MAPAIT na napangiti ang binata na inasikaso si Kira. Ilang oras din silang nasa banyo hanggang sa makumbinsi niya itong lumabas na. Kinarga niya si Kira na binalot ng towel ang buong katawan. Matapos makapagbihis ng pantulog ang dalawa, si Raven na din ang tumuyo sa basang buhok. Nakaidlip naman na si Kira. Dala na rin ng pagod at antok. Habang nahihimbing ito, nasa tabi niya si Raven. Pinagmamasdan siya at marahang hinahaplos sa pisngi. “Now I understand why you pushed me away, Kira. I'm sorry. Patawad kung. . . kung siya ang nanay ko. Believe me or not? Hindi ko rin siya gusto. Hindi ko siya gustong maging mommy ko. Pero anong magagawa ko, ‘di ba? Siya ang nagsilang sa akin sa mundong ito. Pagbalik baliktarin ko man ang mundo. Hindi mababago ang katotohanang. . . ang ina ko ang umubo

