PARANG binuhusan ng nagyeyelong tubig ang binata sa sinaad ni Marco. Matiim itong nakatitig sa kanya na tila sinusuri nitong maigi ang kaharap nito. "Ahem! Anong pinagsasabi mo, hijo? I am his father. Kung gusto mo, tawagan mo si River at papuntahin dito. Kung mapapapunta mo siya habang nandidito ako," sagot ni Raven na pilit pinanormal ang boses. "I've heard you. Sino ang mommy na tinatawag mo kung gano'n, hmm?" nag-uusisa pa ring tanong ni Marco dito na natawa at iling. "My mother. Who else? Nasa abroad ang parents ko. Sobrang nag-aalala ako sa kanila dahil matatanda na sila. Honestly, dumaan ako doon noong nakaraan kaya napatagal ang balik ko dito sa bansa. May gusto ka pa bang itanong, hijo?" sagot nito na ikinanguso ng binata. "Fine. Whatever," ani Marco na bumalik na sa loob

