Chapter 2

2203 Words
10 years later. KIRA'S POV: “HAPPY birthday, Kira!” Napangiti ako na nangilid ang luhang sabay-sabay akong binati nila sir Griffin, ma'am Wenna, Marco at mga katulong dito sa bahay. It's my 18th birthday today, at hindi ko inaasahang natatandaan nila ang araw na ito. Sa mahigit sampung taon kong paninilbihan sa mga Clifton, nakuha ko rin ang loob at tiwala nila ma'am Wena at Marco. Dati ay mailap sila sa akin at mainit ang dugo. Pero nang minsang nasagip ko si Marco noon dahil nahulog ito sa malalim na parte ng pool, magmula noon ay unti-unting naging mabait ang mag-ina sa akin. Pinag-aral ako nila ma'am Wena sa private school kung saan nag-aaral din si Marco. Para mabantayan ko ito at natututukan ang mga lessons namin. Hindi kasi matalino si Marco, pero dahil matalino ako at palagi siyang sinasamahang mag-aral, unti-unting naging mataas na rin ang mga grado nito sa school. Hanggang sa ginawa na akong tutor nito dahil classmate naman kami. Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Habang nag-aaral, naninilbihan pa rin ako sa mga Clifton. Wala akong sinasahod sa paninilbihan sa kanila. Pero sapat na sa akin na pinapaaral nila ako, pinapakain, may maayos na gamit at matitirhan. Isa pa, alam ko namang malaki ang utang ni daddy sa kanila. Dahil ilang million din ang nawala kay sir Griffin nang mag-invest ito sa dating kumpanya namin pero na-scam ito. Hindi ko alam pero, hindi ako naniniwala sa bagay na iyon. Na nang-scam ng mga tao si daddy. Ang sabi sa balita, nalulong ang daddy sa sugal at drugs. Pero hindi ako naniniwala doon. Dahil kahit bata pa lang ako noon, nakikita kong isang mabait, matulungin at responsible na tao ang ama ko. Ni minsan ay hindi ko sila nakitang nagtalo ni mommy. Mabait siya sa mga tauhan niya. At wala maski anong bisyo ang daddy. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang nanigarilyo o nakainom ng alak. Kaya hindi ako naniniwalang nalulong siya sa sugal at drugs! Hindi ko na rin muling nakita pa si mommy. Ni hindi na ito nagparamdam pa sa nakalipas na sampung taon. Mabuti na lang at mabait ang pamilya Clifton. Hindi nila ako pinabayaan at ibinilang na parte ng pamilya nila. Kung dati ay palagi akong inaaway ni Marco, ngayon ay matalik na kaming magkaibigan. Gan'on din kay ma'am Wena. Kung dati ay mainit ang dugo niya sa akin, ngayon ay siya na ang nagtatanggol sa akin at nagsisilbing pangalawang ina ko. Hindi rin nagbago si sir Griffin sa akin. Anak ang trato niya sa akin mula umpisa hanggang ngayon. Kaya kahit maaga akong naulila sa ama at inabandona ako ng aking ina, hindi ko naranasang mag-isa. Dahil may mga taong pumuno ng malaking puwang sa puso ko. Nagkaroon ako ng pangalawang pamilya sa mga amo ko. “Maraming salamat po sa pagbati at effort para sa birthday ko,” maluha-luhang saad ko na isa-isang yumakap sa mga ito. “You're welcome, Kira. Alam mong pamilya ka na rin namin,” nakangiting sagot ni sir Griffin na hinaplos ako sa ulo. “Salamat po, sir. Utang na loob ko po sa inyo kung ano ako ngayon at kung anong mga naabot ko. Dahil sa inyo nagkaroon ako ng matatawag na pamilya. Na habang buhay kong tatanawing utang na loob sa inyong lahat,” saad ko na ikinangiti ng mga ito. Tumulo ang luha ko nang yakapin ako ni ma'am Wena at marahang hinaplos sa ulo. “Napakabait mong bata, Kira. Masaya kaming maging bahagi ka ng buhay namin. Sana hindi ka magbago,” wika nito na ikinangiti kong tumango sa sinaad nito. “Makakaasa po kayo, ma'am.” “O siya, the food was served. Kumain na tayo,” masiglang saad ni sir Griffin na ikinahiyaw ng mga kasama namin. “Happy birthday again, Kira. You're already eighteen now. Ang bilis ng panahon noh? Parang kailan lang noong dinala ka ng daddy dito at inaaway pa kita,” saad ni Marco habang nakaakbay ditong sumunod sa lahat na nagtungo sa dining room. “It's been ten years, Marco. Pero parang kahapon lang nangyari ang mga bagay-bagay. Kung saan nagpakamatay ang daddy ko at hirap na hirap akong iwanan siya sa sementeryo, at sa pag-abandona sa akin ng sarili kong ina. Na ginawa akong pambayad ng utang namin sa inyo. Kahit sampung taon na ang nakakalipas, masakit pa rin sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang mga magulang kong iniwan ako,” maluha-luhang saad ko dito na hinagod-hagod ako sa likuran. “Ano ka ba? Hwag nang isipin ang mapait na nakaraan. Magsaya tayo ngayon at kaarawan mo. Nakaya mong tumayo kahit wala sila, lalo na ang iyong ina. Kaya mag-focus ka na lang sa hinaharap. Kalimutan mo na ang nakaraan, Kira.” Sagot naman nito na ikinangiti at tango ko. “Tama ka. Kung sabagay, ni hindi ko na alam kung nasaan na ngayon ang aking ina. Anong naging buhay niya? Saan siya nagpunta matapos naming maghiwalay. O kung. . . kung buhay pa ba siya.” Saad ko na pilit ngumiti sa mga ito. “Happy birthday again, Kira. Here, blow your cake first and make a wish,” nakangiting saad ni sir Griffin na ikinangiti at tango ko. Sinindihan naman ni Marco ang candles ng cake ko bago sila sabay-sabay na kumanta ng birthday song. Pagkatapos nila akong kantahan, napapikit na ako na humiling bago hinipan ang candles. Naghiyawan naman ang mga ito na pinalakpakan ako bago kami nagsimulang kumain. MABILIS lumipas ang mga araw, hanggang sa ang masayang pamilyang nakalakihan ko, sinubok ng tadhana. Nasa university kami ni Marco nang tumawag ang mommy nito na umiiyak at naaksidente daw si sir Griffin! “Tahan na, Marco. Si sir pa ba? Palaban iyon. Tiyak na makakaligtas siya. Hindi niya tayo iiwan,” pagpapalakas loob ko dito na kanina pa umiiyak habang papunta kami ng hospital. “Ang sabi ni mommy, malubha ang lagay ni daddy. Himala na lang daw kung mabubuhay pa siya. Kira, hindi ko kayang mawalan ng ama. Hindi ko kayang wala ang daddy,” humihikbing saad nito na nakasandal sa balikat ko at hawak-hawak ang isang kamay ko. Napalapat ako ng labing tumulo na rin ang luha. Ako man ay natatakot din sa mga mangyayari. Pakiramdam ko ay bumabalik ang bangungot ng buhay ko na pilit kong tinatakasan. Ang nangyari sa daddy ko. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa puso at isipan ko kung gaano kasakit ang mawalan ng ama. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman ni Marco ngayon. “Hindi niya tayo iiwan, Marco. Alam ni sir Griffin na kailangan pa natin siya dito. Magpakatatag ka lang, Marco. Kailangan tayo ng mommy mo ngayon. Tayo ang magiging sandalan ni ma'am Wena ngayong kahinaan niya, okay?” saad ko ditong tumango-tango na patuloy sa pag-iyak. Pagdating namin sa hospital, naabutan namin si ma'am Wena na nakatulala sa labas ng emergency room. Kaagad namin itong nilapitan na ginagap ang kanyang kamay. “Mommy, anong nangyari? Nasaan si daddy? Anong lagay niya?” sunod-sunod na tanong ni Marco dito. Walang emosyon ang mga mata nitong tumitig sa anak nitong nakaluhod sa harapan niya at nakaupo ito. Tumulo ang luha nito na marahang umiling ikinatigil namin ni Marco na nagkatinginan. “Wala na siya, Marco, Kira. Wala na. . . ang daddy Griffin niyo. Hindi niya kinaya. I-iniwan na niya tayo,” mahinang saad nito na napayukong napahagulhol! Parang bombang sumabog sa dibdib ko ang narinig. Nanigas ako na napaatras at nanghina ang mga tuhod. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko na nakatulala at paulit-ulit nagri-replay sa isipan ang sinaad ni ma'am Wena. “H-hindi totoo ‘yan, Mommy. Nagbibiro ka lang ‘di ba?” nanginginig na sambit ni Marco dito. “Sana nga, anak. Sana nga nagbibiro lang ako. Sana nga isang masamang panaginip lamang ito. H-hindi ko kaya na wala ang daddy niyo. Ngayon pa lang ay para na akong matatakasan ng bait sa mga nangyari. Lalo na't. . . sinadya ang ginawa nila sa daddy niyo. Hindi ko alam kung sino ang nakaalitan ni Griffin. Kaya wala akong idea kung sino ang salarin. Dahil wala namang nababanggit ang daddy niyo na nakaaway o samaan ng loob niya,” humihikbing saad ni ma'am na ikinatigil namin ni Marco. “S-sinadya ang pagkamatay ni dad?” pangungumpirmang tanong ni Marco na hirap na hirap magsalita. Marahang tumango si ma'am Wena na muling napahagulhol. “Anong gagawin ko, anak? Paano na tayo ngayong wala na ang daddy niyo? Nag-aaral pa kayo ni Kira.” Wika nito na bakas ang lungkot at pag-aalala sa boses nito. “Nandito po kami ni Kira, Mommy. Hindi po namin kayo pababayaan. Hindi ba?” ani Marco na nilingon ako. Pilit akong ngumiti na tumango sa kanilang kitang natuwa sa isinagot ko. “Oo naman, Marco. Hindi ko kayo iiwan ni ma'am. Pamilya ko na kayo. Tutulungan ko kayo sa abot ng makakaya ko,” sagot ko na lumapit na sa mga ito at sabay naming niyakap si ma'am Wena na napahagulhol sa balikat ko. Lumipas ang mga araw na naging tahimik si ma'am Wena. Naiintindihan naman namin siya dahil hindi biro ang mawalan ng asawa. Kami man ni Marco at mga kasama sa bahay ay apektado at sobrang nalulungkot sa nangyari. Hindi pa rin kasi matumbok ng kapulisan kung sino ang salarin sa nangyari kay sir Griffin. Ayon sa balita, sinadyang agawan ng linya ang minamaneho ni sir at sinalubong ito ng humaharurot na truck! Sa lala ng napinsala nito ay nagkandayupi-yupi ang harapan ng kotse kaya hindi na naka-survive si sir Griffin na siyang driver ng kotse. Hindi ko alam pero, parang may humaharang sa imbestigasyon ng kapulisan sa kaso. Mahigit isang linggo na ang nakakalipas pero wala pa rin silang maiturong suspect. Ni hindi nila matukoy ang driver ng truck na bumangga kay sir Griffin. Nailibing na namin si sir pero wala pa ring usad ang kaso. Na tila hindi ito inaasikaso ng mga imbestigador. Nagkukulong naman si ma'am Wena sa silid. Hindi ito makausap at hirap kaming pilitin itong pakainin. Palagi itong umiiyak at kitang nangayayat na ang katawan. “Natatakot ako, Kira. Baka magkasakit na si mommy sa mga nangyayari. Nawalan na ako ng ama. Hindi na ako makakapayag. . . mawalan din ako ng ina.” Wika ni Marco habang nakamata sa ina nitong nahihimbing na dala ng gamot. Kailangan kasi naming painumin ng sleeping pills si ma'am Wena para makatulog ito. Dahil kung hindi, iiyak lang ito magdamag na iniisip si sir Griffin. Bawat araw na lumilipas ay sobrang bigat sa aming lahat. Hindi kami sanay na tahimik ang bahay. Pero magmula nang mawala na si sir Griffin, hindi na namin alam kung paano ngumiti. “Kaya nga nandidito tayo, Marco. Tayo ang magiging sandalan ni ma'am Wena ngayong kahinaan niya. Tayo ang magiging lakas niya at tutulong sa kanya na makabangon muli,” wika ko dito na tumulo ang luhang mariing hinagkan sa noo ang ina nitong nahihimbing. “Ang isa pang inaalala ko, baka bumagsak na ang club at magsara iyon na wala na ang daddy na nagma-manage no'n. Iyon na lang ang kabuhayan natin, Kira. Nakasalalay sa club ang kabuhayan natin. Kung pati iyon ay mawawala, saan na tayo pululutin nito? Lalo na't gan'to si mommy,” nag-aalalang saad nito na ikinalunok ko. Malakas ang club nila Marco. Iyon ang nangungunang club dito sa amin. Dinadagsa din iyon ng mga kilalang tao sa bansa. Mga negosyante, artista at kahit mga pulitiko ay nagagawi sa club. Paminsan-minsan ay gumagawi ako sa club kapag kulang sila ng mga dishwasher. Hindi naman ako pwedeng magtrabaho doon ng regular dahil minor pa ako noon. Pero ngayon ay nasa eighteen na ako. At kailangan naming magtulungan nila ma'am Wena at Marco para mapanatiling maayos ang takbo ng club. Dahil sa oras na bumagsak iyon, kami rin ang mahihirapan. “Anong plano mo niya'n?” tanong ko dito. Napabuntong hininga ito ng malalim na bakas ang pagod at lungkot sa mapupungay niyang mga mata. “Gusto mo bang ikaw na muna ang aalalay kay mommy? Ako nang bahala sa club.” Wika nito. Napatitig ako sa ina nito. Kahit nahihimbing na si ma'am Wena, bakas pa rin sa maamo niyang mukha ang lungkot at bigat na dinadala nito sa pagkawala ni sir Griffin. Mapait akong napangiti na umiling at ginagap ang kamay nilang mag-ina. Nagtatanong naman ang mga mata nitong napatitig sa akin. “Hindi, Marco. Mas kailangan ka ng mommy mo ngayon. Ako nang bahala sa club. Pag-aaralan ko kung paano magtrabaho doon. Malapit naman kami ni ma'am Ging e.” Saad ko. Tipid itong ngumiti na tumango. “Sige. Pasensiya ka na ha? Sa totoo lang, ayaw kong magtrabaho ka doon. Pero sa nangyayari ngayon, kailangan nating magtulungan.” Wika nito na ikinatango ko. “Naiintindihan ko, Marco. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Magtulungan tayo hanggang makabangon muli sa nangyaring ito.” Sagot ko na magaang niyakap itong napasubsob sa balikat ko. “Salamat, Kira. I owe you this.” Saad nito na ikinangiti kong hinaplos ito sa ulo. “No, Marco. Ako ang malaki ang utang na loob sa inyo. Oras na. . . para ako naman ang magbalik ng kabutihan niyo sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD