PANAY ang lingon ni Kira sa pintuan sa tuwing may pumapasok. Umaasa na makita si River na dumalaw sa kanya sa hospital. Pero lumipas na ang ilang araw. Nakabawi-bawi na ng lakas ang katawan nito at madi-discharge na siya ay wala pa ring River ang nagpaparamdam. Hindi kasi nagpaalam ang binata sa kanya noong umalis ito ng hospital pagkagising niya. Hindi niya kasi kaagad ito nakilala nang magdilat siya ng mga mata at ito ang unang bumungad sa paningin nitong nanlalabo. May parte sa puso ni Kira na umaasa pa ring dumalaw si River. Para makausap niya manlang sana ito ng masinsinan nang tungkol sa kanilang dalawa. “Wala na ba tayong naiwan?” Napabalik ang ulirat nito na magtanong ang kanyang Mommy Wena. Pilit siyang ngumiti at saka tumango. “Wala na po, Mommy. Nandidito na po ang lahat

