ko, gano'n din ang bumundol sa lola Lourdes mo ay iisang tao lamang. Para mapagtakpan niya ang nagawa niya kay Kenny noon. Sigurado akong ang may pakana ng lahat ng ito. . . ay si Brianna. Ang kinilala mong ina.” Madiing saad ni mommy Wena na nagngingitngit ang mga ngipin sa galit! Naikuyom ko ang kamao na patuloy ang pagtulo ng luhang nakamata sa lola kong wala ng buhay. Napakasama niya. Paano niya naaatim pumatay ng mga inosente? Tatlong buhay na ang inutang niya sa akin. Una ang ama ko, sunod ang pangalawang ama kong si daddy Griffin. At pangatlo. . . ang lola Lourdes ko. Ngayon ay naiintindihan ko na ang mga bagay-bagay. Kung bakit nagmamadali siyang ilibing noon ang daddy. At kung bakit napakadali sa kanyang ipamigay ako sa ibang tao at nilinlang pa akong magtatrabaho kaming dalawa para makabayad sa utang ng daddy. ‘Yon pala ay pinambayad niya ako ng utang na siya rin ang may pakana. Sinira niya ang imahe ng daddy ko sa lahat. Para mapagtakpan ang kanyang kasalanan. “Pinapangako ko, Nay. Pagbabayarin ko siya sa aking mga kamay. Aagawin ko ang lahat-lahat sa kanya. Kukunin ko. . . ang lahat ng meron siya.” LIMANG araw lang naming ipinagluksa si nanay Lourdes. Inilibing namin ito katabi ang puntod ng yumao kong ama, si daddy Kenny. Mabuti na lang at naiintindihan ako ni mommy Wena at Marco. Sinamahan at dinamayan nila ako sa pagluluksa ko. Hindi nila ako iniwan kahit bakas ang puyat at pagod sa kanilang mga mata. “Anong plano mo niya'n, Kira?” tanong ni Marco. Tapos na ang libing ni nanay. Pero nagpaiwan kaming dalawa dito sa sementeryo. Pinauna na namin si mommy at tiyak na pagod na pagod na siya. Ilang araw din itong katulad namin ni Marco ay walang maayos na pahinga at kain. “Hindi ko pa alam, Marco. Pero isa lang ang sigurado ako,” aniko na nagpahid ng tumulong luha habang nakamata sa lapida ni nanay Lourdes. “Sisiguraduhin kong mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng ama natin at ang lola ko. Sisingilin ko siya, Marco. Triple pa sa mga kinuha niya sa akin, sa atin. Kulang na kulang pa ang buhay niyang kabayaran sa mga kinuha niyang buhay. Sisiguraduhin kong. . . malilinis ko ang pangalan ng daddy ko at mababawi. . . ang De Silva's Corporation.” Sagot ko dito na napatango-tangong hinagod-hagod ako sa likuran. “Tutulungan kita, Kira. Dalawa tayong maniningil sa kanya. Katulad mo, bibigyan ko ng katarungan ang pagpatay niya sa ama ko.” Puno ng determinasyong saad nito na sinang-ayunan ko. Matapos naming magpaalam kay nanay Lourdes at sa puntod ni daddy Kenny, umuwi na kami ni Marco. May parte sa puso ko ang napunan bigla sa mga nalaman ko dahil kay nanay Lourdes. Sana pala noong una pa lang ay kinausap ko na siya at dinala sa bahay. Nang sa gano'n ay naprotektahan ko siya laban sa mga humahabol sa kanya. Kaya naman pala gano'n na lamang ang takot niya noon. Marahil ay nakita niya ang mga taong humahabol sa kanya kaya nagmamadali itong umalis noon. “Sinasabi ko na nga ba. Hindi magagawa ni daddy ang mga paratang sa kanya noon. Hindi magnanakaw at manloloko ang daddy ko. Lalong-lalo nang hindi siya sugador at drug addict katulad ng mga ipinaratang sa kanya para mapagtakpan ang totoong pagkamatay niya.” Usal ko sa isipan habang nasa kahabaan kami ng byahe ni Marco pauwi ng bahay. Tumulo ang luha ko na naaalala ang aking ama. Napakabuti niyang tao. Kaya hindi ko maintindihan kung paano naatim ng tumayo kong ina na gawin iyon sa kanya. Ibig bang sabihin ay nasa paligid ko lang siya? Dahil namamatyagan niya ang mga tao sa paligid ko. “Marco, tingin mo ba kaya hindi mahanap-hanap kung sino ang bumundol sa kotse ni daddy Griffin dahil. . . dahil hinaharangan ng salarin ang imbestigasyon?” tanong ko dito. “Possible, Kira. At kung tama nga ang hinala natin. Ibig sabihin ay may kapit ang ina mo–oh, she's not your biological mother nga pala.” Saad nito. Naipilig ko ang ulo na napalingon dito. Sa dami ng nangyari ay nakalimutan ko na ang sinabing iyon ni nanay. Na hindi si mommy Brianna ang totoong ina ko. Kung gano'n ay sino ang totoo kong ina? Nasaan na siya ngayon? Buhay pa kaya siya? “What's the matter?” tanong nito na hindi ko napansing nakarating na kami ng bahay sa lalim ng iniisip ko. “Wala ‘to. Naisip ko lang. Sino kaya ang totoong ina ko? Buhay pa kaya siya?” tanong ko dito na napanguso. “Hindi ko alam, Kira. Malay mo buhay pa siya. Sana nga, mahanap din natin ang totoong ina mo,” saad nito na ikinangiti at tango ko. “Sana nga, Marco. Sana nga makilala ko pa kung sino ang totoong nagluwal sa akin sa mundong ito.” MAGKATULONG kami ni Marco na nagimbestiga kung nasaan na ang magaling kong stepmother. Dahil alam ko naman ang itsura at buong pangalan nito, madali lang namin nahanap ni Marco kung nasaan na ito ngayon. Nagulat ako sa mga nalaman tungkol dito. Ayon sa information na nalaman namin ni Marco mula sa family friend nilang isang investigator. May pamilya na ito ngayon at nandidito lang din sila sa syudad! Pag-aari na nila ang De Silva's Corporation namin noon na naging Montero's Corporation na ngayon. Kabilang na ang kumpanya sa mga nangunguna ngayon sa bansa! Isang tycoon billionaire na ang asawa nito ngayon at may binata silang anak. Si River Montero. At ayon sa nalaman namin, nagsama sila ni mr Raven Montero ten years ago. Ilang buwan lang pagkatapos ng nangyaring pagkamatay ni daddy. “Kaya mo ba?” tanong ni Marco sa akin habang pinagmamasdan ko ang larawan ng binatang si River. Kung itsura lang ang pagbabasehan, napakagwapo nito na kahit sinong babae ay mapapalingon at awang ang labi kapag dumaan ito. Pero dahil iba ang pakay ko sa kanilang pamilya, wala akong pakialam kahit siya pa ang pinakagwapong nilalang na makikilala ko sa tanang buhay ko. “Kaya ko, Marco. Pero mas exciting. . . kung maging ang ama niya ay paiibigin ko. Two birds in one stone, ika nga.” Saad ko ditong napangisi. “Delekado ang plano nating lumapit sa pamilya Montero, Kira. Pero para sa hustisya ng mga ama natin at lola mo pinatay na walang kalaban-laban, magagawa natin ito. Nasa likod mo lang ako,” saad nitong ikinatango ko. “Nalaman mo na ba kung saan siya tumatambay?” tanong ko dito na napangisi. “Aha. And guess what?” anito na may ngising naglalaro sa mga labi. Napataas kilay ako ditong natawang napailing. “Ano?” untag ko dito. “Nililigawan ko. . . ang girlfriend ng River na ‘to,” anito na nagtaas baba ng kilay sa akin. Nangunotnoo akong napatitig dito. “Girlfriend?” “Aha.” “Kumusta?” Napadekwatro ito ng binti na nakapaskil pa rin ang ngisi sa mga labi. “Sinagot na niya ako, Kira.” Puno ng pagmamalaking saad nitong halos ikaluwa ng mga mata ko! “What!?” Natawa ito na napailing. “Wala e. Easy to get pala ang girlfriend ng mokong. Isang kindat at ngiti ko lang ay bumigay na kaagad sa akin. Nalaman ko kasing abala sa trabaho si River. Workaholics ang taong iyon at siya ang nagma-manage sa kumpanya niyo dati na pag-aari na nilang pamilya. Kaya wala na halos oras sa girlfriend niya. Malas lang niya dahil. . . kay bilis nahulog sa akin ng girlfriend niya.” Naiiling saad nito na mahinang ikinatawa at iling ko na rin. “Siguraduhin mong hindi ka mahuhulog sa babaeng ‘yan, Marco. Hindi tayo lumalapit sa kanila. . . para makipag relasyon sa kanila. Kuha mo?” pagpapaalala ko ditong napangisi. “Nakatatak ‘yan sa isipan ko, Kira. You have nothing to worry about.” Anito na ikinatango ko. “Good. Mabuti nang nagkakaunawaan tayo, Marco. Marami pa tayong dapat unahin bago ang pag-ibig na ‘yan.” Isang gabi, magkasabay kaming dumating ni Marco sa bar kung saan nagagawi si River Montero at mga kaibigan nito. Nagtagumpay si Marco na agawin ang girlfriend nito at siya ang pinili ng babae. Kaya naman lugmok sa kabiguan sa pag-ibig ang binata at napapadalas ang pagtungo nito sa mga bar para magpalipas ng sama ng loob. Sinadya kong magsuot ng revealing dress na pumasok ng bar kung saan nakatambay ang taong pakay ko. Si River Montero. Napangisi ako na kaagad nahanap ang binata kung saan ito nakapwesto. Pasimple akong naglakad sa gawi nito at naupo sa bakanteng highchair kung saan ito nakapwesto. Tahimik naman itong umiinom na kitang problemado. "Hi, vodka, please?" malambing saad ko sa bartender. "Sure, ma'am." Magiliw nitong sagot na kinuha ang order ko. Napanguso ako na napasulyap sa katabi kong tila walang pakialam sa paligid niya. Kung gwapo na ito sa larawan, mas gwapo pa pala ito sa personal lalo na sa malapitan! Makapal ang itim nitong kilay na malantik ang mga pilikmata nito. Chinito ang hugis ng kanyang mga mata na bakas doon ang kakaibang lungkot. Matangos ang ilong, manipis ang mapula niyang mga labi at perpekto ang hugis ng jawline nito. Kahit naka-side view ito sa akin ay hindi maipagkakaila kung gaano ito kagwapo! Napaiwas ako ng tingin dito nang napalingon ito sa akin na tila naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya. Sakto namang iniabot na sa akin ng bartender ang order ko na ikinangiti kong inabot iyon at tinunga. Napangiwi pa ako na humagod sa lalamunan ko ang init at pait ng alak. Hindi naman kasi talaga ako umiinom. Napilitan lang akong uminom dahil kailangan kong makalapit kay River. Kita ko sa peripheral vision kong napangisi ito na nalukot ang mukha ko at napasuri pa sa kabuoan ko. Hindi na ako nakatiis na nilingon itong ikinasalubong ng aming mga mata na kapwa natigilan at napalunok na magkatitigan kaming dalawa! Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na tila nahihipnotismong nakatitig ditong matiim ding nakatitig sa akin. "H-hi," alanganing bati ko na matamis na ngumiti ditong tipid na ngumiting nakipag-toss sa akin. "Hello," malamig nitong tugon. Napasinghap ako na marinig ang malalim at baritonong boses nito. Kahit napakalamig ng pagkakasabi nito ay may konting kilig akong nadama sa pagtugon nito sa pagbati ko. "I'm Kira. You are?" pagpapakilala ko sa sarili na naglahad ng kamay dito. Muli itong napalingon sa akin na napasulyap pa sa kamay kong nakalahad. Kahit parang mapupunit na ang labi ko na nakangiti dito ay pinanatili kong nakangiti ako. "Luma na 'yan, ms. Gan'to ang makabagong pagpapakilala ngayon," anito na ikinakunot ng noo ko. "River," saad nito na mapusok na inangkin ang mga labi kong halos ikaluwa ng mga mata ko sa gulat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD