Chapter 49

2035 Words

TAHIMIK na nagpapakiramdaman ang mag-inang Kira at Wilma sa silid. Iniwan nila sa labas ang mag-inang River at Brianna. Mas kalmado na rin ang mga ito. Hindi katulad kanina na nilalamon sila ng galit na makita si Brianna. Para silang bulkang sumabog sa sobrang galit nila kay Brianna. “Gusto mo po ba ng tubig, Mommy?” tanong ni Kira na siyang bumasag sa nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang mag-ina. Nilingon ito ni Wilma at ngumiti sa dalaga. “Yes, please?” aniya. Tumango naman si Kira na tumayo na. Nagtungo ito sa kitchen ng silid. Kumuha ng baso at naglagay ng malamig na tubig doon. Dinala niya iyon sa kanyang ina na nakaupo sa sofa at matamang nakamata sa kanya na palapit. “Salamat, anak ko.” Ani Wilma na inabot ang baso at inubos ang laman no'n. Naupo naman ulit si Kira sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD