MAGDAMAG na nanatili si River sa tabi ng ina nito. Sa dami ng kinakaharap nitong problema ngayon ay hindi na niya alam kung anong uunahin. Kung ang pakikipag hiwalay ba nito sa madrasta niya para tuluyang makalaya ang ama niyang comatose din. O ang pagtutok sa kumpanya nila at bumabagsak na ang sales nito. O dapat ba ang relasyon nila ni Kira ang una niyang asikasuhin. Alam niyang magagalit si Kira kapag malaman nitong siya ang nagpapangap na Raven sa harapan ngayon ng dalaga. Kahit hindi naman niya intention, nakulong na siya sa sitwasyon nilang dalawa ni Kira. Gustuhin man niyang magtapat dito, tiyak na lalo nang lalayo ang loob ni Kira sa kanya. At alam niya sa sariling hindi niya kayang pakawalan ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso. "Mommy, ano pong gagawin ko? Litong-lito na

