MAHIGPIT na napayakap si Brianna kay River nang matumba silang mag-ina matapos itong matagumpay na mahila ni River. Napahagulhol ito sa dibdib ng anak niya sa sobrang takot at tuwa na iniligtas siya nito sa tiyak na sana niyang kamatayan! Maging ang mag-inang Kira at Wilma ay umiiyak na magkayakap sa gilid sa hindi nila inaasahang pagkikita. Ang sinabi lang kasi ni River, may ipapakilala siya sa dalaga kaya niya ito isinama sa hospital. Hindi naman lubos akalain ni Kira na ang Mommy Wilma niya pala ang dadalawin nila! Lumapit siya kay River dahil gusto sana nitong makiusap sa binata na dumalaw sila sa villa ng yumao nitong ina. Pero heto at buhay na buhay pa pala ang Mommy Wilma niya! Para siyang nananaginip ng gising sa mga oras na ito na kayakap niya ang babaeng nagluwal sa kanya sa

