"You must be celebrating right now, right?” anito na ikinalingon ni Kira dito.
Nakangisi ito na nang-uuyam ang tinging ginagawad sa dalaga na tila napakababa niyang tao sa paningin nito.
“I don't know what you're talking about, River.” Maang-maangan sagot ni Kira na napasimsim sa wine na hawak.
“Oh c'mon, Kira. Alam kong alam mo kung anong pinupunto ko. Masaya ka na ba? Masaya ka na bang nagtagumpay kang agawin ang lahat kay mommy kasama ang asawa niya? Ikakasal na kayo ng daddy. Finally, you're not a mistress anymore. Dapat lang na magdiwang ka ngayon, ‘di ba? Pinaghirapan mo din ‘yan kaya ka nandidito.” Pang-iinsulto pa ni River dito.
Walang emosyon ang mga mata ni Kira na bumaling dito at ngumisi sa binata.
“Yes. I'm so happy right now, River. Masaya ka na bang marinig na masaya ako?” sarkastikong sagot ni Kira dito na unti-unting napalis ang ngisi at kitang nasaktan sa isinagot ng dalaga.
“Tama nga si mommy. Once a b***h, always a b***h. Kahit anong bihis ng daddy sa'yo, Kira. Marumi ka pa ring babae na pumatol sa matandang may asawa na!” mahina pero may kariinang saad nito na nang-uuyam ang tono at tingin sa dalaga.
Nasaktan si Kira na marinig iyon mula sa lalakeng minsan na niyang minahal at pinahalagaan. Pero kailangan niyang ipakita kay River na hindi ito apektado sa anumang pang-uuyam ni River sa kanya. Humarap si Kira dito na taasnoo at kiming ngumiti sa kaharap.
“Nagagalit ka ba kasi naagaw ko ang daddy mo sa mommy mo? O nagagalit ka. . . kasi ang daddy mo ang pinili ko at hindi ikaw. Alin sa dalawa, River?” nakangisi saad ni Kira dito na nag-igting ang panga at napakuyom ng kamao.
Humakbang ito palapit na hinablot si Kira sa braso. Naniningkit ang mga mata nito na puno ng galit. Yumuko ito na bahagyang inilapit ang mukha sa dalaga.
“Kinasusuklaman kong. . . minahal kita, Kira De Silva. Para kang mantya sa buhay ko na gusto kong burahin at hindi na maging bahagi ng buhay ko. Nasusuklam akong. . . nakilala pa kita,” madiing saad nito na bakas ang galit, poot at gigil sa boses.
Napatitig si Kira dito na napalunok na magsalubong ang mga mata namin.
“Gugustuhin mo pa rin kaya akong burahin sa buhay mo. . . pagkatapos nito,” pabulong anas ni Kira na yumapos sa batok nito at inabot ang kanyang mga labing nanigas at kalauna'y napakapit sa batok ng dalaga at mapusok na tinugon ang halik nito!
***Chapter***
THIRD PERSON POV:
YAKAP-YAKAP ng batang si Kira De Silva ang larawan ng ama nitong yumao habang nakatayo sa harapan ng puntod nito. Kalilibing pa lang ng ama nito at isa-isa na ring nagpapaalam ang mga taong nakiramay sa kanilang mag-ina.
Ayon sa balita, ang ama nito ay nagnakaw ng funds ng kumpanya at tinangay ang abot sampung billiong pera ng mga investors nila! Isang malaking scandal ang kinaharap ng ama nito. Dahil sa nangyari. . . .
Unti-unting kumalas ang mga partnership nila at nag-backout din ang mga investors nila. Kaya naman hindi na naisalba pa ng kanyang ama ang pagbagsak ng kumpanya. Dahil sa nangyaring pagkalugi ng kumpanya, ibinenta nila ito sa mababang halaga. Pero kulang pa ang napagbentahan para ipambayad sa mga utang nila!
Maayos ang pamumuno ng ama niya sa family company nila. Ang De Silva's Corporation. Pero isang araw, unti-unti bumagsak ang sales ng De Silva's Corporation. Ilang dekada itong pinamunuan ng lolo ni Kira at naging maayos naman ang takbo nito sa nagdaang tatlong dekada. Limang taon pa lang magmula nang ipasa sa ama niya ang pamumuno sa kumpanya, pero bigla itong bumagsak sa isang iglap!
Hindi nakayanan ng ama niya ang mga kinakaharap nitong problema, idagdag pang kakamatay lang noong nakaraang buwan ng lolo nitong umaalalay sa ama niya. Kaya naman kay dali nitong sumuko at winakasan na lamang ang sariling buhay!
Ayon sa doctor na sumuri sa ama niya, hindi na nakayanan ng mental health nito ang kinakaharap na problema. Kaya tumalon ito sa rooftop at kinitil ang sariling buhay! May mga kumakalat ding balita na gumagamit ng illegal drugs ang ama nito. Na nalulong na ito sa ipinagbabawal na gamot. Kaya naman gano'n na lamang kadali sa kanya na kitilin ang sariling buhay.
Kung ang ina ni Kira ay naniniwala sa mga paratang sa ama nito, kabaliktaran naman kay Kira. Hindi siya naniniwalang isang magnanakaw at drug addict ang ama niya. Yes, she was only seven years old. Pero kilala niya ang ama niya. Isa itong ulirang ama at responsable. Wala itong bisyo. Ni hindi ito umiinom o nagsisigarilyo. Kaya napaka imposibleng isa itong drug addict!
“Kira, let's go. It's getting dark. Baka maabutan tayo ng ulan dito sa cemetery,” ang wika ng ina nitong si Brianna.
Hindi umimik si Kira na nanatiling nakatayo sa harapan ng puntod ng ama niya. Tahimik na umiiyak at kinakausap ang ama nito sa kanyang isipan.
“Kira, I said let's go!” pagalit na ng ina nito sa bata.
“Maiiwan ako kay daddy, Mom. Dito po muna ako,” sagot ng bata.
“Are you out of your mind, huh!? Ginagalit mo ba ako!? Gusto mo palang samahan ang daddy mo e! Bakit hindi ka sumilid sa kabaong niya nang sabay ko kayong inilibing!” galit na sigaw ng ginang sa anak nito!
Napahikbi ang batang si Kira na mas niyakap ang larawan ng ama nito. Isang gabi lang kasi nilang ibinurol ang ama niya dahil malaking kahihiyan daw ang pagkitil nito sa sariling buhay. Kaya naman hindi makaalis-alis ang bata sa tabi ng ama niya. Bukod sa biglaan ang pagkamatay nito, hindi pa handa si Kira na palayain ang ama niya.
Nakiusap ito sa kanyang ina na patagalin kahit ilang araw lang ang burol ng ama niya. Para makasama muna nito ang ama sa nalalabing araw nito. Pero masyadong matigas ang puso ng ina nito at hindi siya pinakinggan. Ang pasya pa rin nito ang nasunod. Kung saan isang araw lang nilang ipingluksa ang katawan ng ama nito.
“Mommy, ayokong umalis. Dito muna ako,” umiiyak nitong pakiusap sa ina.
“No, Kira. Let's go. Pagod na pagod na ako at gusto ko nang magpahinga. Hwag mo akong sinasagad kung ayaw mong paluin kita!” pananakot nito na sapilitang hinila sa braso ang anak.
Umiiyak itong nakamata sa puntod ng ama nito habang kinakaladkad na siya ng kanyang ina palabas ng cemetery. Dahil masyado pa itong bata, wala itong laban sa kanyang ina. Lalo na ngayon na wala na ang ama niya na palaging kakampi niya laban sa ina nito.
BUONG magdamag na umiiyak si Kira sa silid habang yakap-yakap ang larawan ng ama nito. Kahit mugtong-mugto at mahapdi na ang mga mata nito ay walang tigil ang pagtangis ng bata. Hindi nito matanggap ang nangyari sa kanyang ama. Na sa isang iglap ay nawala na ito sa kanila.
Tanghali na nang gisingin ito ng kanyang yaya dahil may mga bisita silang dumating. Pupungas-pungas pa ang bata at kitang kulang sa tulog. Naniningkit ang mga mata nitong pilit nagdilat na nilingon ang yumuyugyog sa balikat niya.
“Bakit po, yaya?” paos nitong tanong na mabungaran ang yaya nito.
“Señorita, pasensiya ka na ha? Pero may bisita kasi kayo sa baba at pinapatawag ka ng mommy mo,” maalumanay nitong saad sa bata.
Inaantok man ay bumangon na ng kama ang bata at nagtungo na muna sa banyo para maghilamos at sepilyo. Nagbihis din muna ito at nagsuklay ng sabog-sabog nitong buhok bago lumabas ng silid kasama ang yaya nito.
Nanlalata ang katawan nito habang pababa sila ng hagdanan. Hindi na kasi ito nakakain kagabi at wala itong gana. Kaya naman kumakalam na rin ang sikmura nito at dama ang pangangatog ng mga tuhod.
Pagbaba nila ng sala, naabutan nito ang isang lalakeng naka-formal attire na may mga kasamang bodyguard. Kausap nito ang kanyang ina at mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Sabay pa silang napalingon kay Kira na nagtatakang lumapit sa mga ito. Naupo si Kira sa sofa katabi ang ina nito.
“Mommy, bakit po?” tanong nito sa ina.
Napahinga ng malalim si Brianna na malamlam ang mga matang tumitig sa anak nitong nagtatanong ang mga inosenteng mata.
“Kira anak, kukunin na kasi ng bangko ang mansion natin. Kahit ang sasakyan ay kukunin na nila dahil sa utang ng daddy mo. Pero kulang na kulang pa ang mansion at sasakyan natin para makabayad sa ilang billiong utang ng daddy mo. Tulungan mo naman ako,” ang wika ng ina nito.
Naguguluhan naman si Kira na nagpalipat-lipat ng tingin sa ina at kaharap nilang lalake.
“Ano pong ibig niyong sabihin, Mommy? Paano ko naman po kayo matutulungan?” nagtatakang tanong nito sa ina.
Napabuntong hininga ito ng malalim na hinaplos sa ulo ang anak nito.
“Masakit sa akin na gawin ito, Kira. Pero wala na akong pamimilihan. Hindi ako pwedeng makulong dahil sa mga utang ng daddy mo. Ubos na rin ang pera natin sa bangko at ilang properties natin. Pero heto at nagdadagsahan pa rin ang mga taong naniningil na pinagkaka utangan ng daddy mo.” Paliwanag nito sa anak.
Napapalunok si Kira na nakikinig sa ina nito. Bigla kasing binalot ng kakaibang takot at kaba ang dibdib ng bata sa mga nangyayari. Maging ang bahay nila ay mawawala na rin. Pero kulang na kulang pang kabayaran sa utang na naiwan ng kanyang ama!
“A-ano pong gagawin ko, Mommy?” kabadong tanong nito sa ina.
Lumamlam ang mga mata nito na hinaplos sa pisngi ang anak nitong naluluhang nakamata kay Kira.
“Anak, siya si mr Griffin Clifton. Wala na akong maibibigay sa kanya na property natin para pambayad sa utang ng daddy mo. Ang sabi niya,” anito na naluhang napayuko. “Ikaw ang kukunin niya na kabayaran sa utang ng daddy mo. Hindi mo naman gugustuhing makulong ang mommy, ‘di ba?”
Nanigas sa kinauupuan ang batang si Kira sa narinig mula sa ina nito! Kung saan siya ang gagawing pambayad sa utang ng ama niya para hindi makulong ang mommy niya! Tulala ito na sunod-sunod tumulo ang butil-butil nitong luha sa mga mata.
“M-mommy.” Nanginginig nitong sambit.
Nagpahid ng luha ang ina nito na sumapo sa magkabilaang pisngi ni Kira at tinitigan ito sa mga mata.
“Magtatrabaho ang mommy, anak. Mag-iipon ako hanggang may sapat ng pera si mommy na pantubos ko sa'yo. Kukunin din kita sa kanila, anak. Pangako, babawiin kita. Pero habang nagtatrabaho ako, doon ka muna sa kanila. Maninilbihan ka doon para makabawas sa utang ng daddy mo, okay? Magtutulungan tayo, Kira. Para makabayad sa mga utang na naiwan ng daddy mo. Nauunawaan mo ba si mommy?” maalumanay nitong paliwanag sa anak.
“Mommy, kukunin mo rin naman po ako sa kanila, ‘di ba?” luhaang tanong ng bata dito.
Tumango-tango si Brianna sa anak nito na mariing hinagkan sa noo ang bata bago niyakap ng mahigpit.
“Oo naman, anak. Babalikan kita. Makakabuti rin na nandoon ka dahil kukunin na ng bangko ang bahay natin. Wala na tayong ibang mapupuntahan, Kira. Kaya magtulungan tayo para makabayad sa mga naiwang utang ng daddy mo.” Saad ng ina nito.
Labag man sa loob, pumayag si Kira na sumama sa lalakeng sumundo sa kanya sa mansion. Masakit sa kanya na mawalay siya sa kanyang ina. Pero mas nanaisin naman nitong tulungan ang ina na makabayad sa mga utang nila, kaysa ang makulong ang ina niya at magpalaboy-laboy ito sa kalye!
"Hihintayin po kita, Mommy. Maghihintay po ako." Piping usal nito na tumulo ang luhang nakamata sa malayo.
PAGDATING nila Kira sa bahay ng mga Clifton, inakay ito ng lalake papasok. Napapalinga naman ang bata sa kanilang nadaraanan. Bakas ang maraming katanungan sa kanyang mga mata.
“Kira, dito ang bahay namin. Magmula ngayon, dito ka na titira. Hwag kang mag-alala dahil pag-aaralin pa rin naman kita. Pero–” anito na humarap sa bata at lumuhod para mapantayan ito.
Matiim lang namang nakatitig si Kira dito at nakikinig sa lalake.
“Tutulong ka sa mga gawain dito sa bahay ha? Hindi naman kita kinuha dito para ampunin ka. Malaki ang utang ng pamilya mo sa akin. Kaya maninilbihan ka sa amin dito hangga't hindi pa kayo nakakabayad ng utang. Naiintindihan mo ba ako?” seryosong tanong nito sa bata.
Tumango-tango si Kira bilang sagot na ikinangiti nitong hinaplos ito sa ulo.
“Good.” Anito na inakay na ang bata.
Pagpasok nila sa sala, naabutan nila ang asawa nito kasama ang anak nitong lalake na tinuturuan ng kanyang ina sa assignment nito. Nangunotnoo pa ang ginang na mapasulyap sa batang kasama ng kanyang asawa. Tumayo ito na nagtatanong ang mga matang nakatitig sa asawa nito.
“What's this, Griffin? Sino ang batang iyan?” tanong nito na napakasungit ng pagkakasabi.
“Uhm, wife. This is Kira. Anak siya ni mr De Silva. From now on, she'll live with us, okay?” anito na lalong ikinasalubong ng mga kilay ng asawa nito.
“Ano? Aampunin mo ang anak ng taong nang-scam sa'yo, ha?” madiing asik nito sa asawa na masama ang tingin kay Kira.
Napapalunok si Kira na mahigpit na nakahawak sa kamay ng lalake na kitang nakikipagtalo sa asawa nito.
“Meding!” pagtawag nito sa isa nilang katulong na kaagad lumapit.
“Bakit po, Sir?” magalang tanong ng ginang sa amo nila.
“Kunin mo na muna si Kira. May pag-uusapan lang kaming pamilya,” maawtoridad nitong utos na ikinasunod ng katulong nila.
“Bata, halika muna sa kusina.” Wika nito na inakay si Kira.
Kitang natatakot ito na sumunod sa ginang na inakay siya sa kusina. Hindi sanay si Kira makisalamuha sa ibang tao. Kaya hindi maitago sa mga mata nito ang takot sa mga taong nasa paligid niya.
“Ano ‘to, Griffin? Tinangayan ka na nga ng pera ng ama niya, aakuhin mo pa ang anak niya?” pagalit ni mrs Wena sa asawa nitong napahilamos ng palad sa mukha.
“Hindi naman natin aampunin ‘yong bata, Wena. Wala na akong makukuha sa pamilya niya. Mga properties, sasakyan at kahit ang mansion nila ay kinuha na ng mga pinagkakautangan nila. Ibinigay siya sa akin ng ina niya dahil wala na silang maipambabayad sa atin. Maninilbihan siya sa atin hanggang makabayad sila ng utang ng ama niya sa atin, okay?” paliwanag ni Griffin dito na napailing.
“At tinanggap mo ang batang ‘yan na maging kabayaran sa utang nila sa atin? Nag-iisip ka ba? Paano kung maglalayas ‘yan? O maaksidente habang nasa poder natin? Mapapahamak pa tayo, Griffin. Anong maitutulong ng isang paslit sa atin, ha? Kaya niya bang magtrabaho?” inis na sikmat ni Wena sa asawa nito.
“Wala nang mapuntahan ‘yang bata. Kinuha ko siya para manilbihan sa atin. Hindi naman ‘yan habang buhay na bata e. Malaki ang pakinabang ni Kira sa atin kapag nagdalaga na siya. Nakukuha mo?” sagot nito na hindi na rin maiwasang magtaas ng boses.
“Pero sa ngayon wala siyang makinabang sa atin, Griffin. Mukha ngang ni hindi marunong magwalis o hugas ng baso ang batang ‘yon e! Ano, tayo pa ang gagastos sa kanya? Pakakainin, bibihisan at pag-aaralin?” pagalit ni Wena dito.
“Oo. At ako ang gagastos sa kanya, okay? Wala akong hihingin sa'yo para kay Kira. Hayaan mo lang siyang manirahan dito. Ilang taon lang naman ay dalaga na siya. Mapapakinabangan na natin siya kapag nasa legal age na siya.” Madiing sagot nito sa asawa na napailing na lamang.
“Let's go, Marco. Sa silid na natin tapusin ang assignment mo,” pag-iiba nito na inakay na ang anak paakyat sa kanilang silid.
LUMIPAS ang mga araw, nanatili sa poder ng pamilya Clifton si Kira. Hindi sanay si Kira sa mga gawaing bahay. Pero unti-unti ay natututo na ito. Katulad ng pagwawalis, hugas ng mga plato at pagdidilig ng mga halaman sa garden.
Mainit ang ulo ni Wena sa kanya. Konting pagkakamali lang nito ay binubulyawan siya ng ginang at kung minsan ay nakukurot pa nga ito.
“Kira, right?”
Napalingon si Kira na may magsalita mula sa likuran nito. Napalunok ito na tumuwid ng tayo na malingunan ang anak ng boss nila. Si Marco Clifton. Sa ilang araw niyang pamamalagi sa bahay ng mga Clifton, ngayon lang siya kinausap ng bata.
“Oo. Bakit?” magalang sagot ni Kira dito na nakangusong pinasadaan siya ng tingin.
Nasa garden kasi ang mga ito. Kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman si Kira dahil hindi naman nito kayang magtrabaho ng mabibigat. Katulad ng paglilinis at paglalaba.
“Because of you, my parents are fighting. Bakit hindi ka na lang umalis? Hanapin mo sa labas ang mommy mong umabandona sa'yo. Sa kanya ka magpaalaga. Hwag ka dito,” masungit nitong saad na ikinatigil ni Kira.
“‘H-hindi ako inabandona ng mommy ko. Nagtatrabaho din siya para makabayad kaming dalawa sa mga utang ng daddy,” pagtatanggol nito sa ina na ikinangisi ng kaharap nito.
“Sigurado ka? E bakit nandito ka, hmm? Nasaan na ba ang mommy mo? Alam mo ba kung nasaan na siya? Anong trabaho niya sa labas? Tumawag na ba sa'yo?” sunod-sunod nitong tanong kay Kira na napalunok at napipilan.
Halos dalawang linggo na kasi si Kira sa kanila. Pero ni minsan ay hindi tumawag o dumalaw ang ina nito kay Kira. Ang huling pagkikita nila, noong maghiwalay na sila sa mansion. Tanging ang pinanghahawakan lamang niya ay ang pangako ng kanyang ina na babalikan siya nito kapag nakaipon na ng sapat na pera pambayad sa kanilang mga utang. Pero hindi nito sinabi kung saan magtatrabaho at kailan ulit sila magkikita.
“Natahimik ka? Napagtanto mo na ba? Ibinayad ka ng mommy mo sa amin dahil sa pangi-scam ng daddy mo sa daddy ko.” Nakangising saad nito na ikinatulo ng luha ni Kira.
“Hindi totoo ‘yan! Sinungaling ka! Hindi ako inabandona ng mommy ko! Lalong-lalo nang hindi scammer ang daddy ko!” giit ni Kira na nasugod itong naitulak!
“Ahh! Ano ba!?” sikmat ni Marco dito na napaupo siya sa lupa sa lakas ng pagkakatulak ni Kira dito!
“What's going on here, huh!? Bakit mo sinasaktan ang anak ko!?” bulyaw ni Wena na biglang sumulpot sa garden at nakita nitong malakas na itinulak ni Kira ang anak niya!
“H-hindi ko po sinasadya, ma'am.” Sagot ni Kira na napaatras sa takot!
Naniningkit ang mga mata ni Wena na nilapitan ito at hinablot sa braso na impit nitong ikinadaing!
“Hindi mo sinasadya? Ako pa ang lolokohin mo! Parehong pareho kayo ng ama mong scammer! Pamilya kayo ng mga manloloko!” pagalit nito na ilang beses pinalo si Kira gamit ang stick na naabot nito sa gilid!
“Wena, what do you think you're doing!?” pagsulpot ni Griffin na kaagad inawat ang asawa nito at umiiyak na si Kira na pinapalo nito!
“Bakit hindi mo tanungin ‘yang batang ‘yan!? Tinulak niya si Marco!” katwiran nito na naiduro si Kira na umiiyak sa gilid at takot na takot!
Napalingon si Griffin kay Kira na napailing at patuloy ang pagtulo ng luha.
“Kahit na, Wena. Away bata ‘yan. Bakit ka nakikialam sa away nila? Hindi mo ba naisip kung bakit niya itinulak si Marco, huh?” giit ni Griffin ditong napailing.
“I don't care what's her excuses, Griffin. Alipin siya dito. Wala siyang karapatang saktan ang anak ko! Naiintindihan mo?” palabang sagot nito sa asawa.
Nagdadabog na pumasok ng bahay si Wena kasama si Marco. Naiiling namang napasunod ng tingin si Griffin sa mag-ina nito na kitang masama ang loob sa kanya.
“Sir, hindi naman totoong scammer ang daddy ko, ‘di ba? At hindi naman ako pinambayad ni mommy sa inyo?” napapalabing tanong ni Kira dito.
Napabuntong hininga ng malalim si Griffin na lumuhod para mapantayan itong matiim na nakatitig sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang pangungusap na tila sinasabi ng mga iyon na sabihin niyang hindi totoo ang mga nalaman nito.
Kinuha nito ang dalawang kamay ni Kira na malamlam ang mga matang nakatitig sa bata.
“Kira, you're too young to understand it. Pag laki mo, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat para maunawaan mo, okay? Sa ngayon, mag-focus ka na lang muna sa pagtulong sa mga gawain dito sa bahay, hmm? Pagpasensiyahan mo na rin ang ma'am Wena mo at ang anak namin. Umiwas ka na lang kay Marco. Para hindi na ulit kayo mag-away, okay?” maalumanay nitong paliwanag sa bata.
“Just answer me, sir. Totoo bang ibinayad ako ni mommy sa'yo para sa utang ng daddy?” tanong ni Kira dito na napahinga ng malalim.
Napalapat ito ng labing marahang tumango na ikinatulo ng luha ni Kira. Pilit itong ngumiti na marahang pinahid ang luha ng bata.
“Na-scam ako sa kumpanya ng daddy mo, Kira. Isa ako sa mga investors nila na natangayan lang ng pera. Pero dahil nagpakamatay ang daddy mo at nag-unahan na ang mga nabiktima niya na kunin ang mga ari-arian niyo, ikaw ang ibinigay ng mommy mo sa akin na pambayad sa utang ng ama mo sa amin.” Mababang saad nito na ikinahikbi ni Kira.
Magaan nitong niyakap ang bata na marahang hinagod-hagod sa likuran nito.
“Iniwan ako ni mommy. Wala na nga akong daddy, pati ba naman si mommy iniwan na rin ako. Ayaw ba nila sa akin?” humihikbing saad nito na ikinatulo ng luha ni Griffin na inaalo ito.
Dama niya ang bigat na dala-dala ni Kira lalo na't kakamatay pa lang ng kanyang ama. Kaya nga ayaw sana niyang sabihin sa bata ang tungkol doon, pero dahil nalaman na nito, wala nang rason para itago niya pa ang katotohanan sa bata. Maganda na rin iyon para madali nitong maunawaan ang mga bagay-bagay paglaki nito. Alam niyang hindi biro ang pinagdadaanan ng bata. Pero kung mas makakabuting malaman nito ang katotohanan, bakit hindi?
“Tahan na, Kira. Hindi naman kita pababayaan dito. Pakakainin, bibihisan at pag-aaralin kita. Pero mangako kang paglaki mo, tutulungan mo ako ha?” wika ni Griffin ditong tumango-tango na tumitig sa mga mata ng lalake.
“Pangako po, sir. Hindi ko po kayo tatakasan. Salamat po. Dahil kahit niloko kayo ng daddy ay hindi kayo malupit sa akin,” saad ni Kira ditong napangiting maingat na pinahid ang magkabilaang pisngi nitong basang-basa ng luha.
“Aasahan ko ‘yan, Kira.”