KABADO si River na palakad-lakad sa harapan ng emergency room habang inaasikaso ng mga doctor si Kira. Natatakot ito na baka hindi na maisalba ang dalaga. Lalo na't nasa poder nila ito. "Kira anak?" humahangos na pagtawag ni Wena. Napalingon si River sa dalawang bagong dating na bakas ang halo-halong emosyon sa mukha at luhaang nakamata sa emergency room. Tinawagan kasi nito ang mommy Wena ni Kira kanina at sinabihan ang mga ito. "Anong ginawa mo sa kapatid ko, ha?! Sinaktan mo siya, noh? Ikaw ang may kagagawan nito dahil binasted ka niya!" sikmat ni Marco na malakas itong sinapak sa mukha! Napatili si Wena na hindi nakailag si River at nasapul ito sa panga. Muntik pa itong mapaupo sa lakas ng suntok ni Marco dito! "Marco, ano ka ba? Huminahon ka nga, anak!" pagalit ni Wena na dina

