NAGHAHABOL hininga na naitulak ni Kira si River sa malalim nilang halikan nang matauhan ito! Nag-init ang pisngi ni Kira na napapahid sa labi. Napangisi naman si River na naghahabol hininga rin at malamlam ang mga matang nakatitig sa dalaga. “Umalis ka na,” pagtataboy ni Kira dito. “Ayoko nga.” Sagot nito na ikinalingon ni Kira dito at sinamaan ng tingin ang binatang napangisi. “Hindi ka kailangan dito. ‘Yong nanay mong kriminal ang may kailangan sa’yo. Kaya doon ka sa kanya at ina mo iyon,” giit ni Kira dito na unti-unting napalis ang ngisi at nandilim ang mga mata. Napalunok si Kira na binundol ng kaba sa dibdib. Pero pinanatili nitong matapang ang itsura at itinatatak sa isipan ang mga masasakit na salitang binitawan kanina ni River para sa kanya. Kung gaano siya kaliit at karum

