NAKATULALA si River matapos matanggap ang resulta ng DNA test nila ni Brianna at iyon ay--positive! Nanlalambot ang mga tuhod nitong napasandal ng wall na nakatulala sa hawak-hawak na papel kung saan malinaw na malinaw ang resulta. . . na mag-ina sila ni Brianna! "H-hindi ito maaari. Ayoko siyang maging ina," usal nito na nalukot ang papel at nag-iigting ang panga! Hindi niya alam kung paano tanggapin ang katotohanan na ang babaeng nagtangkang patayin ang kanyang ama at nagnanakaw ng funds sa kumpanya nila. . . ay sarili niyang ina! "Hindi. Hindi ko siya ina. Ayoko siyang maging ina." Usal nito na nanggigigil pinunit-punit ang DNA test result nila ni Brianna. Hindi nito mapigilang mapahagulhol na nanghihinang napasalampak ng sahig. "Hindi pwede. Hindi siya ang ina ko. Ayoko," basag

