Chapter 43

1720 Words

HATINGGABI na nang bumalik si River sa silid na akupado ng dalagang si Kira. Naabutan naman niyang nandidito na ang pinsan ni Kira na si Marco. Natutulog sa tabi ng ina nito. Napahinga ng malalim si River na lumapit kay Kira. Naupo ito sa silya na ginagap ang kamay ng dalaga. Malamlam ang mga mata nitong tinitigan ang dalagang wala pa ring malay. Namumutla na nga ang mukha nito na hindi naaarawan. “Kung hindi ba ako anak ni Brianna, mamahalin mo na kaya ako? Ipaglalaban mo kaya ako?” usal niya sa isipan na naiisip ang nakaraan nilang dalawa ni Kira. Kahit masuklam siya at isumpa ang babaeng nagluwal sa kanya, hindi no'n mababago ang katotohanan na si Brianna ang nagluwal sa kanya. Ang babaeng pumaslang sa ama ng babaeng pinakamamahal niya at nagtangkang patayin maski ang tumayo niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD