NANATILI na muna sa townhouse nila sa Tagaytay sina Raven at Kira. Kahit paano ay naging kampante ang isip at puso ng dalawa na alam nilang malayo sila sa magulong buhay sa syudad. "Hindi ka ba maliligo?" tanong ni Kira na malingunan si Raven. Nasa jacuzzi kasi ang dalaga. Nakababad at maganda ang panahon. Ngumiti at iling naman si Raven na may dala pang beer na tinutungga nito. "Mamaya na, darling." Sagot nitong ikinanguso ni Kira. "Samahan mo na ako dito, Raven. Mas masarap magbabad kapag may kasama e." Paglalambing pa nito. Napilitan namang tumayong muli si Raven na lumapit sa gawi nitong napangiting nakamata sa binata. "Hindi ka ba maghuhubad?" nanunudyong tanong ni Kira ditong napatikhim na napalapat ng labi. Kaya ayaw nitong maligo na sabay sila ni Kira. Dahil kapag nag

