PARANG may bombang sumabog sa dibdib ni Kira na makilala ang babaeng nasabuyan ng asido! Nangilabot ito na may pagmamadaling umalis sa lugar! “Bumalik ka dito, Kira!” dinig niya pang pagtawag ni Brianna sa kanya. Taranta itong pinara ang paparating na taxi at kaagad sumakay nang huminto iyon. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib na panay ang lunok! Nagpahatid ito pauwi at nababalot na ng takot ang kanyang puso! “Oh my God! Nagkataon lang ba? O ako ang puntirya nang lalakeng iyon na sabuyan ng asido,” usal nito sa sarili na dama ang panginginig ng katawan sa takot at kaba. Mangiyak-ngiyak ito na napapapilantik ang mga daliri. Nakikinita niya pa rin ang batang Kira sa sarili nito ngayon na takot na takot sa tuwing wala ang Daddy Kenny nito noon at pinapagalitan siya ng kanyang mommy

