PALAKAD-LAKAD si Kira sa loob ng kanyang silid. Hindi maalis-alis sa isipan nito ang ipinagtapat sa kanya ng kanyang Mommy Wena, tungkol sa kanyang totoong ina. “Nakita ko na pala siya. Pero hindi ko manlang nakilala. Kaya naman pala gano'n na lamang kagaan ang loob ko sa kanya nang makita ko ang litrato niya. Dahil siya pala. . . ang aking ina,” usal nito na naiisip ang Mommy Wilma nito. Hindi ito mapakali. Gusto niya sanang puntahan si River. Magpahatid sa private villa ng kanyang ina. Gusto niyang dalawin ang mga lugar na madalas na tambayan ng ina niya noong nabubuhay pa siya. Pero sa sitwasyon nilang dalawa ni River, hindi niya alam kung paano pa ito lapitan ngayon na may kasintahan na ito. Nanghihina itong napaupo sa gilid ng kama na sumagi sa isipan ang huling tagpong nakita ni

